01 March 2011

SARAP MAG-UNWIND

Hindi naman pala kailangan na marami kang pera para makapagbakasyon ka o makapag-unwind.
Sapat na ang kaibigan, maganda at maaliwalas na lugar, konting katahimikan, iwanan ang mga pangamba at magsaya.


SAPAT NA KAIBIGAN.
It's not about the quantity, it's about the quality- ika nga nila, at sino sila? hindi ko din alam. Ang dami mo ngang kaibigan, kaibigan sa fb, kaibigan sa twitter, kaibigan sa text o sa totoong buhay man, kung hindi mo naman sila malapitan tuwing nalulungkot ka at makasama tuwing masaya ka naman, e wala din. Masarap magkaroon ng maraming kaibigan. Yung tipong kahit san ka magpunta, mangangawit ka sa kakangiti, kakakaway at kakachismis. Pero pinaka the best jan yung may mga natatangi kang kaibigan na nakakabonding mo talaga ng bongga. Yung nagja-jive kayo kahit iba-iba ang mga hilig niyo, yung di na kayo nagkakahiyaan pag uutot, yung kulang na lang yung subo mong lolipop e ibigay mo sakanya. KAIBIGAN ang madalas na pagsabihan natin ng problema sa mga pagkakataong di mo masabi ang dinadala mo sa iyong pamilya. Syempre iba rin naman ang pamilya, magkaiba sila, kaya hindi pwedeng ipagkumpara, kumbaga sa palabas e telenobela ang pamilya at cartoon ang kaibigan.

MAGANDA AT MAALIWALAS NA LUGAR
Wala ng tatalo sa magandang paligid, maaliwalas na lugar, masarap na simoy ng hangin sa probinsiya. Kung wala kang pang-gastos, kung meron kang kaibigan (na tinalakay natin sa itaas) na pwede mong puntahan. Kung kunyari e may kaibigan kang taga-probinsiya o nagbabakasyon sa probinsiya nila, bakit di mo itry na sumama at manirahan doon. Ang sarap atang magpahinga sa probinsiya. Wala lang, ang sarap lang. Bakit di niyo subukan mamundok, maligo sa dagat o ilog, kumain style probinsiya (yung kamayan ang labanan). Eh kung ito naman ay cannot afford mo ang mamasyal sa mall, amusement park at manuod ng sine.

KONTING KATAHIMIKAN.
Dessert experience, ayan ang tawag namin sa konting katahimikan. Yung wala ka masyadong iniisip, yung kausap mo si Bro. Ikwento mo yung nangyayari sayo, magchismisan kayo, ivisualize mo yung mga pangarap mo. Pwede rin namang mag emote at mag-crayola. Sapat na ang isang oras na katahimikan para kahit papano e maranasan mo naman ang peace of mind.

IWANAN ANG PANGAMBA AT MAGSAYA
Pagkatapos mo manahimik o bago ka manahimik, maglaan ka rin ng oras para magsaya. Pwedeng magkantahan, makipagkwentuhan tungkol sa nakaraan kasama ang kaibigan sa maaliwalas at magandang lugar. Pwede din tumawa ka mag-isa, try mo lang, siguraduhin mo lang walang makakarinig at makakakita at baka mapagkamalan kang baliw. 

At konting tips para iwas hassle at stress:
-Kung maari wag mangutang, para di mo iniisip na may kailangan kang bayaran.
-Magpaalam kay nanay/tatay/gf/bf o kasama sa bahay na aalis ka para di kahinahanap at di ka kabahan kung anung dadatnan mo pag uwi mo. Para di ka nagmamadali umuwi dahil papagalitan ka ni nanay/tatay/gf/bf
-Iwasan magdala ng laptop, psp, at anu mang gadgets na hindi mo naman magagamit at makakaabala lang sayo. At tandaan mo walang wifi sa bundok.
-Huwag na wag magsama ng KJ. Magsama ng galante.
-Pwede rin magdala ng notebook at ballpen, gumawa ng diary na pwede mong balik-balikan sa tuwing nalulungkot ka pagkatapos ng expedition mo.

AT syempre hindi ko naman masasabi tong mga kalokohan na toh kung di ko naexperience :)
Nung friday nakipagrakrakan at slumman ako kay moonstar at parokya, sobrang saya. Wiz ko na pinansin ang pawis at siksikan masilayan lang sila ng malapitan.



