28 January 2011

Hurado o Burado

Magnanakaw, mamamatay-tao, rapist, carnapper, holdaper, terorista, suicidal, video scandal, pornograpiya...

mabigat ba? sige pagaanin natin.

Sinungaling, manloloko, bastos, mapag-mataas, mayabang, madamot, tamad, mainggitin, malisyoso/malisyosa, chismosa...

Ang hatol ng tao:

"Parusa ang kapatawaran sa iyong mga kasalanan. Kalaboso sa kulungan.  Bartolina. Labing-dalawang latigo. Lumuhod ka sa asin. Ilalagay sa sako at ibibitin patiwarik. Isang linggong di kakain. At kung hindi man ay buhay mo ang kapalit."

Ang hatol ni Bathala:

"Magsisi ka sa iyong kasalanan. 
Pinapatawad kita aking anak."


Human Justice vs. Divine Justice

Kahit ano pang gawin mo sa buhay mo. Kahit pa sa huli mu lang naiisip ang pagsisisi.
Naalala mo ang lahat ng sakit at dulot ng iyong mga kasalanan at pagkakamali.
Naalala mo ang mga taong iyong naapakan, mga bagay na nasira, mga pagkakataong nawala.
Ang dami mong naisip, ang daming sinisi, ang daming pinanghinayangan.
Once in for all, himingi ka ba ng tawad sa KANYA? 

Ang hilig natin manghusga, magturo, mangonsensya.
Ang panget niya, ang bobo niya, ang tanga niya, ang sama niya, wala syang kwenta, hayop!
Hala sige turo, tapos habang nakaturo, subukan natin humarap sa salamin.

Tanda ko pa ang isa sa mga homily ng paborito kong pari.

"Ang Diyos ay Diyos na nagliligtas, Hindi Diyos na mapanghusga."

Minsan naiisip ko ako yung isa sa mga nagpako sa kanya.
Yung isa sa mga nakikisigaw ng
 "Si Hesus na anak ng Hudyo!ipako sa krus!"
At siya tahimik, nakayuko, ipinako na't lahat-lahat, sa muli NAGPAPAKUMBABA.

Nobody's perfect.
 Pero sabi niya nga
 "You don't need to succeed son, just try, and i will make it worthwhile."

alay ko sakanya tong sining na toh.

13 comments:

  1. ermmmm..tuhma..well to err is human...
    so let's accept it...la leng..jeje

    ReplyDelete
  2. ay mahirap talaga yan.. wahehhe... laging laman ng debate sa school yan..

    pero tama...

    ReplyDelete
  3. this is right. i like this post too.. ^^ keep it up jheng ^^

    ReplyDelete
  4. sabi ko na nga ba dapat nagmadre ka na eh

    ReplyDelete
  5. kagaling naman.. ay bukas ay sunday.. tara magsimba... gusto ko atekoy.. :)

    ReplyDelete
  6. Kamila: oo nga bes e... geh magmadre na ko! hahaha

    Istambay:sige tara! :)

    ReplyDelete
  7. haaaaaay panalo nakakinspire hehehe

    ReplyDelete

Say Wuht?