20 January 2011

Laugh Out Loud

Natatawa ako as in Laughing Out Loud ang mood, dahil isang LOLka-LOLka ang nagbigay sakin ng award na...tadennn!!!!!



Yung ngipin ng smiley hindi nalalayo sa pagkatao ko at sa ngipin ko na rin...hahaha... NAkikipag-unahan sa finish line! Thanks bes KAMILA! MIss na din kita ng sobra!

At ang mga rules para mapanindigan ang pinagpipitagang award na ito:


  1. Link to the person who gave you this award. (In a post, or in your sidebar, wherever you have this)
  2. Pass the award along to seven other people who post about at least slightly amusing things and tell them. Either by emailing them or commenting on a post, etc.
  3. Say seven things about yourself that no one knows. (Or at least you think no one knows.)
  4. Pass these rules on.

At eto na nga, ikinagagalak kong ipasa ang prestihiyosong award (nu daw?) na ito kina:

Leonrap ng My Replica, napakasipag niyan magbasa at magcomment sa mga blog post ko...Nakikitawa, nakikisaya at nakiki-iyak sa mga kaartehan ko.

Ms. Malou Silverman ng Bloggerang Pinay, natutuwa kasi ako sa kanya.

Maykel ng Joe Lang, ang pinakamamahal ng best friend ko. NAkakatuwa yan si MAyk, anlaking tao, pagnagsalita kala mo nakaapak ka ng ipis..hehehe

Lhanlhan ng Notbuk ni Lhan, ang di mapakaling bata! Nung nag uumpisa pa lang ako mag-blog (1 month ago, tagal na noh) ang kulit niyan. I-add ko daw siya, e ni-add ko na naman siya. adik e. peace lhan! :)

Kringles ng The girl with an ordinary life, kasi pareho kaming adik sa booksale. Actually di pa ko ganun ka adik, kalma lang. Siya adik talaga, kumbaga sa jejemon, terminal na..hehe

Riza ng Aba nagsusulat na pala ako?!?. Ang weird niya din, parang pareho kami ng rugbing sinisinghot... joke!

Aubrey ng No Regrets, pagmagkasama kami niya. Laugh en roll! go wasted band!


Dumayo naman tayo sa sarili ko, ako naman ang bibida:
  1. GUstong gusto ko ang amoy ng mga libro. Siguro dati akong anay, kulang na lang ngatngatin ko ang bawat pahina ng tuluyang madama ang kaadikan!
  2. Suplada ako, totoo. Sa mga taong di ko masyado kilala. Pero pag naka-jamming niyo ko, for sure walang hindi babatok sa kakulitan ko.
  3. Bingi ako, medyo. Tipong mag-aanimo'y sirang plaka ka sa kakaulit ng salitang di ko marinig. pero di ako slow noh.
  4. Matatakutin. Never pa ko nakakita ng aswang, multo o ligaw na kaluluwa. At ayuko nga makakita! Tapang tapangan lang ako minsan, pero pag may umirit na. Hala sige nakikipag unahan ako sa finish line.
  5. Favorite ko si Jimmy Neutron, kahit paulit-ilt na lang ang episode niya dati sa Tv5. PAra kasi siyang si Doraemon. Yun nga lang mayabang, pero ang cool ng mga naiisip niya, ang weird din. Super friends kasi ako ng mga weird na tao, weird in artistic way.
  6. Pagnaiiyak ako sa pinapanuod ko, o naantig na ang puso ko, napapayuko o tungo ako. Di ko din alam. Napansin ko na lang bigla.
  7. Hindi ako pala-away, mahaba pasensya ko. Maa mahaba pa sa expressway, di din ganun ka express maubos. When people criticize me, hinahayaan ko lang. Pero pag naargabyado na ko at wala na sila sa lugar. Walanjo! Kagatan na lang oh! Ako kasi yung taong hindi "hindi marunong tumanggap ng pagkatalo", kung talo ako, tanggap ko. Wag lang talagang inaargabyado na.


Ayun lang po. BOW!

7 comments:

  1. waw... andito ako... ahaha... THANKS!!!
    at dahil jan dapat ilibre mo ko... ahaha (parang baliktad ata noh?)

    masipag ka din nmn magbasa sa mga post kong may pabitin pa ang story eh ahahaha...

    ReplyDelete
  2. wowowow!!! hehe salamat apir!!! hahaha! wala akong masabi (speechless)

    ReplyDelete
  3. p.s. ay teka lang na sabihan na ba kita? may award ka rin pala sa'kin ito oh http://rizadnoypi.blogspot.com/2011/01/ang-7-kung-katangian-na-alam-kong-wala.html

    hehe ^_^ sana tanggapin mo 'to na maluwag sa'yong puso...

    ReplyDelete
  4. salamat! aaahah. di mo par in ako inaadd! wala pa rin ako sa blog roll mo huhuhuuh...

    ReplyDelete
  5. hahaha..thanks jheng! naloka ako sa terminal comment! hehehe!

    ReplyDelete
  6. bes.... antok... pero eto binabasa ko isa isa mga post mo.. mapagmahal masyado.. at ang sarap naman ng panlalait mo sa boypren ko.. hahahah

    ReplyDelete
  7. Thanks for the award, Jhengpot, cheers!

    ReplyDelete

Say Wuht?