23 March 2011

JAIL INN


Kagabi habang nakahimlay sa kama at nakikinig sa radio station ng mga tambay, aliw na aliw ako sa naging balitaktakan ni Dj Chacha Muamua Chupchup sa isang di niya malilimutang caller na siyang natatanging bumati sa kanya ng “good evening”. Actually nireplay nila ang mga di malilimutang caller na may di matawarang kwento.

Itago natin si Ateng caller sa pangalang Amaya.
Si ate Amaya ay hiwalay sa asawa, may isang anak at ngayon ay may jowang nakahimpil sa Calamba City Jail. Ang joray ni Ateng!
Childwood sweetheart sila ni Kuyang nakakulong na itago natin sa namesung na Machete.
Murder ang kaso ni Machete, nakabaril dahil sa init ng ulo at di napigilang galit na emosyon.
Nakakulong na si Machete ng maging sila ni Amaya. Through text at calls ang naging paraan para maging konektado sa isa't isa.
Sabi nila bawal daw ang phone sa kulungan, akalain mo yun at nagagawa nilang ilihim na meron silang cellphone sa loob!
At medyo naintriga si Dj Chacha Muamua Chupchup. Mega ever tanung siya kung totoo ba na meron daw kaganapang "Sexy Moments" sa loob ng kulungan? Si ateng na walang pasubaling sumagot na mega excited much pang "OO, meron talaga"
At dun na nga umikot ang usapan.

Bakit nga ba naintriga si Dj Chacha Muamua Chupchup (paulit-ulit?)
Meron daw siyang pinsan na nakakulong dati, at nagulat na lang sila na habang nasa kulungan si lalaking kamag anak niya e nabuntis ang jowawers nito. Anu yun hocus focus?
Kinonfirm na nga ni Amaya na meron daw talagang ganung moment at factor ek-ek sa kulungan.
Mga 150php ang mahiwagang kwarto, wa pakels ang madla kung anung gagawin niyo.
Wow! Taray ha! Jail Inn ba ito?
Akalain mo yun! Ang malupit pa eh bawal daw yun!
Sabi nga ni Dj Chacha Muamua Chupchup "Ang kati-kati talaga, makapag-toot lang e gagawa ng paraan kahit nakakulong pa."
Talaga naman! Walng bakal na rehas sa sabik na magkasintahan at tawag ng pangangailangan.

Pero bakit nga ba napatawag si Ateng? Kasi masyado daw seloso si Machete.
Aba syempre, punong-puno ng insecurities si Kuya dahil nasa loob siya, malay niya ba kung anung kaganapan at eksena ni Ate sa labas.
Ganun pa man humanga ako kay Ate. Hindi daw niya kinakahiya si Kuya, at kahit murder ang kaso alam niya daw na mabait yun.
Kahit di daw matanggap ng pamilya niya, ipaglalaban niya kasi bakit mu nga naman ikakahiya e mahal mo... Yun un e!
True love! aguy!

11 comments:

  1. sweet love story.. "oh pag-ibig hahamakin ang lahat masunod ka lamang" hehe!

    ReplyDelete
  2. che bes ano na? scheduled post na ba talaga ito? naguguluhan ako sa pagsulpot sulpot ng post mo kahit di ka naman ol.

    ReplyDelete
  3. hanep nyan!!!!!! grabeh...may gnun hnggang kulungan...ermmmm...lupetzzz!!!

    nice naman sa nems hlatang kpuso ka ah...jejeje

    ReplyDelete
  4. yun yun oh... hangang kulungan... eheheh

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  6. Ayun o. True love. Hanggang sa kahit saan. Love, love! Tried and tested na sila. hehe.

    ReplyDelete
  7. ang pag ibig nga naman..may post po akong isang sinulat kong kanta...pag may banda ka na tell me ha..

    ReplyDelete
  8. natawa ako sa name ng DJ... naku mas maganda padin ang wild confession ni papa jack. ahaha

    ReplyDelete
  9. Momirazz:korak k po jan!der's no boudaries ang drama!
    Bes:natakas lng aq ng pagnenet s ofis pgbreak kaya gnun!
    Lhuloy:kapamilya un sis!hehe
    Musingan:lupit noh?!san kapa!jail inn na,mura pa!hehe

    ReplyDelete
  10. Umi:tlgang wla ng mk2hadlang sknla!

    Arvin:wow bro!tlga naman nikakacareer mu ang pgsusulat!cge mka2asa ka!

    Leonrap:ai oo tlga ms mganda un! Wlang preno mgkwento mga caller dun e!as in define wild!

    ReplyDelete
  11. hello jeng! thanks for the comment on my blog. salamat din sa pag follow, at salamat ulit na appreciate mo sya. nice meeting you!

    ReplyDelete

Say Wuht?