29 December 2011

SMART Objectives for 2012

Ilang araw na lang at muli na namang magpapalit ang taon. At ngayon ang dami ko ng naisip na gusto ko gawin for 2012, mga bagay na gusto ko matutunan. At dahil seryoso ako ay dapat SMART ang mga ito. SMART for Specific, Measurable, Attainable, Realistic and Time-bound. Oo tama, seryoso ako at may nalalaman pa kong ganitong ka ek-ekan. Sabi nga nila ang mundo ay isang malaking Quiapo, eh ano ngayon? Habang bata pa gusto kong matutunan yung mga bagay-bagay na hindi kailangan ng tamang panahon. Ang ibig kong sabihin sa mga bagay na kailangan ng tamang panahon ay yung mga pagkakataong magpapalakas at magpapatatag sa pagkatao mo, parang mag-mature ka, para maging wais ka sa buhay. Ito yung mga problemang dadating sayo sa di inaasahang panahon at sitwasyon.


Mabalik tayo sa SMART Objectives ko for the coming year. Actually, andami kong gustong gawin pero kailangan ko din isipin yung kabuluhan nito sa buhay at ang realidad ng mundong  ginagalawan ko. Sa ngayon ito pa lang yung mga naiisip ko, at sana sa susunod na new year o year 2013 ay maiblog ko na na-achieve na achieve ko to ng bonggang-bongga, pak!


1. Aralin ang different guitar scales at matutunan ang canon rock sa lead guitar. Tulad nitong ginawa ng bago kong idolo na si Yasi Hofer.




Ang ganda niya diba, chicks (natutunan ko lang sa mga tropa kong lalaki). At syempre dapat matutunan ko to sa loob ng isang taon na kung tutuosin ay masyado ng mahaba. Buti na lang ipinamana muna ng pansamantagal ni Kuya ang kanyang e-guitar. At para tulungan ako ay to the rescue ang mga kapatid ko sa fy at kabanda rin sa Wasted na sina Ambo at Kris.



2. Matuto mag-violin at matugtog din ang canon rock (ayaw ko sa canon rock). Syempre mag-iipon muna ako at sa birthday ko sana makabili na ko ng violin para maturuan na ko ng libre ni JC, ang kapatid din sa fy at kabanda sa Untitled Band.



3. Matuto mag drive ng broom-broom, i mean, kotse. Dahil makakatulong ito sa trabaho ko at para naman magkaintindihan kami lalo ng mga customers namin at pati na rin ng mga katrabaho ko. Sa ngayon naman ay medyo may lam na ko ng kaunti, pero iba pa rin talaga yung alam mo na talaga, basta yun na yun. Sa ngayon ay naghahanap pa kami ni Kim, kasama sa work, ng magtuturo samin mag-drive. Pero sana bago matapos ang first quarter ay ma-achieve namin ito.

4. Makumpleto ang SLAMBOOK ni POTPOT bago ako mag-birthday sa tulong ng mga kapwa bloggers. Sana ay suportahan niyo po ako, punta kayo dito for more info.


So for now, este for 2012, eto muna. Tsaka na yung iba. hehe





27 December 2011

KATAKYUT

It's been a long time kopong-kopong na din nung mai-blog ko dito ang aking ever cutiepie na pamangkin na si Muymoy. Ngayon ay ikawalong buwan niya na, ngunit ang katawan niya ay pang-isang taon na. Hindi naman kami nagtataka dahil malamang sa alamang ay na mana niya ito sa kanyang pudjang at mudjang.


This Christmas ang first christmas ever ni muymoy. Maraming gifts din ang natanggap niya from ninong at ninang, tito at tita. Pero meron talagang nag-iisang di matawaran na regalo ang ikinatuwa namin at ikinaiirita niya. Walang iba kundi ang laruang buwaya na iniregalo ng tito niya.






