26 March 2011

MAMAMATAY KA DIN! OGAG KA!

BABALA: Ang pahinang ito ay naglalaman ng mga di kaaya-ayang mga salita. Kung badtrip ka ngayon wag mo na ituloy ang pagbabasa, kasi baka lalo ka lang mabadtrip ako pa sisihin mo!


"Tara na kasi teh umuwi na tayo!"

Di nga ko uuwi, may pupuntahan pa ko, magtricycle ka na, umuwi kana eto pamasahe. Kina Aub muna ako.

"Bahala ka nga, text mo na lang ako pag andun ka na, ingat ka"

Yan ang huling tagpo namin kagabi ng kapatid ko. Habang naglalakad sa kadiliman ng gabi hindi ko alintana ang mga pwedeng mangyari sakin. Nakasanayan ko na din naman kasi ang ganitong pagkakataon, maglakad mag isa, hating gabi, kung san-san pupunta. 
Lagi ko kasing motto e "Do not be afraid for God is with you."
Ang layo na ng nilakad ko, sarado na pala ang bahay ng taong pupuntahan ko, lakad ako pabalik sa simbahan, umupo ako sa waiting shed na katabing katabi lang ng police station at brgy hall, medyo madilim. Sa likod ng waitng shed e covered court, sa harap simbahan. Habang nakaupo, nagtext ako...

Nasan ka na? Anung oras na, ang tagal mo. Ako na lang ata mag-isa dito. then click send kay bf.

"Malapit na ko, dun ka pumwesto sa maliwanag sa maraming tao." reply niya.

Mga sampung minuto ang lumipas, biglang may humawak ng mahigpit sa cp ko mula sa likudan ko. Napakapit tuloy ako ng maigi sa celepono ko.
Sa isip ko "Anu ba toh si Bf nakuwa pa kong lokohin at biruin, badtrip na nga kakahintay."
Paglingon ko...

SHET! Sino ka! Biglang nahablot niya ng tuluyan ang celepono..
"MAGNANAKAW!!!!!!" Ang lakas ng sigaw ko na nag echo pa sa coverd court habang nagtatakbo ang lalaking may takip ng twalya ang muka. Hiphop dudong ang suot.

Umuiyak na agad ako "Tulong may magnanakaw, cp ko!"
Sa katabing katabi ng waiting shed, as in isang hakbang lang, nakatiwangwang ang police station. Pumasok ako, Nagsisigaw habang naiyak. "Manong! Ser! Tulong! Cp ko nanakaw!". Walang lumalabas. "SER!!!!! MANONG!!! P*ta**na!!! Yung cp ko ho!. Biglang litaw ng lalaking nakajersey na parang kakagising lang sabay sabing..

"Bakit ka ba nagsisigaw jan"
"Nananakawan ho ako jan! Sa Waiting shed!"

Sabay labas din ang isang manong na kasing laki ni santa claus na may hawak na mahabang baril.
"San na tumakbo? Bakit di ka sumigaw, hindi ka humingi ng tulong."
"Super nagsisigaw na nga ho ako, nag echo pa nga boses ko sa court di niyo man lang ho ba narinig!"

Sabay labas kami sa pinagyarihan ng krimen. 
Hindi ko nakita ang muka niya, hindi ko na rin alam kung san siya nagtatakbo. As usual, hindi na hinabol ng mga pulis pero todo iyak pa din ako sa sobrang takot. Bigla dumating si bf. At pinapunta kami sa bgry hall para iblotter ang p*ta**ang hiphop dudong na kumuwa ng celepono ko.

Sa brgy hall, tulog ang mga tanod. Bwiset tong mga toh, kaya pala talamak ang nakawan, sa tabi pa ng police station at brgy hall. 

Si Manong na matanda na ang nag-entertain sa reklamo ko. At leche tong si Manong na ang bungad sakin..

"Bakit kasi nandun ka, hindi naman namin alam kung kelan sasalakay yang mga magnanakaw na yan." 

Eh ayos naman pala e! Ako pa sinisi niyo na nakawan ako! Bwisit kayo! Sabay kinuwa ang panagalan ko. Sabi pa niya "Cellphone?", sabi ko "Dba nga ho cp nanakaw sakin, wala na ho akong cp kasama yung sim at cp no. ko tapos hihingiin niyo pa ngayon cp no. ko? Nang aasar ho ba kayo?. Sagot naman ni Manong na muka pang inaantok "Ang ibig ko sabihin anung model ng cp, hindi ako nang-aasar". Aba lilinawin niu ho.

Suggestion ni bf maglibot ang mga tanod para hanapin ang magnanakaw, sagot ba naman nila e "Useless na ho yun, hindi na natin sila makikita. At tsaka walang magtuturo kung san yun tumakbo." Bwiset talaga! Dapat dito sa brgy hall na toh ginigiba! Wala namang kwenta! 

Nag-init na ulo ko. At nasabi ko "Wala naman ho sakin kung nakuwa na cp ko, wala na ko magagawa. Sana lang ho di na maulit toh. Yung waiting shed halos isang hakbang lang ang layo mula sa pulis station at brgy hall nakakahiya naman na dun pa ko nanakawan. Nagsisigaw na ko, nag-echo na nga ng todo-todo boses ko ni walang rumisponde. Kaya malalakas ang loob niyang mga magnanakaw na yan kasi alam nilang walang hahabol sakanila o pipigil. biruin niyo tabi na ng police station at brgy hall!."

 
Si Manong ang sagot pa "Baka natyempuhan ka lang. Nagbabalikatan naman kami, wala naman kaming na-ispotan jan."
HAY! P**an*gi**! WALA KAYONG KWENTA!

