31 December 2010

Homily

Nakakatuwang isipin na nakapagsimba ako bago matapos ang taon. Sadya naman na nagsisimba ako, active Franciscan Youth member ba naman ako. Ika nga ng mga elders namin sa grupo "di bale ng wag kang umaten ng common prayer at formation (eto yung sunday activity namin) basta magsimba ka". Pag hindi ako nakakapagsimba, parang hindi kumpleto. Pero hindi ako banal ha, makasalanan din ako, kaya nga nagsisimba e. May iba kasi na pagnalaman nila na masipag ka magsimba sasabihan kang banal. Okay lang naman kung ganun, pero naniniwala ako na ang Simbahan ay hindi lang para sa mga saints, kundi para din sa mga sinners na handang  magsisi sa kasalanan. 

Nitong mga nakaraang araw, ang sipag ko magsimba. Si Father Leny kasi ang nagmimisa, isa sa mga paborito kong pari ng Capuchino. Iba kasi ang way niya ng paghohomily. Mae-excite ka sa bawat sasabihin niya, at syempre never nawala ang "pwede bang magkwento" line. Minsan parang wala sa hulog ang mga kwento, tipong pang ice break lang, pero never pumalya sa homiliya. 

Kagabi, bago magbitaw ang taon, nagsimba ako para magpasalamat sa nagdaang taon. Nakakaiyak ang homily ni father. Pigil na pigil ang emosyon. Halos di ako makalingon, nakakahiya sa mga katabi ko. At eto na nga ang "pwede ba magkwento" ni father.

---------------------------------------------------------------------

Father Leny: May isang lalaki na taga Manila, umorder sya ng bulaklak para ipadala (through LBC pa daw)  sa Baguio, sa kanyang nanay bilang regalo sa kapaskuhan. Sa tindahan ng mga bulaklak, may nakasabay siyang bata. Gusto bumili ng bata ng bulaklak. Ngunit 10php lang ang kanyang pera, ang halaga ng isang rose ay 50php.

Lalaki: Bakit mo gusto bumili ng bulaklak?
Bata: Ibibigay ko po sa nanay ko, kahit isa lang.

Ibinili ng lalaki ang bata ng isang rosas.

Lalaki: San ka nakatira? Ihahatid na kita sa inyo para maibigay mo na yan sa iyong ina.

Isinakay ng lalaki ang bata sa kanyang kotse habang itinuturo ng bata ang direksyon at lokasyon ng kanyang ina.

Father Leny: Alam niyo ba kung san sila napunta?

*sa isip-isip ko mukang alam ko kung san sila napunta, at hindi nga ako nagkamali.

Father Leny: Sa SEMENTERYO, ibinigay ng bata ang rosas sa kanyang ina na nakahimlay sa libingan. Alam niyo ba kung ano ang ginawa ng lalaki? ikinancel niya ang padala sa LBC at siya mismo ang maghahatid sa kanyang ina na buhay pa.

--------------------------------------------------------------------------

Ang tahimik ko, pati nga kapatid ko, parang gumuguho ulit ang mundo ko. Gusto ko umiyak, pero pigil na pigil. Hindi ako makalingon, nakatungo lang. Sa aking isip, never ko binigyan ng bulaklak si mama until sa kanyang burol at sa tuwing dumadalaw kami sa kanya. Ito ang unang new year's eve na di namin sya kasama. Nakakalungkot man  isipin, ngunit ang lagi ko na lang sinasabi sa sarili ko "si God naman ang kasama niya e". Ang mga panaginip ko nakasama sya ay sobra ng makabuluhan para sakin. Di ko maiwasan maluha pag tinitingnan ko ang pictures niya habang nagtatanong ng "dito na lang ba kita makikita?". May mga araw na binabalikan ako ng kahapon, na para bang nabalik ako sa eksena at araw na nawala siya. Ang hirap mawalan ng ina, ang unang tao sa buhay mo. 

Si Bebe Nene, anak ng pinsan kong namatay nung July 2010 na naging anak-anakan din ni mama, na super close sila kaya dinibdib ni mama yung pagkamatay niya at nung August 2010 si mama naman ang namaalam. By the way, si Bebe Nene, naka-upo sila sa harapan kasama ang Auntie namin. Napaiyak talaga siya sa homily ni father, 7 years old palang siya. Damang dama niya ang homily, at naiyak na di si Auntie na naalala naman si mama.

Kaya paborito ko si Father Leny, sa lahat ng aspeto ng buhay, pipnaparamdam niya na mahalaga yung mga bagay na binabalewala ko.Nagsisilbi siyang instrumento ni God para paalalahanan ako. Nakakatuwa din na minsan nakakabiruan namin sya sa FY (Franciscan Youth). Hindi sermon ang hatid niya, kundi homiliya.


2 comments:

  1. Ano ba yan..parang naiiyak din ako...

    ReplyDelete
  2. sa pagnanais kong pigilan luha ko, sipon ko tumulo e! hahaha yak!

    ReplyDelete

Say Wuht?