Eto ang tinatawag na KATAKYUT, kahit takot na takot na carry padin ang cuteness. Siguro kung makakapag-salita lang si muymoy ay nipagmumura niya na kami sa galit. Dahil sa tuwing inilalapit namin si Crokot, ang kinatatakutan niyang crocodile, ay nanginginig at napapapikit siya sa shokot. Syempre kami naman tong mga muntangang tuwang-tuwa. Peace moy!

More than a Gift

Simple lang ang gusto ko sabihin.


Napakabuti ni Papa Jesus.


Bago magpasko ang dami kong natanggap na regalo. Halos tatlong araw ko ring inuwi yung iba from my officemates. Yung iba hindi ko na natanggal sa balot kasi sobrang dami talaga. Kaunti lang naman ang mga niregaluhan ko, pero triple yung natanggap ko.


Bukod sa mga materyal na bagay, niregaluhan din ako ni Lord ng pamilya na nandyan sa nagdaan na taon. Alam ko kahit wala si mama, pinupunan niya lahat ng kulang at lahat ng wala. Siguro kung hindi ko siya hinayaan gumalaw sa buhay ko walang pinagbago at usad tong mundo ko. Nandyan din yung mga taong binigay siya para pasayahin ako. Mga kamag-anak, kaibigan at higit pa sa kaibigan. Yung mga taong nalalagay ng galak sa mga mata ko at ngiti sa labi ko.


Thank you Lord Jesus Christ. Ikaw yung may birthday pero ako yung may regalo. Napakabuti mo :)


Nagmamahal,
Potpot :)



26 December 2011

Daboiy talking about Destiny

Madaling araw pagkatapos ng araw ng pasko at Christmas Party namin sa FYM o Franciscan Youth Movement ay nagtipon-tipon ang mga langgam para sa isang malaking tipak ng Pancit. Oo tama, hindi asukal kundi isang pancit, pancit na sumobra sa party. Bakit naman tipak ng pancit? Kasi akala mo maja siya, pancit pala, akala mo biko siya, pero pancit pala, akala mo cake siya pero pancit pala.


Sa bahay ng pinaka-genius sa grupo kami nagtungo, kina Jc. At para masarap ang kainan ay napabili na rin ng akala mo bawal na inumin, sabi nga ni Lourd de Veyra. At dahil mga wala ng budget ay shot-shot nalang, san ka pa! Pagdating sa bahay nila Jc ay may spaghetti, at ayun na-itchapwera ang akala mong maja, biko o cake na pancit. Naubos ang spag kaya napansin na ang pancit. 


Sa hinaba-haba ng oras, kwentuhan at dami ng pancit ay kung anu-ano na ang napag-usapan namin. Si Alvin a.k.a Daboiy... siya yung naka-violet sa picure :)




Mabalik kay Daboiy na may illustration sa taas ay bigla na lang nagsalita about sa DESTINY. Hindi ko na matandaan ang usapan, pero tungkol ata sa pag-ibig. Natuwa lang ako sa sinabi niyang "Pag pinagtagpo kayo ng pagkakataon DESTINY yun boy! Pero pag naging kayo na after nun, kayo na ang gagawa ng sarili niyong destiny. Naniniwala ako dun boy! Sa destiny na pinagtagpo kayo!" Sabay kaming nakikinig sa kanya "Boom! lupit mo boiy!!!"


Si Daboiy ang isa sa mga kabatch ko ng pumasok ako sa fy, sabi ng iba, mukha daw kaming magkapatid. Marami ng nagsabi, siguro dahil sa mga nagkakasundo naming kilay. Si Daboiy yung kapag nagkwekwento tawa na kami ng tawa kasi nakakatawa siya hindi yung kwento niya. Si Daboiy yung palakang tukmol ng grupo. Si Daboiy yung perfect attendacne kapag may kainan. Paalam na Daboiy, haha joke, hindi pa po siya patay, buhay na buhay po siya.


