Marso 19, 2013

Sa atin ang Tondo... at ang Cavite.


So paano ko ba uumpisahan? Hindi ko alam. Ang daming ideya, pero di ko alam kung paano ko ilalahad ng maayos. So bahala na. Bahala na ang tunay na pag-ibig sa paglahad ng kung ano. #Anoraw?

Hindi naman namin monthsary, lalong hindi n’ya rin birthday. Basta suddenly, I have this urge to do something that would make me a bit relieve. At oo, I feel at ease, really at ease, whenever I find myself on an image with him. Melodramatic ko noh? Basta magsusulat lang ako, kanya-kanyang trip lang yan.I just want to tell the universe, if ever nagba-blog din ang mga taga-outer space, kung gaano ako naging mas masaya nung makilala ko s’ya.

Malinaw sa akin kung paano kami nagkakilala. Kung paano ako inintroduce sa kanya ng isang blogger (na idol ko pagdating sa pag-tula, potogprapiya at pagpinta), at kung paano naman s’ya ipinakilala sa akin ng isa pang-blogger (na itinuring kong ate sa loob at labas ng blogosperyo). So we knew each other sa picture at sa blog bago pa kami nagkakilala personally. Under the same sky, together in the same passion, nagkita kami, nagkakilala, nag-hi at hello sa isa’t isa. Ngumiti ako sa kanya with my two large front teeth at sya naman ngumiti with his gilagid, chos. Pero wala pang something-something nun. Neutral pa lang. Medyo awkward pa kami noon sa isa’t isa. Kung paano nagsimula ang ligawan eh sikretong malupit na ‘yun. Magpapaka-showbiz ako with the cliché comment “I would like to keep it private.” sabay ngiting katulad kay Angel Locsin. Naks!

Alam ko maraming humahanga sa kanya sa mundo ng blogging dahil sa estilo n’ya ng pagsusulat. Kahit ako napahanga din n’ya, at higit sa paghanga ay napakilig din… talande? Hihi. Well, well, well… Hindi ko lang maiwasan kiligin at lalong mahulog sa mga tulang sinulat n’ya na *ehem* para sa akin. Dahil hindi ko talaga mapigilan kiligin at para mainggit kayo *jooke!* ito yung isa sa mga paborito kong tula na ginawa n’ya.

Honestly, iba ang impression ko sa kanya as a blogger – yung matapang, palaban at maloko. Pero nung nakilala ko siya, ibang-iba yung character n’ya. Yung sobrang sweet, mabait, maalaga at masiyahin. Alam ko namang makulit ako, pero mas napapasaya n’ya ko sa pagiging makulit n’ya rin. Yung tatawa lang kayo sa kung ano-anong mga kababawan sa mundo. Tapos kapag nakikita ko s’yang masaya at tumatawa din parang may biglang booom! Bigla na lang nagkakaroon ng pakpak ang mga bagay-bagay. So dahil d’yan nakagawa din ako ng seryosong tula sa ingles for the first time. Londe!

Natutuwa ako sa kanya sa maraming bagay. He believes that I deserve an honest man. Minsan kahit di ko s’ya tinatanong sa kung ano eh may pagkukusa s’ya sabihin ito “for honesty policy”, ika nga niya. Kaya siguro panatag ako at naiiwasan kong maging paranoid. Lagi rin s’yang nag eexert ng extra time and effort to make me happy. Halos magkapitbahay na lang ang Tondo at Cavite para sa kanya. Pati yung mga simpleng gestures n’ya, like kapag naglalakad kami sa kalsada never n’yang nakakalimutan na ilagay ako sa safe zone. Yung he never forgets to return my texts and calls. Yung he treat me like a princess when we're on a date. Yung consistency, kapag sinabi kong "ingat ka" matik n'yang reply "para sayo...", eversince kahit di pa kami eh ganun na s'ya at hanggang ngayon ganun pa rin s'ya. Yung kapag mahuhuli ko s’yang nakatingin sa ‘kin sasabihin n’ya “ang ganda mo...” with seryosong mukha at booom! Biglang nagkagulo ang mga saiyan sa planet nemic dahil umabot doon ang buhok ko! 

Hindi ko sinasabing perpekto ang relationship namin. Minsan di rin kami nagkakaintindihan, but that doesn't mean na "let go", "give up" o "it's over" na ang peg n'yo. "Sorry" is the word and "Acceptance" is the key. Sabi nga ni Sir Ricky Lee, kakabog ang dibdib mo, kikilig ang kalamnan mo at kikirot ang puso mo - yan daw ang tatlong K ng pag-ibg. Kabog, kilig, kirot.

Thankful ako kay Lord na dumating s'ya. Alam ko may mga bagay kaming dapat pagdaanan. Fair pa rin naman ang mundo. Kung sa bawat tatlong saya eh may isang lungkot eh keri na. Hindi na ko lugi 'nun. Basta masaya akong makita s'ya, mapa-personal o sa litrato pa. Magpapalakas ako ng katawan at loob para sa kanya, at syempre magdadasal. Dahil masayang pagmasdan ang mga bagay lalo na kapag nangingibabaw ang pagmamahal.



Marso 11, 2013

Breakdown or Breakthrough?

