19 January 2011

Parang totoo

Nakahiga ako sa binti niya habang dahan-dahan niyang hinihimas ang buhok ko.
Out of nowhere bigla niyang sinambit ang mga salitang "I love you".
Napatayo ako sa aking mahimbing na pagkakahiga, napatingin sakanya.
At sabay tumulo ang mga luha  at biglang banat ng "I love you too Mama".
Niyakap niya ko ng mahigpit na para bang gusto niyang angkinin ang lahat ng sakit at pawiin ang lahat ng pagod na naninirahan sakin.
"Ehdi babalik ka na sa bahay?hinihintay ka na nila Papa."

"Hindi na ko pwedeng bumalik."

Sabay tunog ng Waterdrop tone, "shet 5:40(am) na!"
Ligo,toothbrush,platsa ng damit,plantsa ng buho,pulbo,lipstick,konting blush on,takbo,sakay ng jeep.

Habang binabagtas ko ang kahabaan ng slex, muli akong napaisip. 
Parang totoo. Ang yakap, ang mga luha, yung boses niya, yung muka niya, at ang pakiramdam ko.
Nananaginip ba ako na nanaginip lang ako?

Siguro nabasa niya yung blog ko. Kaya tuloy nagparamdam at nagpakita siya sa panaginip ko.
Kahit papano gumuhit ang ngiti at nagkaroon ng espasyo para marelieve ang active-activan kong utak at puso.
Ang lima o sampung minuto ng panaginip kasama siya ay isang malaki ng bagay para sa akin.

3 comments:

  1. kahit kelan naman anjan lang sya sa tabi moh... binabantyan ka lang nya... ^^

    ReplyDelete
  2. she loves you and is always there guiding you.. :))

    ReplyDelete
  3. huy bes bakit?? wala ka ba sa bahay niyo?

    ReplyDelete

Say Wuht?