01 February 2011

Sa Aking Pag-LINGON

Alas onse na ng gabi, walang tigil ang paghampas ng hangin.
Isang mensahe ang aking natanggap.


"punta ka dito please... sige na ate...please.... naiyak siya, iyak ng iyak... please po ate..."


Mahigit isang kilometro ang layo ng lokasyon na kinalalagyan niya.
Bukod pa dito, nagkalat ang mga tambay,lasing at bakla sa daan na pwedeng kang pagtripan.
Ngunit di ko alintana ang panganib ng kadiliman at gabi.
Patuloy na naglakad at tumungo kung san siya naroon.


Hindi ko maintindihan.
Bakit?Ito ang walang tigil na katanungan sa aking isip.
Habang walang paghinto ang mga katanungan siya ring takbo ng mabilis na oras.
bente minutos ang lumipas.


Bahala na.
Isinuot ang makapal na jacket, at dali-dali akong naglakad kung san siya naroon.
Wala ni anino ng tao ang nadatnan ko sa labas ng bahay, bahay ng kanyang kaibigan.
Sa katabing bahay,isang lalaki ang lumabas at ang tanong niya
"Ate sinong hinahanap mo"
"Ahh san po ang bahay ni Tita Karen?"
"Jan...tumawag ka, anjan sila" sabay turo sa katabing bahay na walang kailaw-ilaw
"May tao pa po ba jan?"
"Meron yan, sino ka ba? maniningil ka ba?"
"Hindi po, may hinahanap lang akong tao"
"Sino?"


"Si Henry ho..."
"Ahh..ikaw yung kapatid niya?"
"Hindi ho... girlfriend niya po"
"AHHH... (malakas niyang sambit) may problema daw kayo ha, andyan siya lasing nag-iiyak dito kanina..."


Lalong lumakas ang pag-aasam kong makita siya, makausap at muling mahawakan...


Isa pang lalaki ang lumabas mula naman sa bahay ni Tita Karen


"Ui Jhay!" tila nagulat
"Si Henry?"
"Tulog na..pasok ka dito"
"Ahh ganun ba, tulog na pala e, sige alis na ko."
"Jhay wait lang...please... iyak siya ng iyak kanina."
"Sige tawagin mo, dito kami mag-usap"


Lumabas siya mula sa madilim na bahay.
Gulo-gulo ang buhok, pagewang-gewang, wala sa wishu.


"Ui... galing ka sa work?"


Pinipilit kong di magsalita, pagkat nawawari ko na kasabay ng pagbuka ng aking bibig ang siyang pagpatak ng aking mga luha.
Lumipas ang limang minuto.
Tahimik. Animoy may bayad ang pag-uusap.
Limang minuto pa ulit.


"Bakit ka nga pala nandito?"


"Hindi mo alam? Kakausapin mo ko diba? Hindi mo ba ko yayakapin?... Di mo ba ko namiss?... Naiyak ka daw kanina, bakit ka naiyak? Tumahan ka na ha, wag ka ng iiyak ha, nandito na ko... Bakit lasing ka? Diba sabi ko magtitira lagi ng pang-uwi? Tigas naman ng ulo mo mahal, tingnan mo nga itsura mo, wala sa hulog. Halika dito aayusin ko yang buhok mo. San ba lababo dito.  Hihilamusan kita... Pagtapos niyan uwi na tayo ha. Na miss na kita ng sobra, ang dami kong ikekwento sayo. Ikaw kamusta ka na? Nga pala... I Love You..." - ang tangi kong nasabi...sa ISIP ko...


"Anong ginagawa mo dito?"
muli niyang sambit...


"Hindi mo alam kung bakit ako nandito? Hai.. sige uwi na ko, maayos ka naman pala dito. Geh alis na ko."


Panandalian, sampung segundo, tinitigan ko siya sa kanyang mga mata...
At siyang lakad ng aking mga paa palayo sa kanya.


Pigilan mo ko...  Please....
muli sa isip ko'y tumaktakbo.


Wag kang lilingon, magugulat ka na lang may hahawak sa braso mo para pigilan ka.
ang pilit ko namang sinasabi sa sarili ko.


Sa kalagitnaan ng isang kilometro.
Lumingon ako.
Wala ni anino at bakas ng kanyang pagkatao.
Muli, sa ikalawang pagkakataon, lumingon ako.


Doon nakita ko ang dalawang tao.
Masayang nagtatawanan at nagkukulitan.
Halos hindi mo mapaghihiwalay ang kanilang mga kamay.
Hindi mo rin mahahadlangan ang kanilang pagtitinginan.
Makikita mo sa mukha ng bawat isa ang malaki at makabuluhang ngiti.
Di alintana ang mga matang mapaghusga at mga taong nagdadaan.
Makikita mo sa akbay ni lalaki kay babae na hindi niya ito hahayaang masaktan o madagit ng mga sasakyan sa daan. Tila mapapatay niya ang siyang mananakit dito.
Sa kabilang banda mahigpit na yakap naman ang sukli ni babae, yakap na nagsisilbing pangakong hindi niya ito iiwan. 
Isang sasakyan ang dumaan at muntik na silang masagasaan.
Sa sobrang bilis nito, nadala silang dalawa at natumba.
Ngunit pinilit tumayo ni lalaki at inakay si babae, at muli silang nagpatuloy sa paglalakad. Gumuhit na muli ang ngiti at masayang nagtatawanan. 
Parang hindi man lang nasaktan sa nagdaan.
Isang sasakyan ulit ang dumaan ng pagewang-gewang at nadagit ang mag-irog.
Hindi naiwasang natumba ang dalawa. 
Ngunit sa pagkakataong ito, pareho na silang sugatan at tila di na makatayo...
Pareho nilang inaasam na matulungan ang isa't isa. 
Pilit na ibinabangon ang mga sarili sa pagkakatumba, ngunit sa lalo nilang pag aasam na makatayo, siya namang malabo. 
Dahil sa mga natamo nilang sugat at pilay, tila imposible ang makatayo.