I may have all the fancy things, awesome moments and the dearest people in my life. But I am still empty and nothing without Christ, who indeed gives me all the strength and unbounded love. It's been a long time since I last felt this, being blessed with the highest power. Alam n'yo yun? Yung rare moment na gustong pumatak ng luha mo sa sobrang saya? I could have cried a river for being overwhelmed, but I tried to pull my tears up, because that moment God embraced me and all of a sudden my worries and burdens subside.

Usually, Karl visit me every weekend, but he's sick kaya ako naman ang pumunta sa kanya. Beforehand, sinabi ko na gusto kong pumunta ng The Feast sa PICC. Since malapit lang sila doon, I want to take advantage, at para na rin may makasama ako for the first time.  Buti na lang hindi nag-dalawang isip ang giliw na sumama sa akin. Knowing his condition, gumising din s'ya ng maaga para samahan ako. Tapos umuulan pa, at nakalimutan namin ang payong. Pero hindi naman kami napigilan nito. Parang inenjoy na lang din namin ang ulan. Nung una, CCP ako ng CCP, sa PICC pala yung place.

So there... we begin to enter the PICC. May mga usherettes na nag-aabot ng Kerygma. At sobrang natuwa ako kasi for free s'ya! Aside dun sa weekly Mag na binibigay. Ang daming tao, like the last time na nanggaling ako doon. Naabutan namin yung misa, dun na sa part ng Homily na umikot sa Gospel, which is "The Parable of the Prodigal Son". Ang ganda ng Homily ni Father whom I forgot the name *sorry*. "Umuwi ka na anak, the Father is waiting for you kahit gaano pa kasakit o kasama ang pinagdaanan mo." ika nga ni Father. Isa pa sa dinadayo ko sa The Feast is yung full band na misa. As in full band, may banda na may orchestra pa. May lead singers, then my choirs. Talagang feel na feel ko yung presence ni Lord through songs of praise.

After ng misa, time na para sa preach ni Bro. Bo Sanchez. Bigla akong na-excite ng lumabas s'ya. I admire him, as always. Aside from his inspirational books, he has never failed to astound me through his preaching.

The Feast has "EMO Series" before the Easter Season. And today is the Talk #2: FOCUS ON THE GOOD.




"Don't manage your FEELINGS, manage your FOCUS."



Most of the time, feelings are inevitable. Specially yung mga intense feelings. You cannot just say na "hindi na ko galit!" or "hindi ako ma-i-inlove!". Hindi nga naman ganoon kadali i-dictate sa sarili kung ano ang dapat mong maramdaman. Sometimes, feelings are mere reactions. And we can choose the way we react to certain things. It is necessary to pay attention and needless to say - FOCUS to shift intense and unanticipated feelings that would probably ruin the situation you are in.

"Your Focus creates your REALITY."



Bro. Bo says "For the next 40 days, try to think all of the bad things happening in your life." After ng 40 days na puro bad vibes eh hindi imposibleng mapraning ka ng tuluyan. You will feel depressed, stressed and frustrated. Kapag nag-focus ka on the bad things, eventually, it will change your feelings. So what if in the next 40 days you think and focus on the good things in life? I bet, good vibes ka lagi! Kung masaya at masarap lagi ang pakiramdam mo, possibilities are magiging positive person ka at magagawa mo yung mga bagay na gusto mong gawin with delight and passion. So FOCUS creates reality.

"EMOTION comes from MOTION."




Sabi nga ni Bro. Bo "Ya gotta do what 'ya gotta do." I remember one of the famous lines during our 2011 Easter Youth Celebration: "The more you pray, the more you want to pray." Emotion comes from the motion. If you start to do something consistently, you begin to love what you're doing. "Passion is doing what you love and what you do not love to do for the people you love." - Bo Sanchez. 



For better understanding, Bro. Bo made further explanation on how to focus on the good things. May dalawang halaman sa stage. Yung isang paso may plants with ugly fruits (parang monsters and zombies yung itsura), yung isa naman plants with large sunflower and other beautiful fruits. He held the sprinkler and asks the audience "Will you pour water on the bad plants? Or watered the good one? Will you nourish on the bad things or focus on the good things?"

Breakdown or breakthrough?

Indeed, ang dami kong natutunan at na-realize. And I am very happy na si Karl yung una kong nakasama sa The Feast. Nung sinabi ni Bro. Bo na sabihin sa katabi mo na "You are my blessing." I hug him very tight and said "You are my blessing." Medyo natatawa s'ya, kasi awkward. Hehe. Pero sobrang happy ko talaga dahil after The Feast may input si Karl tungkol sa diniscuss ni Bo Sanchez.

So ayun lang naman. I hope mayroon din kayong napulot na words of wisdom or food for the soul.




"God's love descend on the people who act in faith." - Bro. Bo Sanchez

DISCLAIMER: All photos were grabbed from http://www.facebook.com/TheFeastPicc. Credits to the real owner.

Marso 4, 2013

Blog Mo Ipasuot Mo Anniversary Sabak and Project Burger


Ang bilis ng panahon, naka-isang taon na pala ang Blog Mo Ipasuot Mo. At sa isang taon na ‘yun ay hindi tayo nawalan ng pagkakataon na makapag-pasaya sa mga bata. Simple lang ang layunin ng grupo – ang damitan ang mga bata sa pamamagitan ng mga blogero at blogera. Hindi naman kailangang marami kang pera o marami kang oras para maging sapat ang kasiyahan ng bawat isa. Basta galing sa puso, kung anong kayang iabot ng palad mo.

