27 February 2011

Unang pagkakataon

Sa unang pagkakataon nasabi ko sa harap ng madla kung gaano kabait at kabuting tao si Myra.
Hindi matila ang pag-agos ng aking luha at galak sa aking puso.
Bumalik lahat sa aking ala-ala ang masasaya at maganda naming pinagsamahan.
Mga simpleng bagay at kababawang pinag-ukulan ng ytampuhan at kaunting away.
Mga halakhakan at kulitan na di ko makakalimutan.
Hanggang ngayon napakaganda pa rin niya suot ang paborito niyang damit.
Hindi ko man makita ang kislap ng kanyang mata at ngiti na siyang lalong nagpapa-aliwalas ng kanyang muka.
Batid ko naman na masaya siya.
Sa araw na ito din ang unang pagkakataon nabibigyan ko siya ng bulaklak.
Ngunit hindi niya na ito matatanggap gamit ang dalawa niyang kamay at pasasalamat.
Mahirap tanggapin na sa unang pagkakataong bibigyan ko siya ng rosas ay ihahagis ko ito para iabot sa kanya. Kasabay ng kanyang libing. Kasabay ng kanyang paglisan.

.............

Huwag nating hintayin pa na mahuli ang lahat bago natin gawin ang mga bagay na dapat sa unang pagkakataon ay di na natin pinalagpas. Mahaba pa ang oras. May 24 hours ka pa, 7 days, 4 weeks para iparamdam sa taong minamahal mo ang lahat. At ayun ay kung hindi pa talga huli ang lahat.

15 comments:

  1. nice naman... tama.. huwag palampasin ang mga bagay na dapat mo ng ginawa....

    ReplyDelete
  2. :)

    meron din akong ganitong post. maikli ngunit makabuluhan. happy monday!

    ReplyDelete
  3. hayysssttt...naalala ko tuloy si Sarah...

    ermmmm... :(

    ReplyDelete
  4. uno: talaga naman. ang weird ko noh

    musingan: go kuya, salamat sa pag-appreciate

    rainbow: pwede ko ba makita yung iyo?

    lhuloy: sino si sarah?

    ReplyDelete
  5. jengpot... miss na kita..... ahahaha
    ano daw?... busy ba maxado?....

    ReplyDelete
  6. tama, dapat ipadama sa mahal sa buhay na mahal natin sila lagi, para kong sakaling may mag paalam hnd ka magsisisi.. sad naman 'to.. hehe

    ReplyDelete
  7. napatanong din ako kung sino si sarah... lol bes....

    ReplyDelete
  8. ay dapat ulit-ulitin kong basahin to... kasi wee i always pass opportunities...

    ReplyDelete
  9. nasa hulihan lagi ang pagsisisi.. at simula ng panibagong hamon ng buhay.... enjoy life

    ReplyDelete
  10. leonrap: yepyep! define busy? mj..haha

    momi razz: tama ka jan momi! may pagmomi? haha

    Kamila:eh cnu ba si sarah? haha

    kikomas: ikaw tlga, naging si batman ka lang nipapalagpas muna ang oppotunities..

    istambay: apir kuyakoy!

    jed:natawa naman ako sa sinabi mo...end of the world ba ito? haha

    ReplyDelete
  11. nalungkot ako bigla sa post mo. Nakasad ang kwento mo. Pero tama yung pahabol mo.

    ReplyDelete
  12. tama. wag na nating palipasin ang pagkakataon dahil nasa huli ang regrets...

    ReplyDelete
  13. redlan: ako din sad...

    kyle: no regrets dapat.apir!

    ReplyDelete

Say Wuht?