14 January 2011

MAMA KO

Ni-try kong basahin lahat ng posts ko sa tumblr at biglang napatigil sa post kong toh... To date, mag 5 months na.. ganun pa din ang pakiramdam ko, like yesterday, like the first day my mama died. I tried to figure out kung meron bang nag improve sa pagmu-move on ko... oo ni-try ko, but every time i think of the last scenes i had with my mama before she sighed her last breath, my heart beats faster and felt the thread of grief fulling my tears to roll down. Hindi ko maintindihan yung feeling. Masakit, malungkot, masakit, nakakaiyak, at somehow masaya. 

Ito yung niblog ko nung November 23,2010. At ito pa rin naman ang masasabi ko sa ngayon.


*********************************************
It’s been 3 months ago, but it seems like yesterday…
I try not to cry while doing this blog…
I always wanted to make a tribute for my mama… Anything that will make her happy, a video presentation, a song, or a blog that tells how much i love her… But every time i try, my tears start to fall, my heart breaks into pieces and my world seems to fall apart… The most tragic part is that it’s too late to show her how much i love her and appreciate her selfless love… How i wished i could see her again… If God will give me one wish for the rest of my life, i want her alive…
I’ve lost the most important person in my life, my mother :( and it takes a lot of courage to say that… I knew it, but my heart denied it… Everyday was a struggle, knowing the fact that she’s already gone… Every morning, i wait for her to wake me up,and wait for another 10 to 20 minutes just to find out that it will never happen again, i’ll be late in office if I insisted that… In the evening, she used to text me if I’m not yet home… Now, i keep reminding myself to go home early because no one will gonna text me anymore… There’s so many things i miss about her… And if i will enumerate it all now, i swear, i will end up crying… 
It’s hard for me to accept my diploma in college this coming 2011 without her marching in the red carpet, wearing my toga while crying and saying “finally! we’ve made it ma!”… 
At this point, I’m shaking… It’s like riding in the anchor’s away for the rest of my life… It’s been 3 months ago since she left us, but it seems like yesterday… The pain and agony are still the same… But i know deeply in my heart that she’s happy and peaceful with the person who love her the most as much as I love her, Jesus Christ… It maybe hard for me to move on without her, but in my heart, she will live on forever… I promise, i will take good care of papa, janine and win-win…

*********************************************


Kung nakakasama niyo pa yung mga nanay,inay,mama,mommy,mudra,mudang  niyo wag niyo sayangin yung time. Sa mga simpleng paraan let them know and feel how much you love them, alam niyo, kung akala natin na emo na tayong mga kabataan, sa totoo mas emotional ang mga magulang. When my mama died, lahat kami kanya-kanya ng kisame at dingding na tinititigan. tulala. walang masabi. nag iisip ng wala. Sabi nga sa book na binabasa ko ngayon "We're never ready to let go of our mother's hand, but her death shapes our hearts one last time. Without her, our love spills out in all directions, falling here and there, in the most unlikely places. Perhaps it is her greatest gift, to leave us aching for each other."


Wag niyo na hintayin yung time na sa picture mo na lang siya makikita, dahil sampung segundo pa lang na pagtitig sa litrato niya parang guguho na ulit ang mundo mo. One time, yung friend ko umiyak sa tropa, sabi niya lagi na lang daw sila magkaaway at pinapagalitan ng mama niya. She's so pissed off. Out of nowhere bigla kong sinabi, shaking, "Alam mo okay lang kahit araw-araw ako pagalitan ng mama ko, basta buhay siya at kasama ko. You'll never know. Ganyan din ako dati, lagi ko sinasabi na di niya ko naiintindihan, pero ngayon wala na siya, ang tanga ko na ngayon ko lang naintindihan kung bakit siya ganun." Ngayon, after her death ko nalaman lahat ng sacrifices niya. 


Nung mga huling oras bago namin sya ihatid sa huling hantungan (shet. ang hirap sabihin.) some of her friends and officemates gave testimonials about my mama. At di ko pa rin makalimutan hanggang ngayon, yung sinabi ng katrabaho niya. One time daw, nagmeeting sila. And then after nun may nakahandang pagkain for lunch, Mang Inasal. Si Manong(officemate ni mama), napasin na hindi ginagalaw ni mama yung pagkain niya at nagtanong, sagot daw ni mudang "Kasi pupuntahan ako ng anak ko dito, ito na lang papakain ko sa kanya." Naiyak ako, at naiiyak ako ngayon. Kasi ako yun e, ako yung kumain ng Mang Inasal na yun. Sarap na sarap pa ko. Di ko man lang natanong nun si Mama kung kumain na sya, sabi niya kasi nun "May Inasal pa dito, kainin mo na." 


Napapaiyak na lang ako at nanghihinayang sa mga araw na dapat kasama ko pa siya. Sabi nga ulit sa librong binabasa ko ngayon entitled Mother by Linda Rentschler  "You cried at the good times, at the memories of struggles, and eventually you cry for all the days you'd never had."


