31 December 2010

SUNSHOTS! (repost from tumblr)

*habang kachat si Kamila, bigla akong nangulila...naisip ang samamahang laging nagpapatawa, nagpapasaya at minsan nagpapaiyak...kaya naisip kong ipos ulit toh... Miss ko na toh :')


Bago pa mauso ang mga kalokohan, i would like you to meet my 3 best friends forever:

“oh very the prodigal” a.k.a Aubrey Aguilar 
“poklay the weirdo” a.k.a Kamil Tibayan
“mimay the melo-dramatic” a.k.a Carmina Callope

Okay nag umpisa kami sa pagkain ng tinapay sa Julie’s. Nauhaw, bumili ng 5php na slurpee sa 7eleven at biglang napagtripan ang bagong nauuso na junkfood - ang SUNSHOTS… As what we’ve seen in the commercials, astig ka daw pagkumain ka nun… tipong pagkakaguluhan ka ng mga babae, gusto kasi namin pagkaguluhan din kami ng babae… jowk! At ang slogan nuon ng sunshots ay “bumangga giba”. then poof! we became “SUNSHOTS, bumangga giba”… Weird noh… kanya-kanyang trip lang yan…

At kalaunan nagtawagan na kami ng “BES”, simple lang pero rock. Tpos bigla namin napansin na ang mga nickname namin e nagtatapos lahat sa “Y”:
aubreY, poklaY, emjhaY, mimaY …oh diba! basta maiconnect lang!

lumipas ang mga araw, naging masayang masaya kami sa feeling ng isa’t isa. Kulang na lang maghalikan kami sa lips e… well actually c poklay at aubrey nagawa n nila… haha… yuck! Dumating ang iyakan, tawanan, kabaliwan, sobrang lalim na problema at yung iba naman mga pawang kababawan… Pero MASAYA…
Syempre si poklay, mimay and aubrey may bf na nung panahong tumitibay ang pagsasamahan… At napag-iwanan ako… Kaya trip na trip namin ang mga kanta ng Mojofly, lalo na yung tumatakbo at mata… At xempre hindi mawawala ang kamikazee! haha

Dumating ang ika-18 kong kaarawan, naging magbestfriend na din ang mga bf nila… At take note pare-pareho daw cla ng ugali, kaya dapat pumili ako ng kapareha nila… At eto na nga, nabuo na ang bff’s bf’s (nakita ko na ang aking kapakner e) na tatapat sa di magibang sunshots… ang MOONSHOTS! napaka-orig nila nuh! pinaghirapan ang pangalan! at may STARSHOTS din, ang mga tropang bumubuo ng kasiyahan! 

Di naglaon, bakit nga daw ba SUNSHOTS, MOONSHOTS and STARSHOTS?
Sagot: KASI MAHILIG TAYO sa SHOT! haha.. shot dito, shot dun… inabot na ng umaga, tanghali hanggang maggabi na ulit… shot pa din! Sa dulo ng shot anjan na ang mga forever wasted! May iiyak (may umiiyak ng dugo), may nanggagagong tawa, susuka daw pero nakangiti, may susuka kung saan (sa pagkain ng manok sa labas ng bahay, sa sarili, meron ding humahalik na sa inidoro), may magtatakbo-takbo na prang naketek na (uuwi na daw xa), meron namang busyng-busy sa plants vs zombie, yung iba naman tulog na… Tapos paggising niyo si bf mo nakatanday sa bf ng bes mo (hahaha, wasted!)

Ganun pa man… Ang lahat ay nagbabago, may mga nawala at meron din namang katotohanang nagpatibay ng samahan… BUMANGGA GIBA… SUNSHOTS itaas mo! hehehe…

Homily

Nakakatuwang isipin na nakapagsimba ako bago matapos ang taon. Sadya naman na nagsisimba ako, active Franciscan Youth member ba naman ako. Ika nga ng mga elders namin sa grupo "di bale ng wag kang umaten ng common prayer at formation (eto yung sunday activity namin) basta magsimba ka". Pag hindi ako nakakapagsimba, parang hindi kumpleto. Pero hindi ako banal ha, makasalanan din ako, kaya nga nagsisimba e. May iba kasi na pagnalaman nila na masipag ka magsimba sasabihan kang banal. Okay lang naman kung ganun, pero naniniwala ako na ang Simbahan ay hindi lang para sa mga saints, kundi para din sa mga sinners na handang  magsisi sa kasalanan. 

Nitong mga nakaraang araw, ang sipag ko magsimba. Si Father Leny kasi ang nagmimisa, isa sa mga paborito kong pari ng Capuchino. Iba kasi ang way niya ng paghohomily. Mae-excite ka sa bawat sasabihin niya, at syempre never nawala ang "pwede bang magkwento" line. Minsan parang wala sa hulog ang mga kwento, tipong pang ice break lang, pero never pumalya sa homiliya. 

Kagabi, bago magbitaw ang taon, nagsimba ako para magpasalamat sa nagdaang taon. Nakakaiyak ang homily ni father. Pigil na pigil ang emosyon. Halos di ako makalingon, nakakahiya sa mga katabi ko. At eto na nga ang "pwede ba magkwento" ni father.