At wala na nga kong nagawa. Buong gabi nanginginig ako sa takot, sobrang traumatic. Graduating pa naman. Naiyak ako ng naiyak di dahil sa cp na nanakaw kundi dahil akala ko sasaksakin ako ng egoy na yun! Humanda sakin yun, bugbog talaga sakin yun pagnahuli! OGAG siya!


18 comments:

  1. calm down jhengpot, hindi ako nainis sa kwento mo, natawa ako hehe! ang cute pagka kwento mo.. hehe

    ReplyDelete
  2. ahahahhaha... alam mo ba expression namin ng kasama ko... yan... "Mamamatay ka rin OGOG ka... kaso matagal pa..." natawa talaga ako sa title pa lang....

    ReplyDelete
  3. what the...Thanks God youre safe..

    tangkalagayansanamabitsmadapakerpakyo na ogag na un..makalunok sana ng cp!

    Haayy...Kakatakot un ah...I hope you are fine now.

    ReplyDelete
  4. Pasensya na pero medyo natawa ako sa part na: "...diba nga ho cp nanakaw sakin, wala na ho akong cp kasama yung sim at cp no. ko tapos hihingiin niyo pa ngayon cp no. ko? Nang aasar ho ba kayo?. Sagot naman ni Manong na muka pang inaantok "Ang ibig ko sabihin anung model ng cp, hindi ako nang-aasar."

    Hayaan mo na yun, at least di ka sinaktan.

    ReplyDelete
  5. bili ka na lang po ng bago hehehe. Peace ^_^ ako din nung graduating ako naholdap ako. wala lng nkwento ko lng

    ReplyDelete
  6. waaahhhh.... nagtext pa naman ako sayo kaninang umaga... sa smart# moh... haaayyy... next time wag mo na din ulitin na magtext sa lugar na yun... ingat ka na lagi... buti cp lang nakuha, atleast safe ka...

    ReplyDelete
  7. thank god ur safe.. mapapalitan naman ang celpown...

    ang nakakainis nga lang jan, sa katabing police station ka pa nanakawan.. aba ay kahit ako eh, hindi sa magnanakaw mahahighblood kung sa nagpapalake ng itlog na mga hinayupak na yan...

    yaan mo na sila.. may araw din sila..

    o smile na ":)

    ReplyDelete
  8. wow, scary! useless talaga to depend on them for anything. buti nalang, the snatcher didn't hurt you!

    http://fashioneggplant.blogspot.com

    ReplyDelete
  9. Gagong ogag yon ahhh..tsk-tsk...d ko naman mssbing hminahon ka, coz it'll be too late nah...pro hanga ako sau..kasi baka sinaksak ka nung ogag n un s kakasigaw mu at that time (knock on wood!!!)...so ingatz next time ahhh!!!

    ReplyDelete
  10. move on! adik na bragy hall yun.. anito gawin mo minsan,, nakawan mo naman sila, para patas..haha.. ala akong matinong payo.. kasi naman.. kasi si bf eh..kung hindi sya nalate malamang di ka nanakawan..hahaha(wala ko masisis eh)hahaha

    ReplyDelete
  11. meme: ako din po iyak tawa na lang kalaunan..

    kuya al: sana nga mamamatay na ung egoy na un! chos! ang bad ko..hehehe..e mas bad namn siya...

    kuya habs: oo nga e, thank u lord pa din at di ako nasaktan.. nuh ibig sabihin nung mahaba mung sinabi? hehe

    poot: c manong ng natawa sa sinabi kong un...

    kuya kiki: penge pambili?

    rap: sayang di ko nabsa nitext mo, nuh ba sabi mo? nest time na mgtext ka sa no. kung un pakimura ng powerful mung mura ung magnanakaw..hehe

    kuyakoy: oo nakakabadtrip tlga yung mga un..long time ni see kuyakoy ha!

    ReplyDelete
  12. eggplant: buti na lang tlga, dahil kung nasaktan ako ipapabitay ko siya..hehe..owvers?

    katie: ogag tlga un, d natin un bati! buti nga at wala siya dalang panaksak!

    cheenee: hahaha.. half tama ka jan kapatid..badtrip weh!

    ReplyDelete
  13. hayaan mo na yun, bili ka na lng ng bago. buti na lang hindi ka sinaktan nung snatcher, next tme be extra careful, you know now a days.

    smile :)

    ReplyDelete
  14. jajaja...ou di nten sya bati...tara bili tayong lobo...jejeje....

    ReplyDelete
  15. ang dapat sa ganun na magnanakaw kapag nahuli ay putulin ang kamay para hindi na makapag nakaw......ang suwerte naman ng magnanakaw na iyon kasi tiyak makikita niya ang mga pictures mong naka save doon.......hintayin mo na lang na mainlove sa iyo ang nagnakaw na iyon kasi nakatitiyak akong isasauli iyon sa iyo..

    ReplyDelete
  16. Pero, I think the title is just too strong.

    ReplyDelete
  17. whew! katrauma nangyari sayo pero ang kulet ng pagkakwento mo. :D better be safe,next times..
    at sa mga authority, 5 kutos points for a job well done..parang pelikula, sa huli kayo dumadating. :P

    ReplyDelete
  18. ate kring: ayun na nga po e wala akong pambili,,hehe

    katie: tara! basta libre ha! hehe

    kuya arvin: kung pwede nga lang e! haha, cnabi mo pa kaya ako nanghihinayang kasi andami kong inipon n pictures dun!

    poot: galot na galot kasi ako dun sa egoy na yun, nadala lang po ng emosyon!

    whattaqueso: saeap nga kutusan ng unlimited!

    ReplyDelete

Say Wuht?