09 March 2011

A Great Way to Start



Nanggaling tayo sa abo at babalik din tayo sa abo. Di na bago sa pandinig diba. Pero bakit ba ipinagdidiwang ang ash wednesday? Bakit kailangan magpalagay ng tanda ng krus sa noo sa pamamagitan ng abo? Gagaling ka ba sa sakit? Bubuti ang pakiramdam? Matatanggal ang stress? Magiging powerful? Gaganda o gagwapo ka ba? 


Napakaganda ng naging homily ni Father.


Ash wednesday marks the beginning of the Lent. It lasts for 40 days until the Easter Sunday.


At bakit kailangan may pakrus-krus pang nalalaman?


For two reasons:


1. It's a REMINDER/ Isang PAALALA sa bawat kristiyano


Isang paalala sa atin na tayong mga tao ay nanggaling sa abo at babalik sa abo. Isang paalala na tulad ng abo, tayong mga tao ay marupok. Hindi naman natin kayang iligtas ang mga sarili natin. That's why Jesus Christ died on the cross to pay the price. Mahina tayo, makasalanan, kung san isa itong palatandaan na kailangan natin SIYA. Isang paalala na hinango tayo sa abo upang maging tao at babalik din tayo sa abo di kalaunan. Kahit pa ganu kaactive ang life style mo o ganu ka katamad, o kung anu pa man. Lahat tayo nakatakdang mamatay at magiging abo. Isa yung paalala na meron tayong misyon sa buhay habang tayo ay buhay.


2. It serves as a CHALLENGE/ Isang HAMON


Isang paghamon sa tatlong bagay:


Una, ang MANG-LIMOS o MAG KAWANG GAWA. Giving without expecting something in return. Magbigay ng limos sa mahihirap, kasi sila hindi ka nila kayang bawian sa ginawa mo. Malay mo God will do the honor para ibalik ang pagpapala sayo.It's a challenge to make a difference by doing good things to others.


Pangalawa, MANALAGIN. Without prayer, we are powerless. Prayer is establishing a relationship with God. Pagsambit ng panalangin para magpuri, magpasalamat, humingi ng tawad, humingi ng gabay at pagpapala. 


Pangatlo, MAG-AYUNO. It means SELF-DENIAL. A challenge to deny sin, deny something too much. Kung dati ang yaman mo sa pagmumura, pwede ngayon iwasan mo. Kung dati tatlong beses ka nanuod ng sine kada linggo at gumagastos ka ng 390php. Bakit hindi ngayon isang beses na lang muna, para 130php lang magagastos mo. Yung remainig 260 pwede mo ibigay sa nangangailangan, KAWANG-GAWA. At yung time na igugugol mo sa panunuod ng sine, ilaan mo para MANALANGIN.


It's a great way to start the Lent season with these lessons to guide each day. And I'm looking forward to end it with 4 days retreat at Easter Youth Celebration. Traditon ko na to for 5 years. Pero hindi ibig sabihin nun napakabanal ko nuh. Marupok ako, makasalanan kaya close ako sa KANYA. Sino gusto sumama? hehe.. Be blessed, feel blessed. Godspeed! 

9 comments:

  1. hala..di ako nkapg-palagay nung cross sign s noo...ermm

    ReplyDelete
  2. thanks for reminding people about this special celebration....may god bless you jheng and I hope that you will find yourself sa retreat na aatendan mo,

    :)

    ReplyDelete
  3. hindi ko alam bes kung para san ash wednesday bukod sa una mong nabanggit niyayayahahaha sabi ko na eh dapat nag-madre ka na lang lol.. hahahaha pero ngayon naliwanagan na ako.

    ReplyDelete
  4. diko maippromise na hindi ako gagastos ng malaki.. hehehe... hindi ko din maippromise na mababawasan ko na pagmumura ko... but what i'll do is, ita-try ko... hehehe... ^^

    ReplyDelete
  5. ako naman eh tipid na talaga.. hahaha sobra nga eh...

    Maganda ang post mo atekoy.. sana mabasa ng karamihan ito... :)

    ReplyDelete
  6. hahay. nag mass ako kahapon. and i've prayed na sana mapigilan ko na at mabawasan na rin ang pagiging bully. pero right after the fast, parang di umepek yung ash sa noo ko. naging bully na naman ako. hahay

    ReplyDelete
  7. lhuloy: sana ikaw na lng naglagay..hehe

    Aurelius: Thanks bro, Im hoping too. :)

    kamila: di na pwede bes..lam mu na..hehe

    rap: sabi nga magbigay sa mahihirap, magbigay ka sakin! hahaha

    istambay: kuripot na ang tawag jan! hehehe

    ester: ikaw bully?oh common?

    ReplyDelete
  8. god bless Maryjane Garalza Corillo :)

    ReplyDelete

Say Wuht?