---------------------------------------------------------------------

Father Leny: May isang lalaki na taga Manila, umorder sya ng bulaklak para ipadala (through LBC pa daw)  sa Baguio, sa kanyang nanay bilang regalo sa kapaskuhan. Sa tindahan ng mga bulaklak, may nakasabay siyang bata. Gusto bumili ng bata ng bulaklak. Ngunit 10php lang ang kanyang pera, ang halaga ng isang rose ay 50php.

Lalaki: Bakit mo gusto bumili ng bulaklak?
Bata: Ibibigay ko po sa nanay ko, kahit isa lang.

Ibinili ng lalaki ang bata ng isang rosas.

Lalaki: San ka nakatira? Ihahatid na kita sa inyo para maibigay mo na yan sa iyong ina.

Isinakay ng lalaki ang bata sa kanyang kotse habang itinuturo ng bata ang direksyon at lokasyon ng kanyang ina.

Father Leny: Alam niyo ba kung san sila napunta?

*sa isip-isip ko mukang alam ko kung san sila napunta, at hindi nga ako nagkamali.

Father Leny: Sa SEMENTERYO, ibinigay ng bata ang rosas sa kanyang ina na nakahimlay sa libingan. Alam niyo ba kung ano ang ginawa ng lalaki? ikinancel niya ang padala sa LBC at siya mismo ang maghahatid sa kanyang ina na buhay pa.

--------------------------------------------------------------------------

Ang tahimik ko, pati nga kapatid ko, parang gumuguho ulit ang mundo ko. Gusto ko umiyak, pero pigil na pigil. Hindi ako makalingon, nakatungo lang. Sa aking isip, never ko binigyan ng bulaklak si mama until sa kanyang burol at sa tuwing dumadalaw kami sa kanya. Ito ang unang new year's eve na di namin sya kasama. Nakakalungkot man  isipin, ngunit ang lagi ko na lang sinasabi sa sarili ko "si God naman ang kasama niya e". Ang mga panaginip ko nakasama sya ay sobra ng makabuluhan para sakin. Di ko maiwasan maluha pag tinitingnan ko ang pictures niya habang nagtatanong ng "dito na lang ba kita makikita?". May mga araw na binabalikan ako ng kahapon, na para bang nabalik ako sa eksena at araw na nawala siya. Ang hirap mawalan ng ina, ang unang tao sa buhay mo. 

Si Bebe Nene, anak ng pinsan kong namatay nung July 2010 na naging anak-anakan din ni mama, na super close sila kaya dinibdib ni mama yung pagkamatay niya at nung August 2010 si mama naman ang namaalam. By the way, si Bebe Nene, naka-upo sila sa harapan kasama ang Auntie namin. Napaiyak talaga siya sa homily ni father, 7 years old palang siya. Damang dama niya ang homily, at naiyak na di si Auntie na naalala naman si mama.

Kaya paborito ko si Father Leny, sa lahat ng aspeto ng buhay, pipnaparamdam niya na mahalaga yung mga bagay na binabalewala ko.Nagsisilbi siyang instrumento ni God para paalalahanan ako. Nakakatuwa din na minsan nakakabiruan namin sya sa FY (Franciscan Youth). Hindi sermon ang hatid niya, kundi homiliya.


New Year's Resolutions

Parang ang korni ng new year's resolutions,kasi minsan di mo naman tinutupad. Sabi nga “Many people look forward to the New Year for a new start on old habits.” -anung connect?bahala na kayo mag-isip, basta yun na 'yon. Pero wala namang mawawala kung gagawa ka ng resolution, at least meron kang objectives na gusto mo mareach within the year.

At para masaya eto ang New Year's Resolutions ko:

1. Kakain na ko ng madami, gusto ko na tumaba. Hindi ko masuot yung mga damit kong mejo malalaki. At tsaka mukha na kong bungo! (over?). Naisip ko minsan wala akong gana kumain dahil wala akong kasama kumain. Minsan naman nakakatamad, grabe noh pati pagkain kinatamaran.

2. Babawasan ko na ang pagmumura. Di maiwasan lalo na pagnagugulat. At syempre sino ba naman ang di mapapamura sa mga rides tulad ng Space Shuttle, Anchor's Away at Jungle Log Jam. Halos murahin ko ang taong nakaimbento nun. Pero eto naman ako si sakay, enjoy na anjoy pagkatapos.

3. Mejo magsisipag na ko. Ang hirap kalabanin ng katamaran. 

4. Gigising na ko ng maaga at matutulog ng maaga (wag kana lang matulog.hahaha). Mahirap din kalabanin ang antok lalo na pag tulog ka pa. Madalas at normal na nagigising ako ng 11 o 12 sa hapon, kakain na lang. 

5. Bawasan ang pagiging PARANOID. Eto ang mahirap!

Sa abot ng aking makakaya, pipilitin ko (so help me God!) tuparin lahat to. Infairness kaunti lang yan, to be followed na yung iba. 



Pax et bonum! Happy New Year!