24 February 2011

BEERDAY

Ang bilis ng panahon, nung firday parang naglalaro lang ako ng paper doll, nung sabado parang nababadtrip pa ko pag inaasar ako sa crush ko, nung linggo parang dun lang ako unang nainlove, nung lunes parang hinarap ko lahat ng pagsubok ng pagiging teenager, at nung martes... aba! goodbye teenage life na. Welcome to more mature role, hindi po sexy role sa tv o movie. Kundi bente anyos na pala ako. Pero ganun pa din naman ang ugali ko, parang bata di alintana ang larong pangmatanda. But at the age of 20, marami na din akong napagdaanan. Nitong linggo, para akong rebisco dahil ang kapal ng feeling ko. Aba xempre, moment ko toh! Sobrang tumaba ang puso ko sa mga bumuhos na pagbati, napakasaya na minsan sa isang taon e sabay-sabay kang maaalala ng mga taong mahalaga at nakakakilala sayo. 


Bago pa man dumating ang araw na iyon, iniisip ko kung anung gagawin ko. Kung wala lang ba, hahayaan ko lang lumipas ang araw na yon tulad ng pangkaraniwang nagdaraan. Pero naisip ko, anu ba yan! hanggang birthday ba naman eh senti mode pa din? Kaya sabi ko bahala na, di ako mag-eexpect, basta gigising ako. The first thing I did, like what i used too, e nagdasal, nagpasalamat dahil nakaabot ako ng ganitong taon. Nagpapasalamat ako sa eksaktong kakayahan, sa mga taong nanjan, sa mga opportunities, sa gabay, at iba pa. Sumikat ang araw na katulad ng ibang ordinaryong panahon ngunit ang pakiramdam ko ay nag-uumapaw, parang ngumiti si haring araw. NAtutuwa ako sa roses na natanggap ko mula sa kaklase kong si Joya. "Oh ayan, diba gusto mong rose, pinitas kita sa garden namin" sa tuwa ko e niyakap ko siya. PAg-upo sa table, "HAppy birthday to you, happy bithday to you..." napasayang pakinggan ang awiting ito ni Mam Ibette sa akin. Sabay tanong ng "anong plano mo?", at biglang sambit ng walang pasubali "baka pumunta po akong sementeryo". Anong pumasok sa utak ko ay sinasabi ko toh? At nagtaka naman si Mam Ibette na inakalang nagbibiro ako "Anu daw?". "Dadalawin ko po si mama, baka siya pa dumalaw sa kin para batiin ako e" sabay dinaan sa biro at tawa. Isa pang awit ang aking narinig mula kay Ate Belle "Happy Birthday sister, eto gift namin sayo, talagang hinabol ko yan ha". Sobrang tuwa ko nayakap ko siya.

Syempre di ko makakalimutan ang unang bumati, si MAHAL... Na hinantay pa talaga ang madaling araw kahit tampururut ako sa kanya. Si Papa na muntik na makalimutan ang araw ko. Kay Bes Aub na nag-effort pumunta sa bahay kahit hindi ako naghanda.

Maraming salamat sa inyo :)


PAsensya na nga pla at mejo lilow ako ngayon. Busy mode ang lola niyo :)

15 comments:

  1. BAse ako? happy beerday sa iyo..w ahehehe

    ReplyDelete
  2. ganyan talaga... parang kailan lang... ehehehhe.... ngayon nagboblog ka na...

    ReplyDelete
  3. HAPPY Birthday bes...!!!!!! BENTE KA NA! YEHEY!

    ReplyDelete
  4. wooooohhhh!!!! Haberdey!
    happy-happy-happy birthday!
    SAYO ang pagkaen
    KAME ang kakaen...
    happy-happy-happy birthday!
    sana ay mabusog mu kame!!!!
    weeeeehhhhhhh...regalo ko ahhh!! thanx!!! jejejeje

    ReplyDelete
  5. happy birthday! more more b-days to come..

    ReplyDelete
  6. Happy birthday po Miss Jhengpot!

    ReplyDelete
  7. binati na kita sa FB di na ako babati dito.. ahaha... redundant na maxado... :)

    ako din mukang 20 pa lang!!!!
    namiss kita jengpot... tara dito, libre kita ice cream!!!

    ReplyDelete
  8. gusto sana kitang batiin nung nakita ko sa fb na bday mo.. at gusto din kitang itext.. iyon nga lang.. TINAMAD nanaman ako.. sinabi ko nalnag sa hangin..narinig mo ba nun? isa ko sa kumanta sayo nun./.hahah..aniway..happy bdya..see u soon!

    ReplyDelete
  9. salamat ng marami na muli sa inyo!

    ReplyDelete
  10. isang maligayang happy na birthday pa sayo.. ahehehe


    aba, teka.. pa canton ka naman...punta ko GMA mamaya..

    ReplyDelete
  11. talaga punta ka gma? geh text mo ko pagnapadayo ka dito samin :)

    ReplyDelete

Say Wuht?