10 February 2011

Sharing

"Kapag masaya ka i-share mo sa iba ang happiness na nararamdaman mo, tell them your story, cause when you do, namumultiply ang happiness as you share it with others. When you're sad, ishare mo din, para ma-divide naman ang sadness o pain na nararamdaman mo..."
Madaling araw na nuon, puyatan para sa easter vigil. Pero hindi ko makakalimutan ang sinabing ito ni Brother Tito, ang isa sa spiritual advicer ng Franciscan Youth Movement.

Sharing is a way of life. Sa sharing mo natututo ang bawat isa. Sa sharing mo, natututo kang magtiwala sa ibang tao maliban sa sarili mo at kay Big Bro. Hindi to nawawala sa araw-araw kong buhay, open kasi akong tao, hindi ako mahilig magtago ng sikreto at nararamdaman. Ayuko ipunin at malunod sa inipon kong yun. Nakakagaan ng loob kapag nilalabas mo yung nararamdaman mo. Bukod sa advices na binibigay nila sayo at pag-intindi sa nararamdaman mo, sharing itself gives you a relief feeling.

Sa FYM o Franciscan Youth Movement, isa sa mga foundation ng grupo ang pagbabahagian. You can share anything, kung may tumimo sayo sa mga pagbasa sa bibliya, o kamusta kana, o kaya kung may kwento kang nakaka-inspire, broken ka man, nais mo ibahagi ang mga tagumpay mo sabuhay, mga natutunan mo, nangyari sayo sa school, sa trabaho o sa bahay. Anything will be accepted and everyone will listen, without side comments, ikaw ang bida sa moment na yon. At the end of your sharing, papalakpakan ka nila, hindi lang dahil sa kinuwento mo na napakaganda o nakakaiyak, kundi dahil sa pagtitiwala mo. Well, hindi lang naman talaga sila ang kausap mo, kundi si God na nasa harapan niyo.

But before that, may bible reading, prayers, and taizei prayers(mga dasal na paulit-ulit na kinakanta sa saliw ng acoustic). At kapag napuspos ka ng ispirito santo, ang palatandaan na ready ka magbahagi e kakabahan ka sa di mo malamang dahilan. Someone will break the silence "Kapatid, 9:32 ng gabi, hindi mo na maibabalik ang araw na ito, mamaaring bukas andito ulit tayo, pero hindi mo na maibabalik ang pag-aalab na nararamdaman ng puso mo ngayon, the floor is yours, handa kami pakinggan ka at isuko mo ang lahat sa kanya."

Lagi akong nagshe-share sa kanila, kasi after nun kakaiba yung pakiramdam,parang na re-charge ka. Tapos nakakatuwa pa minsan na after ng pagbabahaginan niyo e may mga lalapit sayo. "Pareho tayo" "Kaya mo yan" "Na-inspire ako sa sinabi mo" "Peace be with you kapatid." Nakakagaan ng loob. When someone shares a little piece of his/her life to me, dun ko nasusukat ang pagtitiwala niya at pagsisimula ng aming pagkakaibigan.

Ma-SHARE lang :)

11 comments:

  1. tama ka dapat i-share natin happiness natin sa iba, kaya ako nand2 eh, hehe! yong tungkol naman s sadness, nkakagaan talaga sa pakiramdam pag nai
    seshare din natin, again kaya din ako nand2.. hehe! gud day sau..

    ReplyDelete
  2. char.. so ano isheshare mo sa akin ngayon? wahehhe

    ReplyDelete
  3. mabuti ang ganyan po.. pero may mga bagay na dapat talaga natin itago.. katulad din ng ibang group, meron din sa amin nyan. same as yours, ganyan din.. ok naman sila.. maganda ang samahan, nga lang hindi pa din masasabi ang taong nakapaligid sa atin.. ang isang maganda, nailalabas mo ang kung anong nararamdaman mo sa pamamagitan nila. at dun nga nagtitiwala ka na.. maganda yan, nakapagshare ka, gagaan talaga ang pakiramdam mo.. makakakita ka ng kaagapay.. kasama..

    samahan pa din natin ng pagiingats.. hindi sa lahat ng pagkakataon, mapagkakatiwalaan ang samahan.. :)

    ReplyDelete
  4. depende kong ano idadaldal ko, halimbawa sa mga suggestions and opinions ko madaldal ako dyan..pero sa personal kong buhay, hindi lalo na sa lablyp..hehehe..pero ngayon nandito na ako s world blogging, magse-share na ako..ngorks!

    ReplyDelete
  5. sharing is the best thing to do to know yourself and others. masayang magshare lalo na kung may nakikinig sayo...

    ReplyDelete
  6. nyahahaha.. tumatak nga din sa isip ko bes yang mga kataga mo na yan... hindi ka pa kase nagbblog dati nung shinare ko din yan... hay gutom na ako bes. at may araw na di pa ko tulog.

    ReplyDelete
  7. tuhma..we shud all lern how to share our emotions to everyone....(^^,)

    @ kamila - gutom kana? tara letz lafangz! jeje

    ReplyDelete
  8. tama tama!!!!...
    naalala ko ung comment mo dati sakin about sharing din.. ahaha... open forum ang ginamit kong term dba?...

    maganda yan...
    sige, sa feb 19, magshare ka samin ng stories ah.. ung fairy tales! ahaha

    ReplyDelete
  9. mommyrazz:welcome sa blogging word :)

    kikomaxx:isheshare ko sayo? uhmmm.. secret walang clue... hahaha... char!

    istambay: tama ka din jan kuyakoy :) salmas

    akoni: sige sakin mo ishare ang lablyf mo, ibuhos na yan nikos! hehe

    kyle: xang tunay!

    kamila: namimiss ko na ang kentuhan at sharing to the max natin bes, kahit nasa kanto lang tayo, nakatambay sa tindahan..haha

    luloy:tara kumain teh! hehe

    Leonrap: mukang negative ako sa 19..awoo

    ReplyDelete
  10. negative ka jan... ano ba yan.. kaw nga highlights dun eh. ahahaha.... punta ka...

    ReplyDelete

Say Wuht?