07 March 2011

ika limampu't anim, ika una

*ini-schedule post ko to sa eksaktong kaarawan ng mama ko, ginawa ko siya nung nagkatime ako makagawa ng blogpost. Kaso lang ewan ko kung bakit di xa napost. haist. so eto sana yung ipopost ko nung March 5,2011.


Hindi ko alam kung panu ko uumpisahan ang sasabihin ko. Pero sa totoo, ang dami kong gustong sabihin. Malalim ang emosyon na kay bilis hugutin sa tuwing maalala ko ang aking INA. Iniisip ko nasa acceptance na ko, pero tuwing naaalala ko kung paano niya kami iniwan, gusto ko paulit-ulit na i-deny sa sarili ko.

NAPAKAHIRAP MAWALAN NG MAMA.

Ngayon ang ika-56 niyang kaarawan at pinakaunang kaarawan niya na di ko siya mayayakap para batiin ng maligayang kaarawan. 

Napakahirap gumising sa umaga na alam mong hindi na siya ang manggigising sayo, maghahanda ng pagkain mo at mag-aabot ng baon mo. Ang hirap umuwi ng bahay ng alam mong wala kang madadatnan ni anino niya, na alam mong walang maghahanap at magtetext sayong "asan ka na? umuwi ka na, gabi na". Ang hirap manuod ng mga palabas sa TV na tungkol sa mga nanay, na tungkol sa mga namatayan ng mahal sa buhay. Ang hirap mapag-isa at walang makausap dahil siya ang unang papasok sa isip mo at ang araw ng pagkawala niya.Ang hirap magkasakit, kasi wala na yung kamay na hahagod sa masakit na parte ng katawan mo kasama ang dasal ng gumaling ka. Kulang lahat ng saya, ng wala siya. Ang pinaka mahalagang tao sayo, ang dahilan ng pagsisikap mo at nagbibigay inspirasyon sayo para magpatuloy ka sa buhay. 

Parang isang bangungot na maalala ang araw ng pagkawala niya. Paulit-ulit akong nabalik sa araw na iyon at eksaktong mararamdaman ang naramdaman ko nuon.
Ang laki ng pinagbago ng buhay ko, ng mga kapatid ko at tatay ko. Ngayon nakikitira kami sa bahay na hindi ko matatawag na "home". Sa bahay na parang di ka naman welcome. May sarili naman kaming bahay, gustong-gusto ko ng umuwi dun kahit na alam kong hindi pa namin kaya. Si Bunso sa tita ko nakatira, si Papa pinipili na lang matulog mag-isa sa sala. Habang ako at isa pang kapatid e laging nagtatakutan sa kwarto. 
Parang ayuko ng pahabain toh... Baka ikwento ko na naman ang araw na iniwan kami ni Mama at maiyak. 


I miss you so much MAMA...

18 comments:

  1. government official ba mama moh?... bakit may flag at naka half mass ang flag?...

    nakakamiss noh... tulad nga din nung comment ko dun sa isang link mo dito, masaya na mama mo ngayon. alam nya din siguro kalagayan nyo ngayon. be strong lang lagi. anjan lang sya... wag ka na malungkot jengpot...

    ReplyDelete
  2. i lost my mom too, 2 years ago. and i still refuse to accept although every vein in me tells me to do so.

    mahirap mawalan ng ina. nawawalan ng buhay ang bahay. i feel you. happy 56th to her. God bless.

    ReplyDelete
  3. ermmmm...smen nman s papa...well parang mjo nttangap ko n wula n sya...pro my time n naiiyak ako dhl my mga achivment akong gusto kong i-share sknya....i rili feel for you... :(

    ReplyDelete
  4. nakakalungkot naman kwento mo jhengpot.. kaya mo yan.. god bless you..

    ReplyDelete
  5. nakakaiyak naman jheng... but its nice....:)

    ReplyDelete
  6. i hate you! jheng...

    bkit... losing someone who really dear to you...

    is my greatest fear... im afraid to lose mom...

    naiiyak ako... kasi natatakot talaga...

    ReplyDelete
  7. awww.. at least nakasama mo pa sya jhen diba.. marami kang memories na babalikan with her.. she's in a better place now, and she's always watching over you.. Godbles you dear.. smile na.. :)

    ReplyDelete
  8. basta nandito lang kame bes.. kahit hindi ako physically present ngayon.. nandito pa rin ako.. babalik ako at tatagay tayo ng isang araw kang makalimot (mabuting kaibigan...lol) hahahahaha.. hay.. bes... love you!!!

    ReplyDelete
  9. hayssss
    how sad naman...
    be strong lng jheng...

    good morning at ingat lage!

    ReplyDelete
  10. I feel so sad for you but everything happens for a reason, Jhengpot. For sure, this tragedy will make you stronger. Trust our Lord....

    ReplyDelete
  11. uhm happy bday sa mama mo. dapat maging masaya kasi sa tingin ko masaya na mama mo. cheer up. ^_^

    ReplyDelete
  12. leonrap: Yup, former city councilor.Thank you rap, fan talaga kita..hahaha.char

    cheenee: wag kna magsalita, masakit tlga yan pag naka-braces.

    rainbow: talaga? Siguro magkatropa na mga mudra natin sa heaven. :)

    lhuloy: mahirap din pag papa. basta mahirap pagnawalan ng mahal sa buhay.

    momi razz: syempre po kakayanin ko para na rin sakanya..

    jedpogi: salamat kuya

    ReplyDelete
  13. uno: i hat myself too. sino bang hindi takot na mawalan.

    kringles: tama ka ate kring, thankful pa din ako.

    bes: oo alam ko bes. ikaw ang nagtyagang samahan kami sa bahay sa loob ng isang linggo. mula burol hanggang nilibing si mama. Hanggang sa kami-kami na lang sa bahay. Kahit wala ako sa bahay, andun ka pa din. naks taga san jose na sya.hehe

    jay: salamat. i will be.

    MS: Hindi ko man alam sa ngayon kung ano yung reason na yun. Still nagpapakatatag po ako.

    kikilabotz: sana nga masaya siya. bakit kasi nalulungkot siya dahil malungkot kami. lam mu naman mga nanay, so muych affected.

    ReplyDelete
  14. yakapin nga kita..

    wala ako masabi eh.. basta payakap na lang.. :)

    ReplyDelete
  15. akoni: thank you kapatid. kupkupin niyo na ko ni momi razz.

    istambay: salamat kuyakoy :)

    ReplyDelete

Say Wuht?