Bigla ko naisip yung mga sinabi niya about sa destiny. Hindi lahat ng bagay co-incidence lang. May mga bagay na mangyayari't mangyayari in the future, inevitable, unavoidable and God knew it all. Kung isang araw may dumating man na pagkakataon sa buhay mo, seize the moment, make it perfect. Kung isang araw may dumating na tao sa buhay mo, alagaan, pakaingatan at mahalin mo, kasi malay mo isang beses lang siyang nakatadhana para makilala ka. Nakakaawa nga si Tadhana, kasi siya nalang lagi ang sinisisi natin sa mga sablay na pagkakataon. Pero buti pa siya may ibinibigay na oportunidad para makilala ang taong mahal mo at ang mga moments na kasama nito. Eh siya? binigyan mo ba ng halaga ang mga bagay na ito na ibinigay niya sayo? 



22 December 2011

First Bunny Anniversary

Nagmula sa langit bumagsak sa kalupaan ang batang si Potpot upang bumati ng isang magalak na Maligayang Anibersaryo para kay Zyra at Lester!




Message para kay Lester at Zyra  


Sana ay makadaupang palad ko kayo para personal ko kayong mabati. Hiling ko ang masaya at sa wagas niyong pagsasama. Nawa'y bigyan kayo ni Lord ng malusog na pangangatawan, magandang mga ngipin na masarap kumain at dilang maliit na nagsasabing wag magsisinungaling. Sana magkaroon kayong ng mga cutie babies tulad ni spongebob at patrick. Sana'y biyayaan kayo ng isang masaganang buhay na kasentro kay Bro. 
Muli maligayang anibersaryo!


Bati mula kay Jhengpot na nakikijoin sa pahayag na ito ni Zyra..


Bunny Anniv ni Lester at Zyra




BOW :)

21 December 2011

SLAM BOOK ni POTPOT

Tinatawagan ang buong sangkatauhan sa banda rito at banda doon! 


Dahil magiisang taon na ang bahaging ito ng pinagbabawal na langit ay magkakaroon ako, oo wala ng iba, no choice ka kundi ako, ng isang proyekto. Isang proyekto na di nalalayo sa paghihiwalay ng basurang nabubulok sa di nabubulok, sa proyektong pailaw ng baranggay, sa proyektong pagpapagawa ng imburnal ni konsehal, at iba pa.


At ang nasabing proyekto ay tatawaging






Ano ba ang layunin nito?


1. Hindi lang ito basta natripan lang, layunin nito na i-promote ang mga miyembro, follower at mga sumuporta sa aking kaweirdohan. Isang paraan para sila'y ipakilala sa iba. Instrumento upang makilala ko din sila ng lubusan.


2. Upang malaman ang tinatago nilang bait, lupit, o di kaya naman ay singit. 


3. Upang magkaroon ng reference, basta yun na yun.


Ang nasabing proyekto ay tulad din ng slam book na nasagutan natin nung tayo'y grade school pa, higher level nga lang. May mga tanong na pangkariniwan at di pangkaraniwan.


Sa ngayon ay pina-finalize ko pa ang nasabing mga tanong sa slam book. At kung mayroon kayong suggestion ay mangyari lamang na ipadala ito sa emjhay_bentedos@yahoo.com.ph


Sino-sino ang mga pwedeng magbahagi at paano:


1. Mga followers, members ng blog ko, friends sa fb, o isang panauhin pangdangal.


2. Sa mga gustong sumuporta ay maaring magcomment dito ng kanilang email address o magpadala ng pagsang-ayon sa nabanggit na email address at abangan na lamang ang aking reply.


3. Maari ko ring basta na lang anyayahan ang mga taong walang humpay na gumogora support sa aking mga blogpost o mga paborito kong bloggers.


Ang Slam Book ni Potpot ay ilalathala sa pahinang ito sa darating na 2012. 
Ang lahat ay lubos na inaanyayahan.
Maraming salamat po.

19 December 2011

A Song for Nth Chances



"Nais kong hawakan ang mga kamay ng oras. Yakapin at pigilin muna ang pagdating ng bukas. Kung kaya ko lang, kung di pa naman huli. Maaari ba tayong magsimulang MULI. Para bang unang pagdampi ng mga labi."