Naganap na nga ang unang anibersaryo at s’ya ring ika-anim na sabak ng grupo ng BMIM. Mag-mula nang matapos ang ika-limang sabak, eksayted na eksayted na ko dito. Hindi ko ma-explain kung anong klaseng eksaytment, basta im so eksayted!

Noong ika-2 ng Marso ay muli na namang nagtipon ang mga blogera at blogero para magtungo sa isang liblib na lugar sa Bulacan. Maaga palang ay nagkita-kita na kami sa tapat ng SM Fairview. Medyo nakakagulantang lang ang pangbungad na bati ni Joelah “Guys!!! May konting aberya tayo!” Nung sinabi n’ya yan di pa ko nakakaupo ha, okray ka teh! Ayon kay Joleng, hindi na daw kami matutuloy sa original plan – yung umakyat sa liblib na lugar, kung san may mga katutubo na s’yang pagbibigyan ng BMIM shirts. Wala daw kasi yung taong sasama sa amin, medyo delikado daw kapag wala kaming guide so dun na lang kami sa semi-bundok at semi-liblib na lugar.

Mula Fairview ay nagtungo naman kami sa bahay nila Tara, para i-meet ang Mommy n’ya kahit wala s’ya. Ang cool lang ng Mommy ni Tara at very accommodating. Doon din kami naghanda ng pagkain para sa mga bata at dito na rin kami nagpahinga habang hinihintay ang alas dos na s’yang call time namin sa lugar ng sabak. Habang hinihintay ang oras eh nag-enjoy muna ang bawat isa sa bonding ng samahan habang nag-gagayat ng gulay at nagluluto para sa pancit, nagtutupi at naglalagay ng damit sa plastic at iba pa.

Instagram ng Anniv. shirt ng BMIM mula kay Irish

Pagsapit ng alas dos ay nagpack-up na ang grupo. Bawat isa may dala-dala, kundi man yung mga pagkaen at damit, eh, yung eksaytment at ngiti. Salamat kay Kons na syang naghatid sa amin sa Paraiso. Yung mga girls dun sa Innova nakasakay, yung mga boys naman sobrang nag-enjoy dun sa pick-up. Motorcade talaga ang peg! Picture-picture pa nga sila. Camwhore lang ang mga kuya!

Medyo may pagka-bundok nga yung lugar. Malayo-layo din yung nilakad namin mula doon sa binabaan namin. Pagdating sa lugar na tinatawag nilang “Paraiso” ay agad nang inilatag ang aming mga dalahin. Nakaka-tuwa nung unti-unti nang nagdadatingan yung mga bata na kasama ang kanilang mga magulang. Yung iba may cute na cute na ngiting sumalubong sa amin. Yung iba naman medyo nahihiya, siguro mailap sila sa ganung pagkakataon. Ayon din naman sa mga tao doon, ayun ang unang beses na may dumayo sa kanila ng ganoon.

Agad na nagtulungan ang mga ate at kuya ng BMIM na tipunin ang mga bata at lagyan ng ribbon ang kanilang mga kamay as a sign of registration. Pagkatapos ay agad na sinimulan ni Joleah ang programa sa pamamagitan ng konting pakilala sa mga ate at kuya. Bibong-bibo naman na nagturo ng isang kanta at sayaw si Abbie. At ako naman ang nanguna sa prayer. Pagkatapos ay nagpalaro na kami, yung paborito naming “ Lion, Hunter and Judge” na para mas madali ay ginawang tagalog “Leon, Mangangaso at Abogado” kung san maglalaban ang dalawang grupo na parang nagja-jack ‘n poy. Nag-enjoy naman ang mga bata, at mas nag-enjoy ang mga ate at kuya dahil mas makukulit sila. Dahil medyo hiningal sila sa palaro eh hayahay muna ang mga kids habang nakikinig ng kwento ni Abbie – ang Siopao na ayaw sa Batang Matakaw. Ang galing-galing ni Abbie, pati kaming matatanda na-hooked sa bibong-bibo n’yang story telling. Sana manalo s’ya sa dadating na eleksyon, este, sa national story telling contest na gaganapin sa Museo Pambata sa March 9. Hehehe. Pero syempre, papahuli ba si Joelah sa alamat ng siomai? Syempre hindi! Pero dahil marami ang nag-violent reaction, kabilang na kami, eh hindi n’ya na ito inispluk. Kundi ay iiwan namin s’ya doon. LOL.
Nakalimutan ko na kung kanino ko to kinuha. Haha! Crdits sayo kung sino ka man.  lol

Right after storytelling ay ipinamahagi na nang grupo ang munting tulong at kasiyahan. Syempre nakadagdag sa saya ng bawat isa ang “Project Burger” ni Essa. Ang sarap ni Essa, este, yung bruger ni Essa. LELS. Nakakatuwa yung mga bata dahil behave na behave sila, which is first time na-encounter ng grupo. Nakakagulat din dahil out of nowhere bigla silang sabay-sabay nag-thank you. Nakakataba ng puso, parang tutulo nga yung luha ko sa sobrang saya. Nakakatuwa rin makita yung mga kapwa bloggers na nagtutulungan. Iba-iba man ang mga kwento namin sa buhay sa mundo ng blogging, sa pagkakataong ito naging isa kami. We shared in the same journey, wearing the same smile.