Sa aking paglingon nakita ko ang sarili ko at ang lalaking pinakamamahal ko.


Sa aking harapan naghihintay ang daan patungo sa aming bahay.
Sa aking puso may nagsasabing "bumalik ka"...
Sa isip ko "ipagpatuloy mo lang ang pasulong mong lakad"
Hindi ko alam kung kelan ako makakabangon, at kelan siya makakatayo.
Hindi ko din alam kung magkikita pa kaming muli at kung sa pagkikita ba namin ay mahahawakan ko ulit ang kanyang kamay at makakasama sa aking paglalakbay.


Maraming tanong.
Maraming sagot sa tanong.
Madaling magdesisyon.
Ang hirap panindigan.




(Ito ang aking blog entry para sa Mapagmahal Award ni Kamila)

16 comments:

  1. napadaan po. suggestion po ni Kamil ang blog mo sakin. Kanina, napadaan ako sa kwentong entry ni ISTAMBAY, naiyak ako at nagulat sa Twist, itong sayo naman, gusto ko nang hugutin ang page sa dulo para makita ang ending. tagos sa puso ko.

    ReplyDelete
  2. awts!! sakit naman.. ramdam ko jheng..lika dito..iinom nalang natin yan, at para ikaw naman ang susuray suray.. at iiyak at tatawag sakanya..

    sabi nga ni kimchiu.. SMILE! tomorrow will be another day..:)

    ReplyDelete
  3. jheng.. check this out,, this is for you

    http://kwentongpalaka.blogspot.com/2011/02/para-sa-lahat-ng-brokenhearted.html

    hope i can help ng konti sa nararamdamn mo..

    ReplyDelete
  4. atekoy, ano mang desisyon at iyong pinanindigan, mananatiling tama pasa sa sarili mo. hindi natin alam ang nasa isip ng ibang tao kahit pa sabihin na sobrang close kayo, katulad mo.. iba ang nais mong sabihin pero iba din ang lumabas sa bibig mo, hindi kaya kung sinabi mo yun eh maging happy ang ending? mangyari pa kaya yun? depende din siguro iyong paninindigan sa iyong desisyon..

    magaling atekoy.. saludo ko sayo.. at teka, taga GMA ka ba? malapit lang hehehe...

    ReplyDelete
  5. salamat kiko and billy!

    Cheenee: ewan ko friend. Pero cge go ako jan...thank you!

    istambay:maraming salamat, masyado na kasing kumplikado ang lahat. Gusto ko maging masaya ako,pero maraming taong masasaktan. yup tga gma ako...

    ReplyDelete
  6. oh may momay! bakt gnyan...huhuhu..nakakalungkot naman...hayssssttt...love...life...yeah just keep going girl...it's part ov growing up... (n_n)

    ReplyDelete
  7. agree ako sa sinabi ni Lhuloy........parte na ng buhay ang ganun..

    ReplyDelete
  8. wow! na stress ako bigla!!! pero galing! ^_^

    ReplyDelete
  9. jhengpot...psssstt isang lingon nga diyan! heheheh nalungkot naman ako sa entry mo...pero natuwa ako sa line na : ''nagkalat ang mga tambay,lasing at bakla sa daan na pwedeng kang pagtripan.'' .. grabe ka naman gurl magagalit ang mga beki niyan nilevel mo sila sa mga tambay at lasing na nagtritrip hahahahaha anyways....highways...seryoso mode...napakaganda nang pagkakasulat mo sa kwento...pak na pak!

    ReplyDelete
  10. true to life ba ito???
    grabe, MMK din.... pwede nadin tong gawing indie film... ahaha...

    pinapatawa lang kita. lam ko kasing sobrang sakit ng feelings mo ngayon. hayy.. di ko din alam ggawin ko if ever mangyari sakin yan...

    ReplyDelete
  11. Hello Poh. .nakakaiyak nman poh toh. peru ganyan talaga ang buhay. kailangan mu lang masanay. maraming magagandang bagay sa mundo, kaya KEEP GOING! Anyway, I stumbled upon an interesting article about Happiness you may want to check -

    Happiness

    ReplyDelete
  12. huhuhu bes. wala akong macomment dahil... alam mo na.. wala na akong masabi... masakit maglakad palayo.. pero mukhang yan na nga ang dapat mo simulan gawin ngayon..

    ReplyDelete
  13. @jheng: kelan inuman ng mga bitteran>??

    ReplyDelete
  14. nagbabasa-basa ako ng entries kay kamila. gusto ko tong sayo. =)

    ReplyDelete

Say Wuht?