The first time I watched this video, kinilabutan ako. Parang may mga maliliit na kuliglig na nangingiliti sa mga balahibo ko. Four thumbs up! Hands down! Itataya ko ang pangalan ko sa ganda ng music video na ito ni Ebe Dancel - "MULI".




Una. Ang gwapo ni Seph (bidang lalaki) at maganda din naman ang bidang babae. Sa una pa lang akala mo climax na dahil biglang nasagasaan yung bida. Pagkalipas ng mga susunod na eksena, at ng isa pang eksena, at ng isang isa pang eksena... aba teka! paulit-ulit lang naman! But as the music video goes on, naapreciate ko ang malalim na meaning nito. ASTIG. 


Nung una (nasa taas, pakibasa) lahat ng atensyon ko sa music video nakasentro. Sa pangalawang pagkakataon ko tong pinanood at pinakinggan, mas lalong tumindi ang paghanga ko sa kabuuan ng music video. Oo, music at video, 101% credits to both. Para sa akin isa sa mga magagaling na composer si Ebe Dancel sa kasalukuyang henerasyon ng mga musikero. Siya lang din naman ang sumulat ng ilang sumikat na kanta ng ibang banda. Going back on the song itself, simple lang naman ang mga salitang binitawan, no need for google, encyclopedia o matandang ermitanyo (oo wala siyang kinalaman dito). Simple ngunit malalim ang pinaghuhugutan...


"Kaya ba natin patawarin ang mga sarili at hilumin ang sugat na dulot ng pagkakamali. Tao rin lang ako nadadapa muling tumatayo. Kung hindi pa naman huli, maaari ba tayong magsimulang MULI..."


At dahil paulit-ulit siya sa playlist ko, napagtanto ko lang na sa buhay paulit-ulit lang mga bagay-bagay. Paulit-ulit lang ang mga problema. Paulit-ulit lang ang mga nangyayari. At paulit-ulit ka din, ako, tayo. Pero sino bang nagsabing hindi pwede umulit? Kaya nga napapanahon ang mga unlimited. At kaya nga binigyan tayo ng isang regalo na kung tawagin ay FREEDOM. Freedom to choose. At ATTITUDE lang yan men para maperfect ang eksena.


Hindi mo mababago ang pagikot ng mundo from left to right, pero pwede kang sumabay sa pagtakbo nito. Hindi mo mapipigilan ang paparating na tren lalo na kung tulog ang driver, pero pwede kang umatras sa pagtawid at hintayin itong makalagpas. Hindi mo mapipigilan ang magnanakaw lalo na hindi mo alam kung kailan siya aatake, pero pwede kang maging proactive at maging maingat. Oo hindi mo na mababawi ang mga maling nagawa mo, pero huli na ba para itama mo ito? MULI, araw-araw nagigising ka pa at binibigyan ka ng pagkakataon ulit-ulitin ang  mga bagay ngayon na di mo nagawa kahapon.


"Habang ang mga puso'y tumitibok huwag tayong mapagod sumubok."


END.

17 December 2011

SMALLVILLE RP 2011


We gone to practice and done with the actual performance to support our group in the community which is the SMALLVILLE on its Rock Project 2011 for a cause, still, we didn't know what will be the name of our band.

THE SRP 2011
Its an annual event to support the indigent families in the community. Anyone can bring canned goods, noodles, money and can even showcase their talents to encourage some to do the same. It also support individuals in their personal endeavors, business, interests,etc. SMALLVILLE is none partisan, unpolitical and unbiased. We do accept support of any kind from any person or establishments, but we do not promote political agendas from any officials. Just pure help and intentions from simple and ordinary people who choose to walk with positive change. 