Mula naman kay Kamila

Mabilis at maikli lang ang program dahil hindi raw kami pwedeng abutin ng dilim sa daan. Kaya naman nagpack-up na ulit ang grupo. Pagdating sa sasakyan, hindi papakabog ang girls. Mega volunteer na kami naman ang sasakay sa pick-up. Hihi. So bago pa man umandar pababa ng bundok ay nagdadasal na kami. “Group hug guys!” ika ni Joleah para walang malaglag. Todo tawanan at for the kaway-kaway pa kami sa mga tao, MMFF lang ang peg mga ateng? Kulang na lang may background music na “oh girls just wanna have fun!”. Sobrang saya ng bonding na ‘yun kahit na para kaming mga tanga. Chos!

Instagram ng motorcade (chos) mula kay Kuya Poi

Sobrang saya ng kabuuan ng anniversary sabak, wala atang dull moments dahil lagi kaming nagtatawanan. Sulit ang pagod at effort mula sa pinaghalo-halong outreach, bonding, road trip at adventure.

Ngayon na realize ko na the only difference between blogging and outreach is kindness. Kaya naman salamat sa lahat ng bumuo ng araw na iyon. Sa mga kapwa bloggers sa BMIM, sa mga tao sa Bulacan, sa mga bata at syempre kay Lord who made these all things possible. Thank you po! More sabaks to come! Mwaks!


Enero 22, 2013

Bentedos sa bentedos

"It must have been easier to remember your age when you were 21 every year." - Owyes! 'Coz I'm FOREVER 21. Hihi.

Isang buwan na lang ng consistent na pagkembot at may hahalili na ulit na bagong numero sa mga dokumento o papeles na nagtatanong kung ilan taon na ba kong maganda. Kung hindi pa obvious sayo, eh, magdidiwang na ako ng aking kaarawan sa bilang ng isang buwan. At na-eexcite na ako, dahil isa itong pagkakataon para mag-evolve bilang pokemon. First time in the history din na magtu-twenty-two na ko sa February 22. Kaya ipasa mo ang mensaheng ito sa 22 katao at tumalon ng dalawampu't dalawang beses at magiging magkamukha na tayo. Charaught!

Wala akong maisip na advance birthday post kundi ilahad ang mga birthday wishes ko na hopefully ay mapagbigyan ng isa sa mga nakabasa nito dito. Malay mo naghahanap ka ng taong mapapasaya this coming 2013, at heto ako basang-basa sa ulan, walang masisilungan, walang malalapitan. Sana'y may pumatak na konting biyaya galing sayo. Kung hindi mo feel edi tablado ako. 

As of this writing, eto pa lang ang mga naiisip kong birthday wish. Minsan lang kasi mag-birthday kaya minsan lang din magkaroon ng borthday wish. Lech! Antinding logic nun! Anyway. Ito ang aking mga ninanais for my habertdey:

1. Magkaroon ng bagong album ni Yeng Constantino entitled "Metamorphosis".
2. Magkaroon ng bagong album ng Up Dharma Down entitled "Capacities".
3. Magpakulay ng buhok katulad kay Yeng, pero mukhang hindi ko pa 'to maa-achieve dahil pormal dapat ang peg ko most of the time. So baka medium brown na lang muna.
4. Good health para sa akin, sa family ko at sa mga taong mahal ko.
5. Sana *insert secret wish*.
6. Sana din ay *insert secret wish for the mean time*.
7. Magkaroon ng collection ng guitar pick. Ang pinaka-achievable sa lahat.

Ayan na lang muna. Katulad ng mga mainstream hirit ng mga politiko na "wag n'yo po akong kakalimutan sa eleksyon", eh, sana ay wag n'yo rin akong kalimutan. Pero syempre wala pong pilitan. Hihi.

"A true friend remembers your birthday but not your age." 

Enero 21, 2013

Slambook ni Potpot ft. ZYRA


Hi guyth! Hindi pa naman tapos ang January at pwede pa kong humabol sa mga bonggangang pasabog, diba? Heto na nga at uumpisahan ko ang taon with a great bang! Kaya naman di na ko nagdalawang isip isalang 'tong sunod na sumang-ayon sa kalokahan ko. Hihi. Tuwang-tuwa ako sa kanya, sa kanila ng kanyang bunny, dahil sa nakaka-inspire nilang way of life. Isa sa mga matatawag kong "Ate" sa blogosperyo at isa din sa mga hinahangaan kong blogera pagdating sa mga nakaka-inspire na blog post. Nag-iisa lang talaga s'ya at ang kakaiba n'yang smile. Smile na hindi nakakamatay, kundi nakakabuhay ng kumpyansa. At dahil magbe-bertdey na sya sa October, eh ia-advance post ko na ito bilang pa-bertdey. LOL. 10 months advance to teh!

Lesgowsagow!

Magbigay pugay kay Ate Zyra ng BlessedZyra.



