22 January 2011

Father Knows Best TOO

Labing siyam na taon na kong naglalakbay, at mag-bebente na sa darating na Pebrero.
Iiwanan ko na ang teenage life at papasok sa bagong kabanata ng buhay ko.
Pakiramdam ko bata pa din ako, marami pang dapat malaman at matutunan.

Paglabas ko ng banyo, nagulat ako kay Papa na nasa kabilang kwarto hinahanap ang kapatid ko.

"Umalis na sya kanina pa, nagpuntang simbahan."

"Sige ikaw na magsampay nito" 
sagot niya habang nakaturo sa mga basang damit.

Habang isa-isa kong sinasalansan ang mga damit, sumabay ang bigas na nagmumula sa kalmadong boses ng aking Papa.

"Ikaw...may nabalitaan ako sayo, nakarating lang sa kin, ang sabi ko pagsasabihan kita."

kinabahan ako, ano kaya yon?

"Wala na si Mama niyo, bilang tatay niyo ako ang magsasabi sa inyo."
"Kung ayaw sayo wag mo ipagpilitan, kaya nga kayo nag-aaral para matutunan niyo din yung mga ganyang bagay"
"Dalawa yan, puso at utak, pag ginamit mo lang ang puso mo, tablado ka jan.
Kaya dapat gamitin mo din ang utak mo."
"Kung nasasaktan ka na, tapusin mo na. Maging matapang kayo. Hindi ko kayo pinaghihigpitan sa ganyan. Kayo ang magdedesisyon, kung gusto niyo ako ang gagawa ng paraan."
"Ako noon pagnasaktan ako di ko na binabalikan, nasaktan mo na nga ko babalikan pa kita.?"
"Pag may problema kayo magsabi kayo sa akin, isipin niyo na lang tropa niyo ko."

Natahimik. Napapaiyak. Magsasalita ba ko? Yayakapin siya?
Di ko alam
Na-blanko na ng tuluyan.

Kaya mahal na mahal ko ang Papa ko.

Dati nung binubog ako ng Mama ko (pasaway kasi ako), siya ang umawat at ini-lock niya ang kwarto namin para di ako magulpi ni Mama, ayun, kinausap niya ko ng masinsinan.

Nung pangalawa, nung so much wasted ako nung mawala si Mama. Siya ang nagbibigay ng lakas ng loob sakin.

Sobrang COOL niyan ni Papa. Pag nainom yan mag-isa habang kinekwentuhan kami sasabihin pa niyan "kumuwa kayo ng baso tumagay kayo ng inyo"

Kasundo ko siya sa maraming bagay

Sa pagkahilig sa musika, dati kasi siyang nag-cocombo, tawag sa mga banda nuon.
Sa pagkahilig sa arts, magaling siya magdrawing at napakaresourceful at creative.
At iba pa.

Kaya "Jack" ang tawag sa kanya o palayaw niya kahit Romeo talaga ang tunay niyang pangalan.
Kasi nga Jack of all trades.
Marunong sa halos lahat ng bagay.

Nung 18th birthday ko tuwang-tuwa sa kanya mga tropa ko.
Kasi ang kulit. Lalo na nung nag 18 dance na.
Entrance song e melow tapos biglang nag-shift sa "Sway" ng pussycat.
Hala sige sayaw kami!


Extra strong!

Minsan talaga pinipili ni God ang pinaka the best na tao na magsasabi sayo kung anung dapat mong gawin sa panahong naguguluhan ka na sa mga bagay-bagay sa paligid mo.

11 comments:

  1. naks, ang bait ni tatay.. bihira ang tatay na ganayan atekoy.. maswerte ka.. :))

    ReplyDelete
  2. may point tatay mo... sya na lang kasi anjan para gabayan kayo kaya nararamdaman ko na concern sya at gusto lng nya ay kabutihan nyo....

    pero good thing sayo yan, kasi ako, hindi kami close ni papa.... long story.. ahaha

    ReplyDelete
  3. buti pa tatay mo ganyan, parang friend lang. tatay ko laging superior. XD tapos, di ko naman din makausap ng totoo pano magkaiba kami ng lengwahe. tae tlaga. hahaha.

    ReplyDelete
  4. mukhang ganyan din ako sa magiging anak ko ha, cool, :)

    ReplyDelete
  5. Maswerte ka sa Tatay mo, at habang kasama mo pa siya, show da love :)

    ReplyDelete
  6. @istambay:oo nga e..imba kasi sya..hehe

    @leonrap:alam mo dati di kami close tapos nung nag-open ako sa isang pari tungkol dun inadvise niya na ako daw gumawa ng way para mapalapit sa kanya, or kung di man, wag ko na lang daw ilayo sarili ko.

    @jae: anung lengwahe ba?jejemon? haha joke.

    @adang: ako din gusto ko maging ganyan din sa mga magiging anak ko...

    @MS: hi miss malou!Thank you po!

    @lhanlhan: tama! ui nasa blog roll na kita ha!

    ReplyDelete
  7. http://kwentongpalaka.blogspot.com/2011/01/klap-klap-klap.html

    ReplyDelete
  8. award mo fro me..

    http://kwentongpalaka.blogspot.com/2011/01/klap-klap-klap.html

    ReplyDelete
  9. huysttt bes... galing ni papa jack.. the bes talaga...

    wahehhee.. siya na nagsabi niyan..wag mong sabihing bingi ka pa din.. di ka naman slow...

    lab u bes...

    ReplyDelete
  10. cheenee:salamat sa award!

    bes:lab u too bes!

    ReplyDelete

Say Wuht?