THE UNNAMED BAND

Compose of Jaya Amaro on vocals (Kris younger sister), Winwin Corillo on drums (my youngest sister), JC Romero on keys (brother in FY), Kris Amaro on guitar (brother in FY, Wasted bandmate) and I myself in bass guitar. We had one week of preparation to practice the songs Migraine, Pricetag and Tila. I and Kris formed the project band since our current band (wasted) can't make it due to some important reasons. We still did it and I could really sway and bang my head on to our music, its pretty good and rock en roll. Everyone did their job really well with passion. But until then we're still undecided and clueless with the band name. I want it named after St. Claire which is CLARA, but I want to reserve it for my future all girls band :) 



Making music and helping others at the same time, we can be God's instrument in so many ways. By sharing His given talent and grace we can be a hero. Giving does not depend on whatever we have,  it depends on whatever we receive, big or small. God anyway didn't require us to give it all, just a SHARING and you'll be part of His kingdom in Heaven. This season let us not forget the true meaning of Christmas :)
Godbless you all!

13 December 2011

Do your BEST, and leave the results to GOD

So dami ng saya na kahit ba para sa iba ay sadyang maalat ang araw na papatak sa treze.
Hindi pa man sumisikat ang araw para sa December 13, 2011 ay excited na akong nagpost sa fb.



 Ngayon na nga ang araw na opisyal, dahil jan mabingi-bingi na ako sa salitang "libre" at "blowout".
At sobra din akong galak na galak sa biyayang natanggap, salamat talaga sa Boss ko - si Lord!

Ngunit subalit datapwat dinapuan ng sakit kahapon ay hindi ko tuloy ito nakita, sayang! Pero tuwang-tuwa akong makita ang aking pagmumukha sa isang lathala.

Hanapin niyo ko...


Gusto mo ng clue? Eto...


Kung gustong maging koleksiyon ang nasabing pahina mula sa isang dyaryo, bumili lang ng Phil. Daily Inquirer, December 10 2011(Saturday) issue, page B4-3. hehe



23 November 2011

GL Rocks



Hindi ko na matandaan ang araw na 'yun, basta ang naaalala ko lang ay buong eksena, ang mga kanta, tugtog at mga mukha nila. Wala naman talaga sa plano, parang isang eroplano kung san ang isip biglang nagbago. Ayun sana ang araw na magkikita kami ng matalik kong kaibigan, ngunit sa di sinasadyang pagkataon sa ere siya'y naiwan. Pasalamat naman at ako ay nipatawad niya. 


Eh sino ba naman kasing uurong sa nag-gagandahang mga babaeng ito ng General Luna. Hindi ako tomboy ha o bakla, sadyang malaki lang aking paghanga.


*salamat google para sa litratong ito


May higit isang beses ko na rin silang naisulat sa pahinang ito. Kung ako ang tatanungin sa kung sino ang peyborit band ko, walang duda, yan ay General Luna. Di lang magaganda, talented pa. Hindi basta tugtugan lang, may ehemplo at dating sa tao. 


At nung mga araw ngang iyon dali-dali akong nagtungo sa SM Dasma para makita sila. Bumili ng CD at umupo ng walang keme sa front seat. The whole time, nakanganga lang ako habang nagpeperform sila. Sort of kinakabahan at naiihi pero pinipigil dahil ayuko mamiss ang sandaling iyon. After rakenrolan next na ang picturan at autograph signing. Buong katawan at laman ko nanginginig, kulang na lang matae ako joke. At dahil mag-isa at walang camera, buong kapal ng muka ginamit ko na para makiusap sa katabi ko na kuhaan niya kami then pabluetooth na lang after.


Speechlees, pero pinilit pa din magsalita para di magmukang tanga naman. Dumaan kay Bea-drummer, Caren-lead guitarist, Nicole-vocalist at Audry-rhythm, at sa dulo talagang sakto dahil naghihintay ang aking idolo. Si Alex Montemayor, bassist ng banda.






*photos from alex's tumblr

Hindi ko mapigilan parang gusto ko maiyak sa sobrang tuwa. Ang nasabi ko na lang "Hi alex you're great! I'm a big fan!" toinks! sabay picture at autograph. Sa haba ng panahon ito pa lag ang CD n binili ko, as is first ever :)


sa sobrang bait niya may pangalan ko pa ang autograph niya :) love it!

salamat sa nag-picture kahit di kita kilala


Ang saya parang nasa cloud9. Ang lupet magbass! idol talaga! Lalo tuloy ako na-inspire gumawa ng bandang puro gelay.



