31 December 2010

New Year's Resolutions

Parang ang korni ng new year's resolutions,kasi minsan di mo naman tinutupad. Sabi nga “Many people look forward to the New Year for a new start on old habits.” -anung connect?bahala na kayo mag-isip, basta yun na 'yon. Pero wala namang mawawala kung gagawa ka ng resolution, at least meron kang objectives na gusto mo mareach within the year.

At para masaya eto ang New Year's Resolutions ko:

1. Kakain na ko ng madami, gusto ko na tumaba. Hindi ko masuot yung mga damit kong mejo malalaki. At tsaka mukha na kong bungo! (over?). Naisip ko minsan wala akong gana kumain dahil wala akong kasama kumain. Minsan naman nakakatamad, grabe noh pati pagkain kinatamaran.

2. Babawasan ko na ang pagmumura. Di maiwasan lalo na pagnagugulat. At syempre sino ba naman ang di mapapamura sa mga rides tulad ng Space Shuttle, Anchor's Away at Jungle Log Jam. Halos murahin ko ang taong nakaimbento nun. Pero eto naman ako si sakay, enjoy na anjoy pagkatapos.

3. Mejo magsisipag na ko. Ang hirap kalabanin ng katamaran. 

4. Gigising na ko ng maaga at matutulog ng maaga (wag kana lang matulog.hahaha). Mahirap din kalabanin ang antok lalo na pag tulog ka pa. Madalas at normal na nagigising ako ng 11 o 12 sa hapon, kakain na lang. 

5. Bawasan ang pagiging PARANOID. Eto ang mahirap!

Sa abot ng aking makakaya, pipilitin ko (so help me God!) tuparin lahat to. Infairness kaunti lang yan, to be followed na yung iba. 



Pax et bonum! Happy New Year!

1 comment:

  1. ANo ba yan! Ang haba haba ng comment ko nawala lang lahat.. oh anyways. ULIT.

    Sabi ko sana dumami na followers mo... sumali ka sa blogs ng pinoy okay??? haha alam mo ba yun??

    tapos.. tapos... tapos...


    ano pa nga ba sinabi ko? sabi ko... hindi ko na nireresolution ang pagtulog at paggising ng maaga.. hanggat maaari gusto ko gising.. kase di ba pag nadeads tayo forever na tayo asleep...

    at
    at

    sana ikaw na lang matakaw sa ating dalawa....ganda ng ginawa mo sa blog mo.. I like it!!! x)

    ReplyDelete

Say Wuht?