21 January 2011

Mga Pitong Katangahan, este... Katangian

Feeling ko ngayon ako si Fanny Serrano (tama ba spell?), keribels na yan! Salamat kay Riza at bes Kamila sa palong-palo na award na ito! Akalain mo yon... Dahil jan, may libreng gupit ka sakin... :)

At syempre ang lahat ng bagay ay may consequence, may kapalit pala ito. At eto na nga, pakibasa na lang ho ang mga mechanics:
1. Bigyan ng pasasalamat ang nagbigay sa iyo ng award na ito sa pamamgitan ng paglilink sa kanya.

2. Ipaalaam sa madlang blogger ang 7 katangian mo na hindi pa alam ng ibang tao.

3. Matapos matanggap ang award ay i-award din ito sa 15 na bago mong nadiskubreng blogger.

4. At syempre ipaalam mo sa blogger na na mayroon silang award mula sa iyo.


Puro na lang katangian,ang mga natatanging katangahan este katangian ko po ay eto na't ihahain ko sa inyo:

1. Naiinis ako pag may katabi akong ang ingay kumain, parang ang awkward kasi. Pwede bang "silence please, nasa library ho tayo, magpapatayo nga ko ng library sa tabi ninyo."

2. Naiilang ako pag may tumitingin sa ginagawa ko, yung tipong "hello? ano toh live show?". Minsan okay lang naman, pero nakakailang talaga

3. Tahimik lang akong tao, pag kailangan maging maingay. Gora tayis! Maingay kung maingay! Tahimik kung tahimik. Alam ko kung paano ako lulugar.

4. Mahal na mahal ko ang mga bituin. Sobra! Kung pwede lang ipatanggal ko na tong bubong namin para star-gazing lagi.

5. Mas gusto ko pa ang math sa english. Mas gusto ko maghanap ng solusyon sa problema, etc. 

6. Frustrated singer ako. Pag nakikinig ako sa mga tugtugan ng Paramore, ini-imagine ko ako si Hailey Williams. RNR!

7. Maloko ako. Sa mga super close ko. As in define MALOKO.


At eto na ang mga kagulong-gulong, este kagalang-galang na aawardan ko... drumroll please...


kulang yan,,,sila na lang muna... yung iba siguro doble doble na ang stylish award nila... ayaw niyo nun, bente niyo yung isa para mapagkakitaan. :)

5 comments:

  1. Waaaawww..! ^-^
    Salamat! :))
    Mwahahahaha..! XD

    ReplyDelete
  2. ako din... binigyan din kita ng award...
    thanks... hehhe

    http://leonrap.blogspot.com/2011/01/makikiuso-na-din-ako.html

    ReplyDelete
  3. wow ngayon ko lang nakita to..hehe..thanks mj!

    ReplyDelete
  4. nasosobrahan ka na ba sa mga parangal..?

    ReplyDelete
  5. paaward naman kahit late na. wahaha. :)

    ReplyDelete

Say Wuht?