10 January 2011

Someday I'm Gonna Drive My Own Car

Na try mo na ba yung bumyahe ka sa south luzon express way at wala kang inatupag at wala ka namang pwedeng pagkaabalahan kundi titigan, tingnan ang mga saksakyang animo'y mga langgam. paroon at parito. Ang bibilis ng takbo, parang sinusulit nila ang binabayad sa toll gate, lalo na ngayon na mas lumuwag at mas mabilis na ang byahe sa expressway at mas nagmahal ang toll fee. For the past 4 years, halos inaraw-araw ko ang pagba-byahe mula cavite papuntang calamba laguna. Para pumasok, para gumala, para makibirthday, makifiesta at kung anik-anik pa. Naging bahagi na ko ng kasaysayan ng slex sa loob ng apat na taon. Isa na dun yung sobrang traffic na nagmistulang parking lot ang slex noong nag anniversarry ang iglesia ni cristo. Ang daming nabadtrip kasi sana ahead of that day ginawa na syang holiday. Natatandaan ko tuloy yung sabi ng classmate ko "humanda yang mga INC, pag nag anniversary ang katoliko wala ng makakalabas ng bahay" laugh trip na lang.


Hindi ako naboboring sa byahe, hiyang na ko. At bukod dun, nadevelop ko ang kakaibang talent at pagkahilig - napamahal na din ako sa mga sasakyan, specially sa mga kotse, haha anu daw?


Sino ba naman ang hindi gusto magkaroon ng kotse diba? 


Sa araw-araw, kung hindi ako nakakatulog sa byahe, naglilibang ako. Kunyari paparating ang isang kotse, umo-over take sa jeep na sinasakyan ko, sa isip ko hinuhulaan ko ang model tapos pag nakaalpas na yun at nauna na samin at pagtumatama ako napapaindak at napapatalon ako sa tuwa, tipong pinagtitinginan ako ng ibang mga pasahero, pero xempre jowk lang yon. Nakaka-addict na nga, kaya nahilig na ko sa mga kotse. At hanggang sa ojt ko, pinilit kong mapunta sa isang car company. Sa interview sa school, unang tanong ni Sir Chris (officer ng school na naghahanda samin sa ojt) e bakit daw sa top 3 na gusto ko mag ojt puro car company ang pinili ko. Wala akong naisip at nasabi kundi "because i love cars" aguy! kahiya-hiya! pero totoo naman yung sinabi ko. Syempre medyo na curious ang lolo, bakit daw at iilan lang daw ako sa mga babaeng kilala niya na mahilig sa cars. At ayun napakwento na ko about sa kalbaryo ko sa slex. At eto na nga, masaya akong nag-oojt sa Nissan Motor Phils. Inc. Araw-araw kong nakikita ang napakaraming sasakyan, araw-araw din akong nangangarap at sabay nag-aambisyon na din na sana ipa-raffle ang isang xtrail o kaya yung teana tapos ako yung mabubunot! haha! Ang saya ko naman nun!


Naamaze ako kapag nakakakita ako ng mga di pangkaraniwan, i mean yung mga kakaiba, mga talagang magaganda at mahal na kotse. Super fan din ako ng mga vintage car. Balang araw, magkakaganun din ako, at pagnangyari yon bump car na toh! :)

6 comments:

  1. cge, hindi naman msamang mangarap ^^
    ako din someday i'll have one.

    ReplyDelete
  2. hala! ako rin i love cars---simula nung na adik ako sa kalalaro ng Need for Speed Underground2 (lame) hehe...

    p.s. God bless sa ojt mo! ^_^

    ReplyDelete
  3. sana balang araw makabili na rin tayo ng own car natin..:) ako chevrolet lang pangarap ko.. yung red!

    ReplyDelete
  4. bes..lam mo ba daming vintage na kotse dito.. nung una lage ako naaamaze..kainis medjo nasasanay na ako makakita ng kakaibang kotse kung saan saan...

    at gawain ko din tumulala sa kahabaan ng slex papuntang manila.

    ReplyDelete
  5. ang astig naman...
    sana ako din! pangarap ko din yan... mamaya bibili ako ng car! ahaha (mamaya agad eh noh?)

    ReplyDelete
  6. Visit my blog CLICK HERE because I have definitely something for youu!!!!!!!

    Love, Kamila.

    english yun

    ReplyDelete

Say Wuht?