21 April 2011

CBA RETREAT : Session 1

Masyadong mabait ang nilalaman ng pahinang ito.
May nakakapaluwa ng mata o nakakaiyak ng tuluyan. May nakakaantig ng puso at puson kung san ika'y makikiliti. May nakaka-untog ng ulo kung san ika'y mapapaisip - OWVERS!


Light lang po ang laman ng post kung ito. Medyo nakapahinga din ang katawang lupa ko.
Nanggaling lang naman ako sa nakakantig na Retreat. Ang Retreat ng College of Business and Accountacy ng LPU-Laguna. Kung hindi ako nagkakamali, nasa 49 kami. Pitong accountancy, the rest ay mngmnt accounting.


Sa first session with Fr. Ricky - Cannosian priest, lumubog ang barko sa bilang ng anim- kaya't kami'y naggrupo-grupo. Ang unang ipinag-utos ng kamahalan ay mag-share tungkol sa mga expectations at contributions ng bawat isa sa amin during at after ng retreat. Pipili ng isang representative ang bawat grupo na siyang kakanta sa harapan- joke! Pipili ng representative na siyang magsasalita sa harapan patungkol sa expectations at contributions ng bawat isa. At dahil piliin daw ang pinakamaganda - voila! AKO ang representative ng grupo! nyahaha..


Pagkatapos ng mahaba-habang kwentuhan at chikahan, isa-isa na kaming magaganda ang tumayo sa harapan. At isho-shortcut ko na lang. Ang mga expectations at contributions ng bawat isa ay:


EXPECTATIONS:
1. Sharing of thoughts, feelings and beliefs.
2. Learn new things from individual's experience/s.
3. Mabusog ang puso,isipan, espiritu at tiyan.
4. Mas mapalapit kay God.
5. More prayers.
6. Games (children's party?)
7. Umuwing may ngiti sa muka.
8. Jhen's expectation (classmate/tropa) "Ang mahawakan ang kamay ni Ronnie(crush niya)"
9. Des' expectation (classmate) "Magka-boylet"


CONTRIBUTIONS:
1. Bukas na puso't isipan sa mga bagong pananaw sa buhay.
2. Experience
3. Cooperation
4. Silence
5. Toiletries
6. Walang magiging KJ


Sa session one din namin natutunan ang STOP


S-  Silence - God speaks in silence. Silencio vicencio kuntodos!
T-   Trust - Alam na natin ito, hindi ko na masyado i-eelaborate.
O-  Openness - Para ma-open din ang happiness! chos.
P-   Prayers - Establishing a relationship with God.


Tutal naman napag-uusapan na din ang experience. Natumbok ni father na ang bawat isa sa amin ay may unique na karanasan, parang signature. Kakaiba sa iba, walang katulad at kahawig. Experience shapes us. Mapa-bad or good. We learn from our own experiences and also from the experiences of others. 


Ayan na lang muna. inaantok na ko, kahit ang totoo ay ischeduled post ito :)

2 comments:

  1. habang nasa harapan ko ang umuusok pang half chicken grilled nakabukas naman ang post mong ito sa aking PC. hindi ko alam ang uunahin ko. pero inuna kong basahin ang post mo.

    yon nga lang dahil nagugutom na ako.kunti lang ang na absorbed ko kaya uulitin ko na lang ulit ito mamaya. ang alam ko lang maganda ang ginawa ng kompanya niyo sa mga empleyado niya. ang gawin kayong lahat na mababait.

    saan ka pa. Yon naman ang dapat.hindi puro work lang.

    ReplyDelete

Say Wuht?