Ang bigat sa dibdib, kung nakakalaki lang to ng dibdib sumaya pa sana ako. Yung mga last moments namin sa hospital were very strange. Never ko inisip na magkakaganun. Nung gabing huli ko siya binantayan, the day bago siya mawala, kasama ko si Henry na bf ko. She stared at us habang hawak ko kamay niya at nakapatong ang paa ko kay Henry. Parang napatingin siya saming dalawa. Hindi ko alam pero parang gusto niyang magsalita, unfortunately di niya na kaya magsalita nun. Parang feeling ko gusto niya sabihin kay Henry na "alagaan mo tong anak ko". And nung huling gabi niya nung dinala na siya sa ICU, sobrang nagdadasal ako na sana maghimala si God. Kahit nakawheel chair na si mama, kahit bedridden na siya, matatanggap ko basta mabuhay pa siya. Pero nung nagbuklat ako ng bible, random, hindi ko alam kong anung mararamdaman ko sa verse kasi sabi parang ganito "eat and drink as many as you can today, for tomorrow you may die". AWW. SIGN ba yon? 


Biglang nagmamadali yung tita ko, pinapupunta kami sa ICU (nasa labas kasi ako ng hospital,di ko kaya sa loob) dahil pinapump na daw si Mama. Nagmadali ako at yung kapatid ko tumakbo. At ng makarating kami sa harap ng ICU sakto namang lumabas ang pinsan ko, di maipinta ang muka while saying "mukang wala na, pinapump na nila, c mame di nagreresponse". Gusto ko pumasok, pero natatakot akong makita at hindi ko kayang makita siya sa bingit ng kamatayan. Yung kapatid ko gusto pumasok pero pinigilan siya ng mga pinsan ko dahil nagwawala na siya. Yung tito ko naman next na pumasok, wala pang 10 seconds lumabas siya at umiiyak. Wala akong nagawa kundi napaupo sa sahig, napasandal sa dingding habang paulit-ulit na sinasabing "mama ko..." na parang batang napahiwalay sa nanay niya habang namamasyal sa mall. Bumaha ng luha, ako, kapatid kong isa, tita at tito ko at apat na pinsan ko, nagsisigaw doon. Pinapunta kami sa lobby, at ng pagtalikod namin biglang nilabas ang isang stretcher, may taong nakakumot. Shet. Iyakan kami ng iyakan. At ng dumating si Papa, ang bunso namin at iba pang kamag anak sa hospital lalong bumaha at lumindol ng luha. 


Pinauwi kami, (immediate family) ng tita ko para makapagpahinga. On my way home, pagbaba ng sasakyan, iyak ako ng iyak hanggang sa marating ko ang bahay namin na andaming tao, naglilinis sila, ang linis ng bahay. Dumiretso ako sa kwarto sabay umiyak ng umiyak kasama kapatid ko. Nagpunta sa kwarto nila Mama, niyayakap bawat gamit niya, kinakausap at iniiyakan. Nitry ko matulog dahil dalawang gabi akong nagbantay kay mama sa hospital, pagpikit ko agad ng mata ko siya agad nakita ko. Yung nahihirapan siya. 


Nung dumating siya sa bahay, 30 minutes ang lumipas bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na tingnan siya. Hindi ko maatim magtagal sa harap ng kabaon niya. At dinedeny sa sarili ko na di siya yon dahil di niya kamuka. Kasi ang panget ng make up. At nag iba talaga muka niya. Si Papa, mag isang nag iinom sa kwarto habang sinasabi "sana ako na lang kasi wala naman akong kwenta". Tinatagan ko loob ko sabihin sa kanyang "Pa magpakatatag ka para samin, kailangan kita, kailangan ka namin magkakapatid".  


Ang sakit pa rin hanggang ngayon. At tandang tanda ko pa rin ang bawat detalya ng nangyari. Ganun pa man, nagpapasalamat ako kasi nakasama ko siya sa loob ng 19 years at sa panaginip ko pinagtatanggol niya ko sa mga nang aaway sakin. Sana nga isang malaking joke lang ang lahat.

6 comments:

  1. Waaaaah bes wag mo ako paiyakin ng ganito........

    ReplyDelete
  2. teary eyed ako....
    so sad....
    be strong... siguro may purpose ang mga bagay na nangyari sa inyo....
    wherever your mom is, masaya sya ngayon kasi may anak syang tulad mo....

    kaya mo yan... ^^

    ReplyDelete
  3. truly, show your lve to your parents habang hindi pa huli ang lahat.. so sad to hear this..

    ReplyDelete
  4. @kamila:alam mo bes iduduktong ko pa sana yung sa bahay ka natulog, tumayong ina sa amin...anu daw? haha
    @leonrap:salamat leonrap sana naging nanay na lang kita..hahah jowk!
    @lhanlhan:so happy to hear that realization from you! :) hehehe..nakakalungkot kapag may mga kakilala ako na di nila pinapahalagahan yung parents nila..

    ReplyDelete
  5. Napaiyak naman ako sa entry mo, Jhengpot. Ipagdadasal ko na sana maibsan naman ang lungkot mo....makakagaan din yan sa Mama mo saan man sya naroroon. Siempre malulungkot din sya na makita kang umiiyak. Sana mga ma realize ng mga anak lahat ng sacrifices ng kanilang ina. Kasi karamihan ng mga ina, parang effortless na ibigay maski na yung isusubo na lang sa anak. Salamat sa entry mo na ito, naalala ko rin ang mga sacrifices ng Nanay namin :))

    Pasensya na kung wala akong time magbasa ng mga entries mo, ganun din ako sa iba (nagsawa na rin yungibang mag comment sa aking manaka nakang entries, huhuhu). Dami kasing pinagkakaabalahan.....

    ReplyDelete
  6. MS: salmmat po ng marami. wala akong masabi

    ReplyDelete

Say Wuht?