05 February 2011

Handa ka na ba?

woooooossshhh...wooooossshhh...wooooooossssssshhhhh.
Hindi po yan si swiper no swiping ng dora the explorer.Ito ang hampas ng hangin mula sa napakataas na bundok.Sa kadiliman ng gabi, tanging buwan ang nagsisilbing ilaw. Halos malayo na rin ang narating ng lalaki mula sa ibaba ng bundok, ilang metro na lang ang bubunuin upang marating ang tuktok na matagal niyang inasam abutin. Tama kayo, isa siyang mountain climber. Ang bundok na ito ang isa sa mga pangarap niyang abutin. Tanging tali ang nagsisilbing seguridad niya sakaling humampas ang malakas na malakas na hangin at  makibataw siya sa mga malalaking tipak ng bato. Ayan na... Sobrang lapit na, ng biglang umihip ang higanteng hangin at tuluyang nakabitaw sa mahigpit niyang kapit. Mula sa  tuktok siya ay bumulusok pababa ng bundok, parang eroplano na magka-krash. Ngunit bago pa tuluyang sumalpak sa lupa, hindi siya binigo ng taling nakapalibot sa kanyang bewang. Walang makita kundi dilim. Hindi niya alam kung gano kalalim ang nasa ibaba niya.

Isang pangalan ang kanyang tinawag at humiling.

"Diyos ko iligtas mo po ako."

Isang tinig ang nagmula sa di malamang lugar.

"Putulin mo ang tali."

Sa takot ng lalaki na mahulog at tuluyang madedo. Hinayaan niya ang kanyang sarili na nakasabit, umaasang may darating na tulong.

Kinaumagahan isang balita ang agad na kumalat sa bayan.

"Isang mountain climber ang natagpuang patay sa bundok, nakabitin, dalawang dangkal ang layo mula sa lupa."


Handa ka bang putulin ang taling nagdudugtong sayo sa bagay na pinakakaasam mo ngunit nagdudulot ng hirap at sakit? Nakahanda ka bang magtiwala sa KANYA? 



(nabasa ko lang sa bulletin board ng school 1 year ago)

14 comments:

  1. i knew this story since 1997 pa... and tumatak ito sa isipan ko... "Don't lean on your own understanding but only to God Himself :)"
    salamat sa pagshare ng post na ito :)

    ReplyDelete
  2. I trust Him more than anything in this world
    amazing story...

    ReplyDelete
  3. handa na akong putulin ang tali at magtiwala sa KANYA. this is a wake up call. thanks.

    ReplyDelete
  4. we really have to trust HIM above all things, when we pray we pray with faith... thanks!

    ReplyDelete
  5. nakahanda ako magtiwala sa kanya..maganda ang post na ito.

    ReplyDelete
  6. i heard that stiry before... nice blog post ganda

    ReplyDelete
  7. ganda ng story.. may malalim na kahulugan.. dahil sa dilim ng paligid, mas pinaniwalaan nya ang sarili nya. may boses syang narinig pero and i think hindi nya alam kung san nanggaling un.. kung nagtiwala lang sya.. hindi mangyayari ang ganyan...

    magling po.. apir

    ReplyDelete
  8. Hanglalim ng kahulugan...and haylabet!!! I am expired este inspired.

    ReplyDelete
  9. oh may momay! nakwento samen toh' nung Catechist nmen nung highskul...dpat tlga tayong manalig Skanya...nice one! ^^,

    ReplyDelete
  10. nice story..minsan talaga kailangan lang nating magtiwala sa Kanya..He knows everything more than us.

    ReplyDelete
  11. Bes may mga nanalo na.. tingnan mo na lang sa blog ko..at binigyan kitang award..tingin bilis

    DITO DITO

    ReplyDelete

Say Wuht?