25 January 2011

Will it be a beautiful ending? Part 2

Ilang araw na lang at tuluyan ng mamumukadkad ang bata.
Ang araw ng pagdadalaga ay abot kamay na.
Ilang araw lang din ang pagitan nito sa Valentines day.
Apat na araw bago ang pinakahihintay na gabi,
 isang kaibigan ang dumalaw.
Nag-iinquire ng kung ano bang magiging role niya sa birthday celebration ni Enaj.

Pagkalabas ng bahay, tumungo siya sa kanyang kaibigan na nasa bahagyang kadiliman.
May kasama pang isang lalaki.

"Oi Dee! Kaw pala! mustasa? sa bday ko ha, kasama ka sa 18 dance ko. Oh teka sino itech? si Neil ba toh?"
Bahagya niya pang nilapitan ang di mamukaang lalaki.

"Si Jay yan..."

"Ahh okay, kala ko kung sino."

Kilala niya ang lalaki kahit di pa sila nagkakaroon ng formal na pagkakakilanlan.
Dahil nakikita niya din ito sa kanilang lugar.
May organisasyon din ito sa simbahan.
At nagbabanda ito, kung san kilala naman lahat halos ni Enaj ang mga banda sakanila.
Simpleng may pagkarakista naman kasi siya.

"Ui Dee ano sasayawin natin? Kahit anung tugtog... Kakaiba dapat!"

"Totoy bibo!"

"Sige-sige maganda yan, panu steps natin?"

Nag-animo'y bulaklak sa pader si Jay.
Habang si Enaj at Dee naman ay patuloy sa kanilang pag-uusap.
Ng biglang nahulog ang isang bituin mula sa kulay abong kalangitan.
 In short, isa pong shooting star.

"UIIIIIII!!!!!!!!"

Tila nagsabayang bigkas ang dalawang lalaki. 
Nakatalikod si Enaj kaya nanghinayang siya kasi hindi niya ito nakita. 
Super duper fan siya ng mga bituin.
 Kulang na lang dun sya tumambay sa bubong nila para lang lagi-lagi masilayan ang mga ito, kahit mapa-shooting o falling star, o kahit steady lang naman.

"First time ko makakita nun ha!" ani Jay.

"Weh talaga? Try mo one night tambay ka sa bubong niyo, di bababa sa lima makikita mo." sagot ni Enaj

"Ows talaga, ang ganda at ang galing pala nun."

"OO naman noh."

"Nga pala san ka nag-aaral."

"Jan sa Laurel Legacy School sa tapat ng bundok ng Makiling."

"Talaga? May kakilala ako duon e."

"Weh? Sino?"

"Si ano, basta aun."

"ahh hindi ko sya kilala, ui punta ka sa bday ko ha."

"ahh cge, kelan ba?"

"sa 22 pero sa 21 celebration."

"magkalapit lang pala tayo e, sa 26 ako."

"ui kampi ka pala e! Apir."

Hanggang si Dee naman ang na-o.p.



Lumipas ang apat na araw. 
Ang araw ng pagsalubong sa kanyang kaarawan.
Tinext brigade niya ang lahat ng kaibigan, klasmeyt, katropa, kakilala, kamag-anak at ang bagong kaberks na si Jay.


Naging masaya ang kanyang gabi. 
Ayun ang pinakamasayang birthday ng buhay niya.
Kumpleto ang buong pamilya.
 Andyan ang mga kaibigan at tropang nagparty-party hanggang mag-umaga.


Kinabukasan. Ang tunay niyang kaarawan. May nagtext!

"Ui happy birthday. Jay to, pasensya na di ako pumasok, nahiya kasi ako. Pero pumunta ako."

"Ahh ganun ba, wala yon noh! Thank you!"

At dito na nga nagsimula ang kanilang pagiging textmates.
Biruan dito, biruan don. Share dito, share don.
Hanggang sa tinext ni Enaj si Dee ng

"oi magkwento ka naman...kahit ano."

Walang pasubaling nagreply si Jay ng

"alam mo ba crush kita."

*wenkz!

Hindi alam ni Enaj ang isasagot niya. Anong
alam ng isang tulad niyang NBSB at SISA sa mga ganito?
Na windang ang lola mo! Haba ng hair! Ang ganda noh!

"Ganun ba? Alam mo madami akong crush e, pero isa ka ata don!"

Hanep talaga sa banat tong si Enaj. Aminin, kinikilig ang bata!


to be continued...

10 comments:

  1. thanks for following batman.... ganda ng entry...

    ReplyDelete
  2. pa demure kamo... ahahaha....
    lumalandi si sisa! ahahaha...

    ui, bonding nmn tayo minsan.... cheenee, clai at jheng.... libre daw ni kokak.... LOL

    ReplyDelete
  3. ang tweet, ang banat hahaha... kabayan.. kagaling eh.. dugtungan na...

    ReplyDelete
  4. ehem... parang alam ko na ang mga susunod...

    ReplyDelete
  5. kikimax: salamat!
    Chenee: chempre!
    Leonrap:cge go ako jan!!!
    istambay:mas magaling ka idol!
    Kamila: wag excited bes!

    ReplyDelete
  6. kayo mag organize... ahaha.. bigay ko eadd ko, ung nakalagay dun sa part3 ng THE PAST ko... @yahoo.com

    lam mo na dba???
    part 3 pls!!! ahaha

    ReplyDelete
  7. @jhen kahit hindi ako ang tinatanong mo eto ang fb ko... jobo_flores@yahoo.com ...pag di mo ako inadd mapapahiya ako sa blogosphere... sayawin niyo yung lupang hinirang para kyut....hehehehe sundan na agad wag nang paghintayin ang mga mambabasang kagaya ko!

    ReplyDelete

Say Wuht?