21 November 2011

EK for Enchanted Kunyari

Buwan-buwan laging may plano, linggo-linggo lagi gusto magkita, araw-araw halos magka-usap sa email, fb at text. At dahil may importanteng kailangan kuhain, nadamay ang buong tropa. Isang tao lang naman ang nag-aya, actually hindi nga nag-aya, umepal lang ako nakukuhain ko na rin ang TOR sa school kahit hindi na ipna-follo up sakin ng HR. All set on saturday, gogorabels sa school at kukuhain ang TOR ng biglang nag-aya sa kawalan na mag-Enchanted Kingdom after. Isa ang sumang ayon, naging dalawa, tatlo, apat, lima at nagsarado sa anim. Okay play! Ang umatras may eat sa wetpaks! LELS.

Sa araw ng sabado, sadyang mahimbing ang aking tulog. Sinusulit bawat minuto, ninanamnam bawat laway na tumutolo (yak). Hanggang sa tumawag ang aking katribo "san ka na? dito na kami school!". At dahil patuloy na naakit sa kama at unan napasagot tuloy ako ng "sige sunod na lang ako sa EK, kitakits!."

At dahil naglalakbay panalangin ang jeepney na nasakyan at mega trololol traffic pa, swerteng nalate pa. Pag dating sa tagpuan, sa waltermart near EK ay kumain muna then fly fly butterfly sa tahanan ni Eldar. 

Di pa man nakakalapit nakakainip na ang eksena at mukang tagilid ang tropa. Ang daming nagfifieldtrip! Badtrip! At bukod pa dun wala ng promo. Kaya sa gedli ng amusement park kami'y nag-isip-isip. 

Suggestion 1 : "Eh kung mag-Nuvali na lang kaya tayo!"

Objection on Suggestion no. 1 : "eh anong gagawin antin dun? Magpapakain lang ng isda at sasakay sa bangka? korny!"

Suggestion no.2 : "Sa tagaytay na lang! tara mag-zipline!"

Objection on Suggestion no. 2: "Magkano ang zipline? Eh dito marami pa tayong masasakyan!"

Suggestion no.3 : " Star city na lang, bumyahe na tayo habang maaga pa!".

Objection on Suggestion no. 3: "Ang layo! baka bago tayo makarating dun eh uwian na!"

Suggestion no. 4 : "Ganito na lang, ipikit natin ang ating mga mata, maghawak-hawak ng kamay at iimagine mo nasa space shuttle, anchors away at super ferry ka!"

Comment on Suggestion no.4: "Shet! manong bababa na ko! Kinakabahan na ko! mamamatay ako dito!"

Objection Objection on Suggestion no. 4: "Anong super ferry? Baka perris wheel! boplax eh!"

Final Decision: "Tara sa balibago at doon na tayo mag meeting."

Minutes of meeting sa Balibago : Manood na lang ng Breaking Dawn sa Festi.

Pagdating sa Festi. Ayun sumakay ng roller coaster, bump car at xtrax sa xsite! In short tablado ang plano. 






In our wildest and craziest dream nakapunta kami ng ek, nuvali, tagaytay at star city. 
At mabuti na lang nakakain din kami ng sama-sama sa shakeys :) Atleast kahit papano umepek na kaunti ang pagkikita-kita namin. Sa susunod na kaboplaksan ulit ! haha


19 November 2011

Have a break? Make a DOODLE Art!

Creating random drawings from scratch, leaving no space, colorful or just plain black and white, it doesn't matter anyway, just let your hands sketch random things from your mind. A flower, dog, car, rainbow, sky, bear, monsters, shapes, anything, everything, even though it means nothing. That's how I make doodle. You don't need to have a single and specific subject, it just come with a lot of objects. No rules, no instructions.

