21 March 2011

BYAHERA

Napasarap na naman ang bonding ko sa kama, napaextend pa ko sa tulog at ayun tinanghali na ng bangon. Paniguradong late ang almusal, kahihiyan ang kabusugan.
Pagsakay sa jeep, medyo alangan ako. Mukang aabot pa ko sa shuttle, medyo mabilis mapuno ang jeep.
Dalawang minuto na ang lumipas, tatlo, apat, lima. Puno na ang jeep, bakit parang nasiraan ata ng makina ang sinasakyan ko at tila di makaalpas. Isang pasahero ang nag-init sa kanyang pagkakaupo.
“Manong dispatcher ano ba yan, malelate na  kami.”
Aba saglit lang ho at binibilang pa ang pera. Alam niyo na maaga ang pasok niyo bakit di kayo pumasok ng mas maaga para di kami ang sinisisi niyo. Bakit di sarili niyo disiplinahin niyo”
Kung sa bagay. May pogi points si manong dispatcher dun.
Dumating ang piloto ng aming sinasakyan. Si manong driver.
“Anung kaguluhan yan?”
“Pano itong pasahero mo malelate na daw”
“Alam niyo ho kasi, alam niyo naman na may patakaran din ho kami dito. Punuan ho ito, at bago umalis sinisigurado lahat nasuklian na, tama ang mga bayad, sakto ang mga pasahero.”
Isang pasahero din ang nagsilab sa kanyang trono.
“Manong konsiderasyon lang naman ho ang hinihingi ng tao, sana maintindihan niyo. Alam naman ho nating rush hour pag ganitong mga alas sais ng umaga, madali naman mapuno ang jeep. Sana bilisan ho ang kilos,  hindi naman ho kayo ang napeperwisyo”
May ganda points din si Manang dun ha. At teka lang may umepal pa sa tabi ko.
“Ang aga-aga ang ingay-ingay niyo. Ayuko ng maingay, bumaba ang mga maingay”
Yes! Ang taray mo teh! Ang ganda ha, may pagpapansin pang nalalaman. Dahil jan minus ten ka sa card.

Sinong tama at sinong mali? Wala naman ako sa posisyon nila para sabihin kung sino talaga.  Tama si Manong, disiplina sa sarili. Tama din naman si Manang, konsiderasyon sa bawat isa. Basta ang alam kong mali sakanila si Ateng nagmamaganda, may pagsabat pa. Imbyerna akes!  At higit sa lahat haba-habaan natin ang ating mga pasensya, hindi naman nauubos ang pisi, kung minsan e napuputol lang. Kaya panatilihing matibay ang lubid ng sa gayon iwas gulo at badtrip :) Ingat sa byahe!

11 comments:

  1. hahahaha. dun ako sa sa ang aga aga ang ingay ingay. hahaha. siya ang tama. hehe. chillax lang dapat. ^_^.para walang away. kung lahat ay sasabihin ng maayos eh walang gulo ^_^

    ReplyDelete
  2. wow..nice conversation sa jeep bes.. hahaha bakit di ka nakisabat din para happy together naman ang debate niyo.. at scheduled post ba itich? bakit di kita makita sa fb?

    ReplyDelete
  3. gusto ko ung sinabi ng pangatlo... kung ako un, sisigawan ko din ung nagmamadali kasi dapat nga inagahaan nya.... at ung nagsabi ng konsiderasyon lang kelangan, naku!!!! magsama sila nung reklamador... bkit di nila pagkasyahin sarili nila sa naunang jeep edi sana nakaalis na sila... ahahaha....

    basta kampi ako kay manong at dun sa nagsabi ng maingay sila!!!! ahahaha

    ReplyDelete
  4. parehong tama ang lahat... dahil pareho lang silang nagtatrabaho... ang sa akin lang... dapat... magsimula tayo sa a ating sarili... kung alanganin na ang alas sais... dapat alas singko nasa biyahe na tayo.. alam na natin ang ating sked.. huwag na nating iasa pa sa iba at isisi sa iba..

    konting konsiderasyon lang.... tama naman ang ale... dapat din maging mabilis din tayo kumilos... kaso sa bibig na niya mismo nangaling... bilis bilisan ng konti... sana eh binilisan na rin nila ang pagsakay... yung tipong hindi ka mahuhuli...

    nasa commonwealth ako nakatira pero sa Makati ako nagtatrabaho... pero di ako nahuhuli... kasi 10am ang pasok ko... 7:30 am pa lang nasa biyahe na ako... alam ko kasing maari akong matrapik.. masiraan nang sasakyan or walang masakyan...

    anyway... salahat ng sinabi mo... gusto ko ang sinabi ng huli... hmmmp... ayaw ko rin kasi ng maingay... bleh....

    ReplyDelete
  5. hahaha.. epal nga si ate. ala naman sense ang sinabi.. haha..aniway kapatid di ako makareply sa mg atext mo sa kadahilanang wala akong load..hehehe:)) pero sige sa grad o.. i'll be there..

    ReplyDelete
  6. ay loko yun ahhh!!!! hanep..khit na tama sya sana'y isipin din nya yung iba, binibilang lng naman nya yung pira ih...bat di n lng sya magmulti-tasking...habng ngppaandar ngbbilang ng pira...jejeje..pro delikado naman yon...haystt....nalalate dn ksi ako ih,kaya ganito sagot ko...jejeje...

    ReplyDelete
  7. kung nandun ako sa jeep
    patay-malisya lang ako...tahimik lang
    nakikinig...
    ayoko kaya ng gulo...
    wag lng nila ako aawayin...aawayin ko din sila
    hahaha

    ReplyDelete
  8. tama si Manong dispatcher...haste makes waste di kasi kaya ingats...at higit sa lahat wag pikunin ang driver :)

    ReplyDelete
  9. Para maiba - tama si manang...dahil responsibilidad un ni manong na makaabot sa tamang oras ang mga pasahero niya at dapat mabilis kumilos dahil responsibilidad din niya un.. hindi pweding sabihan ni manong na dapat maaga sila umalis kung ayaw nilang maleyt, kasi hindi niya kilala si manang kaya hindi niya alam kung bakit siya hindi maaga sa araw na un...LOL..

    ReplyDelete
  10. lahat yata tama.. don ako nainis sa nagsabing "ang aga-aga ang ingay-ingay niyo. Ayuko ng maingay, bumaba ang mga maingay" bumili kaya siya ng sarili niyang sasakyan para wala siyang marinig na ingay diba..

    ReplyDelete
  11. sa mga nag iwan ng komento... dahil jan may points kayung lahat! hehe... iginagalang ko ang inyong opinyon... tama tayong lahat sa paningin ko :)

    ReplyDelete

Say Wuht?