26 January 2011

Usapang Panadero

Hindi ko alam kung anung meron sa araw na to at umikot sa isang bagay ang mundo ko.

Pagkababa ng jeep, pagkalapag ko sa pick-up point ng shuttle sa nipag-oojt-han ko.

Kuya Vince (Empleyado1): Jay! Gusto mong tinapay?

*Wow tinapay daw... tamang-tama di pa ko nag-aalmusal"
Ng biglang inunat niya ang kamay niya na nakaturo sa isang direksyon.
May naaninag akong dilaw na bagay.

kawawang tinapay! actually hindi ayan yung nakita ko, pero ganyan na ganyan!

Hindi pa man ako tuluyang napapatulala sa aking nakita.
Napatawa ako ng bongga, with matching bungisngis pa.

"Naku naman nag-abala pa kayo! Busog pa ko e... maya na"

Kuya Loiue (Empleyado2): Hati talaga kami jan e, tag-isa... Pero makihati ka na din samin.

Isa pa uling tawa.

Kuya Vince: Maya na natin kainin, pinapainit ko pa e.

Hanggang sa dumating na ang bus.

Kua Loiue: Tara na kunin na natin.
Kuya Vince: Maya nga babalikan natin.

Lakas tripang dalawa hanggang makarating sa aming destinasyon.
Napraning na at di makapag move on sa nahulog na tinapay.

Lunchbreak

Joya (ka-ojt1): Teka lang may dala pala akong pagkain.
Jhengpot: Kunin mo na dali! anu ba yan?
Joya: Tinapay! Sandwich!

Pagkatapos kumain, may nakaplastik na tila kahinala-hinala sa aking paningin sa lamesa kung san kami nakain.

Jhengpot: Anu to?
Ara (ka-ojt2): Tinapay! Mamon, iyo na lang!
Jhengpot: Sige akin na lang...Salamat!

Pagkauwi ko

Nagluluto si Ama ng kung anu sa kusina.

Ham!

Pudra: San ka kumuwa ng plastik na ginamit mo kahapon sa baon mo?
Jhengpot: Jan... (Sabay itinuro sa kanya ang pula at dilaw na plastic na pang balot ng sandwich)

Pagdating ko sa sala. May Buns o Burger.

Jhengpot: Para san yan pa?
Pudra: Ipapalaman ko yung ham, oh diba hamburger. Babaunin ko bukas.

At kanina pla bago ako umuwi. Dumaan ako ng Mcdo.

"Burger mcdo nga po, take out!"


Anu bang meron sa tinapay?
Sign ba to na magiging tinapay na ko sa mga susunod na araw?
Shet! Wag naman muna! hahaha

Naalala ko tuloy

Tropa1: Anung tawag dito sa tinapay na to?


Tropa2: Ano... anu nga ba?
Tropa3: Ahh yan? Tol anu pa, may pulang palaman, ehdi PAN DE REGLA!


--------------

Kuya (ko): Hoy Sol maligo ka nga!
Sol: Bakit naman?
Kuya: Amoy tinapay ka na!
Sol: Anu yun?
Kuya: Anu bang tinapay ang kasing amoy ng kili-kili mo?


Ehdi Putok!



12 comments:

  1. namiss kong kumain ng pandesal... haaaaay

    ReplyDelete
  2. lakas din ng trip mo ahahaha.. maligo ka na din atekoy...:)

    ReplyDelete
  3. nyahahaha! joke ba 'yon?! hehe joke lang... haha wala lang natwa lang ako sa tinapay na putok! putok ba talaga tawag dyan?

    ReplyDelete
  4. Ate kringles and jae: if i know adik din kaung dalawa! hehehe

    Uno: Tara manlibre ka ng pandesal! sgot ko ang kape!

    istambay: bakit nangangamoy naba ko? haha

    riza:huhulaan ko mayaman ka... haha, di ka pa nakakakain nun?

    ReplyDelete
  5. hahaha.. usapang tinapay..:)

    nakakagutom..

    ReplyDelete
  6. isama pa natin ang bagong korean drama ngayon
    ang baker king! ang buhay parang tinapay kailangan mo hintayin maluto para mas masarap! hahaha

    ReplyDelete
  7. anong tinapay ang di kinakain ang gitna?
    sagot : donut, kasi butas e, (korni)hehehe

    ReplyDelete

Say Wuht?