Before graduation, our class went to a memorable experience - The CBA Retreat 2011. BSBA-MA together with BSA. It made me happy, kasi dati kaming BSA then we shifted to MA, kasama ko for 2 days and 1 night yung mga taong naging bahagi ng buhay kolehiyo ko. We spend a lot of bonding time braced with spiritual guidance, banal pa din naman kahit ang kukulit naman. We're grouped for the activities and for the room assignment. Kahit may room assignment dumadayo pa din kami sa kwarto ng iba, para sulitin na din ang momentum. It's really not my first time to be in the Capuchin Retreat Center at Lipa Batangas. Kasi dun din naman nagreretreat ang youth namin for almost five years. But it's different this time. I'm in total silencing sa CRC pag-kasama ko ang Franciscan Youth, dahil na rin mahal na araw kami nandoon so bawal talaga mag-ingay. With my classmates, super duper and ingay! Nagsisigawan pa kami. At ang isang kakulitan namin biniktima namin yung mga classmates namin lalaki, dinala namin sila one by one sa kwarto namin. Pag naipasok na namins siya iga-gang kiliti namin siya! Haha eh ilan kaming girls laban sa isa. Yung isa pa nga talagang binuhat namin papasok sa kwarto, imaginin mo yun ang laking lalaki nun, todo kapit pa xa sa poste para di namin xa madala sa kwarto. Grabe, ang ingay namin.

Jonas after the gang kiliti session .. haha


And yung sa isa naman naming activity wherein ishe-share mo sa buong klase yung naging sharing niyo sa grupo may isang kapana-panabik at kakilig-kilig na eksena. Si Kat na idol, habang nasa harapan para magshare ay biglang tumingin ng kay ganda kay Nikko at sabay sabi with microphone "Nikko........tumingin ka naman sakin................crush kita!!!" WOOT!tumbling at nag-islum ang lahat! Pati si Father kinilig sa tagpong iyon..haha

During breaks naman sa conference hall, dahil bawal mag-ingay dun at dahil nandun din si father, ito na lang ang pinagkaabalahan ko ...



Ang mag-doodle. 

Basta iniisip ko lang kung anong nararamdaman ko that time at kung anong pumasok sa isip ko. I completed it bago kami umuwi. At kahit hindi ako masyadong nakagawa ng journal for that moment, by just looking with this doodle maaalala ko kung gano kasaya at kagaan sa feeling ang retreat na yun! 

And here are some of the pictures :)







The Original BSA :)



















14 November 2011

Hope, have Faith, Believe then Make a Wish

Friday, the most exciting day of my life and what made it more special this time, it's 11/11/11! Once in a life time lang yun men! Bukod sa uso ang mag-wish sa di malamang teorya mayroon ding kaganapan sa bandang Ortigas. The maala-Tangled experience, to make wishes more creative in a way, the floating lanterns in the air. Before 11/11/11 came, alam ko na na may ganitong ka-ek-ekan sa Banchetto. Though gusto ko talagang pumunta wala naman akong kasama. So hybernate mode na lang ako, maghahanap na lang ng patay na buhok para may ka-artehan naman ang wish.

Eto na nga, biglang may nag-GM na alien. Gorabels daw siya sa Banchetto event, at dahil biglang nabuhayan naman ako, ispluk ko na agad na gusto ko sumama. Okay lang naman kahit naubusan na ko ng lantern, ang mahalaga makita ko lang sila ng personal at live. After office, gumora na agad with mega excitement sa Ortigas. Habang nasa alabang biglang nagtext si alien na wala na daw lantern, irereply ko sanang okay lang nga kahit wala akong mabili at mahawakang lantern ng biglang namatay ang mahal kong celepono. Badtrip! Anyway, tatawagan ko na lang sila pagkatungtong ko ng megamall. 

Sa megamall, nameet ko na ang pinaka-mamahal kong alien. At hindi ako masyadong natuwa sa sinabi niya "Bes hindi na tuloy yung lantern, kinancel ng management!". Alam kong hindi yun nakakatuwa pero tumawa ako kasi feeling ko joke lang yun. So deadma lang. Pero syempre kunyari affected like this...