Part 1: Easy Round

Personal Information

Name: Zyra Mae Bambico
Nickname: Zyra
Age: 25 pa lang ako
Marital Status: Married without kids (for now)
Location: San Pedro, Laguna








Blog Profile

Blog(s): BlessedZyra (http://adodcespresso.com)
            Captured Heavens (http://capturedheavens.wordpress.com pero may http://capturedheavens.com na)
Blog objective/purpose(if any): Para mashare ko sa iba ung ways kung paano ako binless ni Lord, saka para din mainspire ung ibang tao. Aun. Haha.
Blogger since: 2007
Blog influence: Anu ito? Ahm, wala naman. Sakto lang Haha
Describe your blog(s): Simple at sakto rin lang. Hindi palaging updated. Taglish. I pray na nakakabless din :)
Paano ka nag-umpisang mag-blog: E ung may crush sakin dati, nagsend ng bloglink sa akin na may kasamang love letter, so nainspire ako na pwede pala magsulat online. Sinubukan ko tapos eto at nagbablog na ako tapos. Trivia: Asawa ko na ung may crush sa akin na ‘yun.


Describe the following:

Yourself: I am blessed, honoured, favored, loved, beautiful at forgiven.
Love: Isinulat ni God, masarap sa pakiramdam, dapat ishare sa iba at hindi lang sinasarili.
Death: Nakakatakot harapin. Nakakakaba idescribe. Nagpapaiyak sa marami.
Pain: Masakit. Hahaha.
Happiness: Pakiramdam na nagpapatalon, nagpapangiti, nagpapatawa, hindi dapat ito nananakaw eh, pero pinamimigay lang ng iba.


Favorites

Food: Chocolate na hindi matamis, cake na hindi nakakaumay hahaha
Hobby: Magdesign, magdrawing, magkuha ng pictures
Singer/Band: Kim Walker, Acel Van Ommen, Yeng Constantino, Brooke Fraser
Song: Power of Your Love (religious)
Color: Orange na galit na galit sa pagkaorange
Book and its author: Proverbs tas si Solomon ♥


Part 2: Average

Give new meaning to the following:

WTF             Wag Tayong Faithless
FU                Friends Unlimited
SOP              Sobrang Out of Place
ASAP            Ang Saya Ang Peaceful
LQ                Love Quote
TL                Tawa Lang
LOL              Lalaking Over Landi


What and Who

What is your most unforgettable moment?
Nung unang beses na seryoso akong nagdasal at humiling sa Langit dun Church. Tapos nasagot un.

What is your most embarassing experience?
Nung nagkaroon ako ng buwanang dalaw sa school tapos natagusan ako. Tapos, ako ung pinagsulat sa Black Board nung teacher ko, sabi nung classmate ko: “Uy zyra, natapunan ka ng champurado”

What drives you everyday, to strive and survive?
Joy? Oo, un nga ata. Masaya akong nabubuhay, nakakahiya naman kay Lord na ginawa Niya akong masaya tapos lumbay na lumbay ako na parang walang gana. Syempre ung parents ko din, kailangan nila ako eeeh.

What is your motto in life?
Do your best and God will do the rest. Hehe.

What are the simple things that make you happy?
.    Makita lang si Bunny.
     Libreng pagkain.
     Manalo sa raffle. Hehe.
     Regalong surprise.
     Rainbow.

What is your greatest dream?
Teka, greatest, hindi ko pa alam. Ung greater meron, baka malaman ko ung greatest pag 80 na ako --- basta ang alam ko lang, incremental ang dreams ko, habang buhay pa ako, hindi ako matatapos managinip o mangarap.

What are your unique talents?
Magpalobo ng ilong (*boink boink*), magbilot ng laway tas paliliparin, magpatunog ng buto sa paa at tuhod ng hindi sila hinahawakan.

What are the weird things about you?
Nangangak na ung nunal ko sa ilalim ng kilay --- andami kong nunal sa mukha ngayon saka natalbog ako pag tulog haha. Basta. Haha. Laptrep.

What/Who completes you?
Nag-iisa lang – si Lord :)

Who is your crush?
Mark Lester Bambico. Saka si John Lloyd Cruz.

Who is your first kiss, except your parents/relatives?
Basta. Hahaha.

Who is your hero? your idol? your great influence?
Hero: si Jesus dahil sa salvation.
Idol: si Paul ung nasa Bible, kasi matalino na siya, faithful pa.
Great Influence: Tatay ko. Hehehe

Who is your favorite blogger?
Si Mary Ann Kidayo kahit hindi sya masyado nagbablog. Ewan lang.


Part 3: Difficult

Please answer seriously.

Kaninong cartoon character mo maihahalintulad ang sarili mo at bakit?
Si Popeye. Kasi, siya pag may mahal, pinoprotektahan niya. Pag hindi niya kaya, naghahanap siya ng paraan para mas lumakas. Hindi siya sumusuko.

Kung gagawing telenovela ang buhay mo, anong title nito at sinong artista ang gusto mong gumanap bilang bida?
Hahaha ang hirap nito ever. Title, siguro, “Zyra”. Marami namang telenovela ang pangalan ang title. Tas bida, sana pwede si Yeng Constantino. Pag hindi, si Zooey Deschanel na lang. Haha.

Kung manalo ka sa lotto ng 100M, saan at paano mo ito gagastusin?
Kung ngayon ako mananalo, ipapasok ko sa bangko o sa investments ung kalahati para pagdating ko ng 50 years old, tumubo na yun at higit pa sa 100M. Yung 10M ibibigay ko sa church as tithes. 20M para sa parents ko. Yung natitirang 20M e pambibili ko ng mga bahay at apartment para pagtanda ko, may paupahan na kami, kikita pa rin ako. Bili din ako kotse at magfafranchise ako ng siomai house.

