29 January 2011

Si Kap at ang Buwaya, Si Feng at ang Bawang

Isa na namang di makakalimutang adventure ang naranasan ko ngayong araw na to.

Bago tuluyang bumangon sa kama, iniisip ko kung papasok ba ko?
Eh ano pa bang choice ko, lala na midterm exam ngayon. Hindi na nga ko pumasok last saturday, hindi nanaman ako papasok ngayon? Aba kainaman!
Nakakapagod kasi at nakakaantok ang 720 hours na intrenship na kailangan namin bunuin sa loob ng isang sem na may humigit kumulang limang buwan! Sulit ang 8 hours a day, 5 days a week at 4 weeks a month! Idagdag pa ang pasok sa sabado para sa isang major subject at isang minor subject. Juskodida!

Pero masasabi kong sulit ang lahat ng pagod ng kanina'y napadaan ako sa bulletin board ng school kung san nakapaskil na ang mga kandidato at kandidata sa darating na graduation. Excited much ang lola niyo. Hanap sa BSBA, hanap sa MA, hanap sa letrang "C", hanap sa pangalang, Corillo, Maryjane G. at poof!!!! Hooraayyy! Tila nagningning ang bulletin board sa aking paningin. Bahagya pang iniurong ang atensyon sa bahagi kung san nakalagay kung anu pang requirements ang kulang ko. Ayos Form137 lang. At umusog pa ng konti. Shet! May NFE pa pala ako last sem, di ko pa kasi napapasa ang hard copy ng Thesis namin. Pero okay lang, ang mahalaga nakatakda ang araw na pinakaaasam ko at ng magulang ko.

Sa room, hanep, muntik na mabuo ang klase. Paano ba naman, tinatamad na din ang iba, kung hindi lang exam e malamang back to normal ang loob ng silid, bakante ang mga upuan at walang nakikinig.

Excited much ang isa't isa, parang isang buwan kaming di nagkita-kita, lagi kaming ganoon. Imbis na makinig sa prof, nagdadaldalan, nagkekwentuhan tungkol sa mga adventures namin sa aming internship.

Bumukas ang pinto at pumasok ang kapitan, si Arvin, Kap ang tawag namin sa kanya. Kasi dati tumakbo xang kapitan sa kanila. Nagulat ang lahat sa suot niyang polo shirt at sabay-sabay namin siyang kniantsawan.

"Hanep! Ayaw mo mag Lacoste! Muntik ng lumaki yang buwaya jan ha"


Paano ba naman, ang laki ng buwaya! kasing laki ng Nokia5210 pag nakahiga!
E syempre mga inosente kami, ngayon lang kami nakakita nun.
Ayaw magpakilalang Lacoste! Akala ko nga ay emit, sadyang tunay pala, nakakatawa... 
Kaka-imba! Hindi kami nakapag-move on sa kakatawa hanggang sa magsimula ang exam

Natapos agad ng mabilis ang exam, sagana sa multiple guess at kunyari ay nagcocompute pa.
Nagkayayaan sa Mcdo para mag-almusal, sarado pa ang mga malls, so wala munang gala at excited na kaming matulog sa kanya-kaya naming tahanan.
Sa Mcdo naikwento ko yung nabasa kong blog ni Istambay, Ang tatlong muka ng kamatayan. Wala lang naishare ko lang naman. hehehe

Nagkayayaan na din mag-uwian.
Si Feng ang pinakamakulit din sa samahan ay bibili daw ng siomai.
Sinamahan ko na siya, gusto ko din kasi ng siomai na all time favorite ko.
Pinipilahan ang mga siomai house doon, meron din silang mga budget meal, ang rice with siomai and unlimited garlic.

Feng: Ate siomai nga po six pieces, take out.
Jhnegpot: Ako din po.
Ate: Miss wala pang bawang, okay lang ba?
Jheng:Sige po okay lang.
Feng: Ay ning alam mo yung sa text? 
Jheng: Anu yon?
Feng: Sabi ang pag-ibig daw parang spagetti, at ang sex yung cheese, pwede mo namang kainin ng wala yung cheese. Parang bonus na lang yon. Diba?
Jheng: Oo nga! Tama!

Sabay napatingin kami sa binabalot na siomai ni ate.

Jheng: Ang pagibig parang siomai, at ang sex yung bawang, pwede mong kainin ng walang bawang!
Feng: Hahahaha.. tama!

Sabay apir!


Bakit napapunta sa pag-ibig at sa sex?
Ewan ko ba kay Feng! hahaha



6 comments:

  1. wow... gagraduate na sya... congrats in advance!!! kung ganon, wag ka na pumasok.. wag mo ng karirin exams nyo kasi sure ka ng ggraduate.. ahahha

    teka, pano ba malalaman ang orig na lacoste sa fake??? pag naka emboss ba ung buwaya, orig??? palaisipan sakin un eh...

    ReplyDelete
  2. mas malaki ang buwaya sa lacoste mas mahal,hehehe
    miss ko na ang siomai

    ReplyDelete
  3. leonrap: sabi niya kasi galing yon ng states, so i presumed tunay yun.

    adang: oo nga e, tara ilibre mo kong siomai! hehe

    ReplyDelete
  4. hahaha miss ko din soimai pero db ang bawang ang nagpapasarap sa siomai

    ReplyDelete
  5. Hoy Bes... CONGRATSSS!!! HAPPINESS AT GRADUate soon ka na..sana man lang nanjan ako.. huhuhuhu kaso wala ako huhuhuhu ang lungkot huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu...

    at bakit napunta ang lacoste sa sex,...hanep

    ReplyDelete
  6. uno: haha! may malaki kang check! haha
    bes: ewan ko din e! hahaha

    ReplyDelete

Say Wuht?