16 February 2011

Define RNR

Dadating daw si Edgar? Yan ang kumakalat na balita at chismis ngayon sa school. At totoo nga, confirmed! dadating ang parokya ni Edgar sa Feb 25, ang mahal nga lang ng ticket. At sinama pa nila si Moonstar88. Nanginginig na ang mga paa ko, kating-kati na makipagrakrakan at slumman.
RNR na toh. Ano ba ang RNR? Rest n rest? Rica n rowell? Rice n ramen? Anu daw!
RNR- ROCK 'N ROLL


Go ako jan lagi, nakikipagbalyahan pa! One time nakipagsabayan ako sa mga nagsslumman na ang lalaki ng katawan, walang pasubali! tumalsik ang lola mo at sabay tayo go pa din, si boyfren natawa ng natwa sa gilid, niyayaya ko nahihiya daw siya. Ang dami ko ng nakakatawa at nakakatuwang experience tungkol sa rnr. Si kamila? Nako! Ang galing niyang magheadbang, aroud the world back and forth! Nakainom pa yun ha, iyak tawa sa hilo.


Sobrang nahilig ako sa banda, siguro nasa dugo. 15 years old ako nung matuto mag-gitara, out of curiosity, bigla na lang inagkainterasan ang gitara ni kuya. Nagsimula ako sa gitnang page ng songhits, pinag aralan ang fingers 1234 at frets. Hanggang sa nagpaturo kay klasmeyt at mas lalong nagets nung tinuruan ni pudra at kuya. Una kong natugtog ng buo e yung "kung wala ka" ng Hale. Hanggang sa nagkaroon na kami ng banda sa family, complete accesories! Si pudang sa lead guitar, bunso on drums, kuya on keys, other kapatid on vocals at jhengski on bass. At ag tugtugan- Anak mahirap (wala na ata nakakaalam nito), Salamat, Basket Case, etc. First exposure nung nagdebut ako at dun nadiscover, napasali sa isang banda na kasamahan din sa youth. Okay ako daw si Lalai ng Urbabdub kaya Urbandub ang tugtugan at iba pang opm. Napakademanding ng buhay banda,nabubuhay kayo sa practice at sifra. Kaya ngayon umexit ako, mas demanding ang 720 hours na ojt.




Gusto ko na din gumawa ng sariling banda, yung all grils para mas astig. Gusto ko din matuto mag keyboard at syempre ang pinakapangarap ko, ang magviolin. Tinry ko magdrums, ang sakit sa binti! Sa bass naman, durog ang daliri ko sa laki,taba at tigas ng string. Pero enjoy tumugtog lalo na pagnanarerecogniza kaya ng tao. Minsan naglalakad ako sa daan, ng biglang "Lalai idol!" oh diba ang taba sa pakiramdam. Tapos kumikita kayo, which is bonus na lang yon.


Ang ultimate crush ko, musician din. Si Mong Alcaraz ng Sandwich at Chicosci. Pati si Aira Cruz ng nabuwag na Bamboo. Super idol ko ang mga babaeng musikera, una na nga jan si Mylene Academia ng Sandwich. Si Lalai ng Urbandub, Aya ng Imago, si Ashanti, ang General Luna, si Lougee, Barbie Almabis. Sa foreign favorite ko ang Red Hot Chile, Maroon 5, Eagles, Ashanti, Hailey Williams of Paramore and many more. Sobrang dami talaga.

11 comments:

  1. go ka lang ng go habang bata ka pa

    ReplyDelete
  2. have fun habang bata.. more power!

    thirdy ko (girl c thirdy) on drums at bunso on guitar hehe! wala lang share ko lang, proud mom.

    eagles? peborit mo? hehe! bata pa ako nong sikat sila ah..haha! pero in fairness walang kamatayan mga songs nila 'til now.. fan din ako.

    ReplyDelete
  3. HANGGANG PANGARAP NA LANG BA ANG SUNSHOTS BES.

    May pag-special mention pa ako dito, kainis.

    Bes nung tumugtog ang parokya din para sa department namen sa school..shet naglaway at natulala ako..hindi ako makapag-slaman kase naninigas ako sa tuwa Lol.

    At kayo na ang magagaling sa LAHAT!

    ReplyDelete
  4. uno:huhulaan ko nagbabanda ka din noh?

    momi razz:wow naman po, magkakasundo kami ng mga anak niyo :)

    Kamil: oo nga bes e, gang pangarap na lang!

    ReplyDelete
  5. nakuu miss my high school days nung nakakhawak pa ako ng gitara ngayon wala na sandok na lang na gkaya kong hawakan tsk

    ReplyDelete
  6. char support ang batman sa paggawa mo ng banda..w aheheh

    ReplyDelete
  7. pasali na lang sa banda na itatayo mo..:)) heheh..im looking forward to that..

    may naisip na kong pangalan ng banda
    parokya ng bloggers!!:)wala lang..hahaha

    ReplyDelete
  8. pagsabihan mo ako kung may sarili ka ng banda.. nais kong puntahan mo ang blog ko at basahin ang post ko noong december 2009..pamagat ay KANTA KO (REVEAL)..makita din dito..bigyan kita ng mga sinulat kong kanta at nais kong ikaw ang umawit..
    copy paste mo lang ito
    http://arvin95.blogspot.com/2009/12/kanta-ko-reveal.html

    ReplyDelete
  9. ey san darating ang parokya? ikaw pala eh nagbabanda dati.. ako din hahaha... torotot hawak ko.. banda 69.. ahehehe. joke lang...

    pero marunong din ako tumugtog ng gitara, lagi ako niyayaya ng matatanda sa amin tuwing magpapasko at mangangaroling.. abay hindi ko mapahindian eh hahaha...

    :)

    ReplyDelete
  10. naranasan ko na di makipagslaman nung college ako!masaya talaga :))

    magandang umaga jengpot!

    nakibasa at nakifollow :)

    ReplyDelete
  11. jaid: haha ayus yan. sandok!

    batman: support din ako sayo! bandaman ka din e! hehe

    kokak: go tayo kapatid!haha PNB!parokya ng bloggers... nice one! untog kita e!hehe

    arvin:huwow! may future ka sa pagsulat ng kanta...maestro!

    istambay: Tara bumuo ng banda! hehe

    jay:salamat sa pagbisita!

    ReplyDelete

Say Wuht?