Kung bibigyan ka ng chance maging member ng super friends o mas kilala ngayon sa tawag na justice league, anong super power meron ka at anong pangalan mo?
Ako si Timah. I can turn back the hands of time.

Kung magkakaroon ng pambansang gulay, ano dapat ito at bakit?
Seryoso ba ito? Gawing pambansang gulay ang kangkong. Dahil makikita ito kung saan saang bahagi ng bansa. Kaya rin itong bilhin o itanim ng mga kababayan nating naghihikahos sa buhay.

Kung mabibigyan ka ng pagkakataon maging isa sa bananas in pajamas, sino ka? si B1 ba o si B2? Bakit?
Si B2. Kasi siya lagi ung may unang naiisip kesa kay B1 kaya lagi niyang sinasabi --- “naisip mo ba ang naisip ko B1?”


Kung babaguhin mo ang nakasanayang tunog ng tawa from hahaha, hehehe, at hihihi, ano na dapat?
Gagawin kong “sa-wo-de-ah”. Sawodeah! Sawodeah! Sawodeah!!!!

Kung ikaw si Elisa, bakit hindi ka na lang naging si Budoy?
Dahil minsan nawawala talaga ako sa tamang landas. Kahit alam ko na ang tama, mas pinipili ko pa rin ang mali. Kaya nga, buti nalang nahanap ako ni Lord, hinila Niya ako from darkness to light J

Sino sa mga artista, local o foreign, ang sinasabi nilang look-alike mo? Kung wala huwag ipilit please.
Si Nadine Samonte. SAWODEAH!

Part 4: Bonus Round

Dedication to Potpot (freestyle, kahit gano kahaba at anong sabihin mo pwede, basta para kay Potpot)

Dear Potpot (dahil nakakabaliw ung tanong mo, ito na ang nakakabaliw kong dedication para sayo)
Thanks for allowing me to answer this slambook of yours. This is so berry lengthy. My mind has hurt that it almost got so much pain like a backstab. But I cant believe that I ran through this that I reached the finish line.See I am now on dedicating this writing of mine to you. Please take super care and love your life of my dear brother Otep Zablan. He is great - berry good artist, berry good writer, a PBA award taker. Dont make him cry baby that you break his heart, okay. I pray your head will understand my dedicating to you. Dont forget to laugh – SAWODEAH!!!

Regards,
Zyzy


-END of SLAMBOOK-

Mga naki-slam:

Disyembre 22, 2012

SBA 2012

And I'm still alive and kickin'! Sa sobrang pagka-busy ko sa TNP (mag-violent reaction mababaog) eh nakakalimutan ko ng magsulat. Akshuli, masyado kasing mabubulaklak ang mga salitang gusto kong sabihin. Baka makornihan na kayo at i-unfollow n'yo na ko dito. So this is an update lang naman tungkol sa isa sa mga napuntahan kong masayang gathering this month of December - ang SBA o Saranggola Blog Awards 2012.

Perstaym ko pumunta ng SBA. At dahil sa sobrang excitement eh na-late kami ni TNP (mag-violent reaction  mababaog). Na-talisod pa nga ang lola mo upon entering the venue. Sobrang na-amaze kasi ako sa Iris Roof deck ng Tivoli Gardens by DMCI (syempre dapat may segue). Isa pang ikinatuwa ko ay ang glass floor na hindi naman masyadong na-enjoy ni Ate Madz at Joleah.

Hindi po sila nag-enjoy. Pramis!

Bukod sa ganda ng lugar eh pak na pak din ang chibogs! Talaga namang nakakabusog sarap. Isama mo pa ang unlimited na inumin - ang San Mig Beer Pale Pilsen, take note: PALE. Akala daw ng caterer eh mga constraction worker ang iinom, chos! Nag-bigay saya din ang hosts of the night na ang lakas maka-okray pero bisaya naman, jooooke! 

Masaya namang tumanggap ng paranggal ang mga nagwagi at masaya rin kaming pumalakpak para sa kanila. Nangunguna na d'yan ang mga humakot ng awards na sila Unsung Jero, Ron Mia, Kuya Joey Velunta, Kuya Biboy Ordinario at Lipadlaya. Congrats din sa katropang si Bagotilyo. Pa-kape naman kayow!

At syempre hindi magpapahuli ang lola't lolo n'yo dahil tumanggap din kami ng award. Ang Kalabasa Award for Hottest Loveteam... Ansabeh?


Hindi naman kami masyadong masaya dito teh. Kita nga gilagid ko eh oh.

At mukhang may kumabog sa aming loveteam bago pa man matapos ang event. Nagkaroon kasi ng laglagan portion. Sa tingin ko eto ang mainit na loveteam for 2013. Ang tambalang Bea at John Llyod! 


One More Chance lang ang peg!

Napakasaya talaga ng gabing ito dahil nagkaroon din kami ng chance na maka-bonding ang babaeng Bob Ong na si Ms. Bebang Siy, na s'yang bibong-bibong nagpa-games. Kaya nga hapit na hapit kami makuha lang ang librong ipinangako n'ya na siya mismo ang sumulat - ang It's a Mens World.

Salamat kay Xander Catiero para sa larawang ito. Hi cleavage! lowl

At ito naman ang nagbabagang tagpo sa finals ng aming nilaro:

Ms. Bebang: Sige pahabaan na lang ng word na mabubuo from the words "Simbang Gabi".
Group 1: "Mababangis"
Group 2: "Mabibingasan"
Joleah: Haluluh! Ano yan??? Wala namang ganyan eh!
Otep: Anong wala? Root word "Bingas"! Bingasan kita d'yan eh!