*the lady in black shirt,sya nga pala yung sinasabi kong alien.

Pero dahil nagkkwentuhan sila ng about sa cancellation ng event eh medyo naniniwala na ko pero hindi pa din ganun ka-convinced. At the back of my mind "nag-usap siguro sila na jajamingin nila ako". After mag-dinner fly na lang kami sa Metrowalk for inuman session. On our way to MW, bigla na lang sa kalangitan may mga mumunting liwanag na nagpagalak sa 'king puso like this...


Hindi ko na alam kung matatae ako o maglulumpasay sa aming nakita. Bigla na lang parang bata na nagmadaling pumunta sa playground. Sabay sabi ng "sabi na eh! niloloko niyo ko eh!"

At ayun na nga, sa dami ng mga taong naglabasan sa mga establishments on the side at kanya-kanyang daldalan na na-cancel naman pala talaga ang event. Salamat na lang at pasaway ang mga katauhan :)

After ng mahabang lakaran with excitement ulit, agad-agad tinanggal sa plastic ang mga dalang lantern at sinindihan.We almost forgot about the wishes sa sobrang pagka-amazed namin sa mga kaganapan. It took us a lot of patience para tuluyang lumipad at lumutang ang lantern sa langit. We don't care and mind kung nangangalay na ba kami at nagmumukang ignorante. All we know, we're happy and we enjoy this crazy little thing called floating lantern.





Thanks to my new friends c/o CEU. hehe.. Never I felt out of place with their company, it seemed like we're long time friends. Thank you guys! And syempre sa aking mahal na best friend na alien Kamila and her bf Michael :) 





Thank you very much Lord Jesus Christ for this memorable experience :) You're so awesome! 
Though at first it's an epic fail you still won't let us down through your gift of hope and faith. 
Believe! and make a wish!


11 November 2011

Momentous Battle



"To God be the glory!" -  words popped in my mind when the host gets to announce the first placer in the Xsite Battle of the bands 2011. Mixed emotions, tatalon ba ko? sisigaw? tatumbling? maghead spin? mag dougie? Oh men! 1 hour bago nag sink in! We made it! We won! And it's real!




This is very momentous for me and my band. Kasi fly to SG na si kuya avel the vocs. So ako na ang vocalist sa next time .. haha


Anyway we played the songs Ilagay mo kid by hagibis in rock version and Mr. Kenkoy by Mike Hanopol also in rock version. It's actually bunutan system for the second song we have to perform. And the band decided to play Mr. Kenkoy instead of Laki sa layaw , para na din hindi lang laging yun na lang ng yun. We are given the chance to prepare for two weeks prior to the finals. Practice dito, practice dun, head bang dito head band dun, etc. Everyone paid a lot of attention, effort, time and also money na din. But then it's all wort it in the end.


Prior to the finals, nagbalitaktakan pa kami tungkol sa costume para magetchingin namin ang best in costume. They suggested we wear a duster, syempre kumontra ang lola niyo! I prefer formal attire, pero 4 against 1 ang labanan dahil gusto talaga nila ng duster. So nagkabati na lang sa desisyon na formal-formalan on the first song then shift to duster in the second. Nag-work naman! natuwa naman ang madlang people sa aming pakulo though hindi namin nasungkit ang best in costume.




and here is the actual performance. hope you guys enjoy it :)


At dahil sobrang kabado ang lowlah niyo, ayun hindi nakatalon sa part na dapat tatalon.. dami tuloy badtrip! hehe.. Anyway baka pag-tumalon ako nun kami na ang magchampion.. chos!


Congatulations din sa aming tropang banda, ang champion - Tanikala Band !




At maraming salamat sa mga bago kong kaibigan, my dearest idols! Panalo kayo para sakin Paru-paro Band :)





At dahil pwedeng bumati.. salamats na din to our relatives and friends na todo support that night!






Vow! I'm lost for words, sensya na :)