Pagkatapos nun ay tumuloy kami sa bahay ng kaibigan/klasmeyt ko. Nasa loob ng UPLB ang bahay nila. At nasa bundok na mismo sila ng makiling. Ang sarap don, abot kamay na ang alp ng makiling, ang lamig at sarap ng simoy ng hangin, at ang nakakatuwa pa kung anung nilamig ng hangin siya namang init ng tubig na dumadaloy sa gripo.



Live life to the fullest! :) At wag kakalimutang mag-ingat!




19 comments:

  1. ey saang lyceum nag concert ang parokya at moonstar?

    tama, hindi kailangan ng pera para makapag unwind ka ng ayos.. punta lang sa ilog eh solve na :)

    ReplyDelete
  2. hay ang sarap sa probensiya, yong wala kang maririnig kong di ang tunog ng mga ibon, nkakarelax! kailan ko kaya magawa yon?

    ReplyDelete
  3. hala jeng! ksi inalok ako ng frend ko sa tagaytay...kasu nung nabanggit u ung mgpaalam sa nanay natakot na ko..la na di na ko matutuloy...jejeje..sana payagan ako..jeje

    ReplyDelete
  4. istambay: sa lyceum laguna kuyakoy

    momi razz: tama ka jan momi! sarap maligo sa ilog, wag lang tangayin ng agos..haha

    lhuloy: konting lambing lang kay nanay at bibigay din yun..hehe

    ReplyDelete
  5. gusto ko nang magbakasyoooooooooooonnn..waaaaaaaahh..mama, uwi ako...

    ReplyDelete
  6. magsama ng Galante?.... hmmm... bakit di nyo ko sinama?! wahahahaha....

    ReplyDelete
  7. darating din ang panahon na ikaw naman ang nasa stage at may kinakanta..at ang parokya ni edgar ay tagahanga mo na..welcome ako anytime about sa song na kakantahin mo na bigay ko..

    ReplyDelete
  8. nakita mo ba ang post ko noong december 2009 na pamagat KANTA KO (REVEAL)..

    ReplyDelete
  9. sarap naman... galing buti kapa masaya... ako huwaaaaaaaaaaaaa..... nababato na ako sa work ko...

    ReplyDelete
  10. jheng nsabukan ko n rin mgbakasyon s probinsha 2x.. Totoo mga sinabi mo ang sarap ng feeling.. isa lng ang hindi ko nagawa ang mgdala ng ntbook at ballpen pra isulat ang mggndang karanasan ko s probinsha.

    ReplyDelete
  11. masarap tlgang mag-unwind...

    ReplyDelete
  12. Mainam na lugar ang Los Banos para malasap ang katahimikan ng kapaligiran, lalo pa kung hatak ang iyong mga kaibigan. Halos anim na taon din ako naglagi sa Los Banos noong ako ay nasa kolehiyo pa. Hindi matatawaran ang halimuyak ng hangin at marikit na tanawin sa Makiling :)

    ReplyDelete
  13. akoni: anaaaaaaaaaaakk umuwi ka, miss na miss n kita.. gustong gusto ko din magbakasyon ka na.

    ReplyDelete
  14. Tama ka sarap magunwind. ako rin maguunwind din.

    Good day folk.

    follow my blog here:
    http://arandomshit.blogspot.com/

    ReplyDelete
  15. oo nga masarap magpahinga... lalo na pagwalang pasok kasi may concert.. wahehhe

    ReplyDelete
  16. akoni: umuwi ka na daw sabi ni momi razz :)

    Adang: cge tara tatay adang !

    Leonrap: next time kasama kna talaga...haha.. yung pangako mong ice cream samin ni cheenee

    Arvin: yup kuta nakita ko.. galing.. may future!

    nene: ok itake mo note mo na next time magdala ng notebook..hehe

    ReplyDelete
  17. uno: naman, sinabi mo pa...

    splice: huhulaan ko..sa lb ka nag aral ..,hehe

    momi razz: ang sweet naman ni momi..

    denase: salamat sa pagparito :)

    Kiko: olryt! haha

    ReplyDelete
  18. @Jhengpot

    Parang ganun na nga hehehe :D But that was two years ago.

    ReplyDelete

Say Wuht?