At dahil d'yan eh natalo sila Otep. Makaimbento lang kuya! Bingasan kita d'yan eh! TNT.

Sobrang memorable talaga ang araw na ito dahil marami akong na-meet na bloggers for the first time na matagal ko rin namang nakakadaldalan thru social networks or texts tulad nila MJ Bagotilyo, Ate Mel, Kuya Biboy, Ate Zen, Ron Mia, Kuya Bon at Berlim. Nandyan din sina Unni, Mar Verdan, Obi, Niña at madami pang iba, na mga perstaym ko lang din na-meet. At syempre di papakabog ang mga friendships na muli kong nakasama, alam n'yo na kung sino kayo guyth. Basta labyu all!

Congratulations kina Kuya Blue, Kuya Bon, Kuya Joel and the rest of the clan na siyang nanguna para maging posible ang SBA. Mabuhay kayo!

Phot credit goes to pusangkalye.net

Nobyembre 21, 2012

TROPANG BAY a.k.a TROPANG PUCHU-PUCHU





                Jaypee| Period on Pururut
                Pablo | Pablo Quaderno
                Jheng | Heavenknows
                Joleah | Kalma-kalma Lang
                Jenn| Leave All Things Behind
                Kamila | Do More What Makes You Happy
                Cheenee | Kwentong Palaka
                Tara | Everything Happens for a Reason
                Jaid | I am Superjaid

COMMON INTERESTS: Mag-blog, tumambay, mag-tournament at gumawa ng mga bagay na hindi baduy.

OTHER GROUPS: Blog Mo Ipasuot Mo, Ublog, The Best in the World, Feminine Gin, Jaywalkers PH

HISTORY/ORIGIN:

• August 25 - 26, 2012

Epic kaarawan noon ni Jaypee, after ng BMIM 4th sabak ay tumungo ang ilan sa kanilang full of grocery supplies na tahanan. Upon our grand arrival kina Jaypee ay may isang uma-Asiong Salonga ang peg. Walang iba kundi si Marty, high-school dabarkads ni Jaypee. After kainan ay dumiretso na kami sa highlight event that night. You know it na guys, malalaki na tayo. Habang lumalalim ang gabi at umiinit ang mga sikmura ay bigla namang bumanat ng pambihirang kwento ng siomai tong si Joleah a.k.a Anjo. Please lang wag nyo nang ipa-kwento kung ayaw n’yong ma-highblood. Going back, natapos na ang gabi, kinabukasan ay ilan na lang ang natirang buhay. Charot! Halos nangalahati. Umuwi na rin si Joleah. Ang natira na lamang bandang huli ay ako, si Pablo, Mart at ang may-ari ng bahay na si Jaypee. Nag-iisip kami ng di baduy na laro noon para malibang. At taden! Unanimous decision, naglaro kami ng bagong-bagong “Truth and Consequence” sa pamamagitan ng Lucky9. Kalaunan ay tinamad na kami sa mga consequence kaya Truth or Truth na lang. Kung sinong talo sa Lucky9 ay sya ang sasagot. Nandyan ang mga di baduy na tanong ni Mart tulad ng “Pinakamasarap sa lahat ng first time?”, “Pinaka-jackass mong ginawa?”, “Greatest regret mo sa buhay?” at kung ano-ano pa. Mga pandayo at pang-tournament na katanungan. At dahil nga bigtime ang Q&A, mas malalim naming nakilala ang isa’t isa, ansabeh??? Kaya’t dito na nag-umpisa ang adventure of Tropang Bay ko kasama ang mga “vhezzz”.

• September 1 - 2, 2012

Week after ay nag-set ulit kami ng Truth and Truth session, this time with Anjo a.k.a Joleah sa bahay namin. Absent naman si Jaypee ng mga panahong to. At naging bahagi na si Joleah ng malupit na tropa at nabigyan s’ya ng bago at matinding pangalan – MARIA ANJOJOLEAH YNA MAUREEN PATRIMOÑA. Kewl diba? Watyatink?

• September 15 - 16, 2012

Two weeks after ay may na-discover akong bagong laro sa baraha, eto yung truth or truth with lots of twists. Kaya naman nag-tipon ulit ang tropa. This time ay inimbitahan ko na ang nag-eemo noon na si Cheenee with her bex Tara, at ang busy-busihang si bes Kamila. Si Marty naman ay bitbit ang femgin friend n’ya na si Jenn. Kasama pa rin sina Jolengs and Pabs. As usual Absent pa rin si Jaypee, pahuli-huli sa pancitan, nag-iinarte pa kasi wala daw syang pakner. Pshe! Anyway! Ano ang game na nakapag-unite sa amin like Voltes 5? Eto yun…

Game: Kings Cup
Game Objective: May mabangenge
Materials needed: Playing cards, shot glass at isha-shat
Rulesssssssssssss:

Bibilog ang mga kasali. Babalasahin ang baraha. Ang pag-bunot ng baraha ng bawat isa ay one at a time dapat kung ayaw n’yong magkagulo at mapa-aga ang pagkabangenge n’yo. Example, si Player A muna ang bubunot then gagawin ang corresponding rule ng barahang nabunot bago mag-proceed kay Player B na s’ya namang bubunot and so on… Ang bawat barahang mabubunot ay may katapat na unkabogable rule as follows:

A o Alas – means ALL, ang lahat ay dapat shumat! No excuses, no excemptions. Ang umangal, kutos to death!
2 – means YOU, kung mabubunot ni Player A ay “2 o dos”, s’ya ay pipili ng player na sha-shat.
3 – means ME, kung sino ang makabunot nito ay s’ya ang magsha-shat.
4 – is FLOOR, meaning, ang lahat ay magpapa-unahang ilagay ang kamay sa floor. Kung sinong pa-anga-angang mahuli ay s’yang magsha-shat.
5 – is HIGH FIVE, ito naman ay paunahan tumaas ng kamay, mahuli tanga at talo.
6 – is CHICKS, lahat ng girls sa bilog ay dapat uminom.
7 – is MEN, lahat naman ng boys.
8 – means MATE, kung sinong makabunot nito ay iinom at pipili pa s’ya ng isa sa grupo bilang ka-partner na magsha-shat din.
9 – means RHYME, si player na makakabunot nito ay magbibigay ng kahit anong word. Yung sumunod sa kanya naman ay magbibigay rin ng word na ka-ryhme nung first word sa bilang ng 5 seconds. Example. Player A – “Boracay”, Player B – “Sungay”, Player C – “Patay” and so on… Kung sinong maubusan ng word ay s’yang talo.
10 – is CATEGORY, parang kapareho ito ng 9 o rhyme, kaibahan lang e may category. For example, ang sinabi ni player na s’yang nakabunot nito ay OPM Bands, ayun ang dapat ibigay n’yo. Kung sinong maubusan ay nganganga at iinom!
J o Jack – is RULE, ang pinaka-favorite ko. Si player na makakabunot nito ay magbibigay ng specific rule na magiging rule for the rest of the game until mabunot ulit ang ibang J at magkaroon ng bagong rule. For example, ang rule ay EOP o English Only Please. Itutuloy nyo ang bunutan, but this time kailangan sundin ang rule. Kailangan mag-english kayo. Kung sinong mahuling magtatagalog o magsalita ng kahit anong word na hindi english ay magsha-shat. Remember, the rule will stay as a rule until mabunot ang another J at magkaroon ng bagong rule. Pwede ang kahit anong rule, kahit di makatao, chos! Ex. Bawal tumawa, bawal mag-english, bawal magsalita ng labas ang ngipin, Ngongo lahat magsalita, Hahalik sa katabi sa kanan kada bunot ng baraha (bet?), etc.
Q o Queen – is CONSEQUENCE, alam nyo na to, yun na yun. Kapag nag-inarte at di ginawa ng nakabunot ang consequence eh magsha-shat. Kutusan n’yo na rin para madala. Jooke!
K o King – is TRUTH, the same with Q o Queen. Pag di makatotohanan, playing safe o baduy ang sagot dapat mag-shat.

Ganyan. Effort diba! Follow the epic rules guyth kung ayaw n’yong mabangeks. Oki? At ang pinakamahalaga sa lahat, walang KJ at mag-iinarte kung ayaw ma-unli pektus from kaberks. Orayt?

Sample video *sorry guys, peace*


video


Nung medyo umiikot na ang bahay namin eh s’ya namang banat ulit ni Anjo ng Kwento ng siomai, for the nth time teh! LELS. At syempre di papa-kabog si bes Kamila na may pambalang “Ang Sinulid”. Punyemas! Nanginig kalamnan ko, INTENSE! JK!

• October 6 - 7, 2012

Muli na namang nagtipon ang mga kolokoys foh another Kings Cup Tournament. Di na nagpahuli si Jaypee. Akshuli, s’ya na ang nag-set ng bonding na ito para daw makabawi s’ya. If I know manchi-chicks lang s’ya. Chos! Para mas fun ay nag-imbita ulit ako ng ibang tropa like Jaid na bumili instant ng cellphone dahil na-empty bat s’ya along the way. Yemen ni ateh! Si bes Kamila naman ang absent ngayon because of her ayaw pakabog na career hunting. Bilang HRM naman si kapatid na Jaid ay nag-mix-mix s’ya ng inumin. Oh diba susyal na, buma-bar lang ang peg ng tropa! Pero ngunit, subalit, datapwat… Mapanlinlang ang pinaghalo-halong espirito ni Jaid. Ang sarap-sarap nga ngunit tinraydor kaming lahat. Lahat ata tinamaan ng magaling. Pruweba na siguro yung may nagigitara tapos may mga kumakanta, pero iba ang tunog ng gitara sa kanta, pero kanta pa rin kami ng kanta. Kagulo na! Get a room guys! At pag-gising ng madaling araw ay inubos pa rin ng boys yung natira. Lagare lungs? Masipag nga palang naghugas si Mart nung araw na toh dahil sa kasunduan namin.




• November 24 - 25, 2011

I’ll keep you posted guyth kung ano mangyayare. Hihihi.

Sobrang namimiss ko na ang Tropang Bay at sobrang ma-miss ko sila in the near future. What’s cool about these guys eh swak na swak ang mga trip namin sa buhay. Mga hindi baduy na trip. At dahil nagba-log lahat eh mas nakaka-relate ang bawat isa. Yunow.

Wabyu guyth! More tournaments to come! Kitakits this Saberdey Hooray!