03 April 2011

FEELING NG GRADUATING (RHYMING)


Natutuwa, naiiyak, masaya, malungkot, natatae, nasusuka, nahihilo - hindi ako buntis! Wala rin akong mood swings.

Halo-halong emosyon - ayan ang nararamdaman ko ngayong malapit ko ng maabot ang pangarap ko  at tanging hiling ng aking mga magulang. Tatlong linggo na lang at aakyat na ko sa entablo upang tanggapin ang diplomang sumisimbolo ng apat na taon na pinaghirapan itaguyod ng aking ina't ama at pinagsumikapan ko din naman. 

MASAYA - sobra, hindi ko maipaliwanag kung ganu kasaya. Siksik liglig umaapaw! Dahil nagbunga ang lahat ng pagod at effort.

MALUNGKOT - dahil hindi ko makakasama sa entablo ang isa sa mga taong nagtaguyod na maabot ang pangarap kong toh.

Hindi man akong haharap sa madla with flying colors, still, it's a great honor. I survive, ang mga assignments, ang pressure, ang expectations, stress, projects,recitations,tuition fees at iba pang bayarin. Nagbunga ang araw-araw kong paggising, ang pag-absent ko sa mga gala ng tropa, ang pakikipaglaban ko sa antok at hindi sapat na tulog.

Kahapon habang nag-papractice sa magaganap na pagtatapos. Naiiyak ako. Ewan ko.
Kahapon din ang picture taking, medyo nahuli na kami dahil nga sa demanding na OJT.

Proud ako sa sarili ko at sa mga classmates ko. Lalo na sa mga BSA, dati kasi akong BSA. Nag-shift sa BSBA-MA nung mag 3rd year na dahil sa rason na tsaka ko na ikkwento. Halos walo na lang ang natira sa BSA at kinse kaming nagshift. Proud ako sa kanila dahil maganda ang performance nila sa review school. Sa naganap na pre-board nakapasok silang lahat sa top 50. Yung tatlo pasok sa top 10. Medyo inggit kasi hindi ko naipagpatuloy ang pangarap ng Mama ko. Pero nung nag-shift ako todo support pa din naman si pudang at mudang. 

Actually, gusto ko talaga maging inhinyero. Ayaw lang ni Mudang dahil sa gastos at taon na bubunuin ko. Pero hanggang ngayon gusto ko pa rin yon. Okay lang kasi na-enjoy ko rin naman ang Accounting at Management Accounting.

NUNG BSA PA KO/KAMI

Ito kami pag nag su-swimming

Pag-christmas party sa bahay ng pinakapaborito naming prof na si JUNJUN- ang aming Law Professor.


Ang JUNJUN ng samahan. Lagi namin binabastos. Bastusan-yan ang aming bonding.hehe


At kahit nagshift ng iba, friendship pa din.


Ang mga kapwa ko shifters at best ever tropa sa Lyceum :)
Ang CROXINIANZ :)



 

At kasama ang Original BSBA-MA




11 comments:

  1. Nice best.. I'm so proud of you.. gusto mo ako na lang magsabit sayo sa enteblado??? hahahahah joke lang! Lab u! Super proud besfren ako! hmwuah!

    ReplyDelete
  2. congrats potpot.. yehey!

    wag ka nang malungkot, kaw din, gusto mo pag nasa entablado ka hindi ka maganda.. smile!

    ReplyDelete
  3. congrats in advance jengpot!!! namnamin mo ang moment na iyan... di mo na mababalikan yan...

    ReplyDelete
  4. Nice blog...congrats..ganun din nafelt ko noon, hindi ko nga magawang e-blog dahil sa sobrang gulo at mixed emotions na naramdaman ko..hehe..

    ReplyDelete
  5. sa kwento mo... habang binabasa ko ang blog mo... naglalakbay ang diwa ko sa nakaraan... ehehheh... makapagblog nga about graduation ko... ehehheh...

    ReplyDelete
  6. parang gusto ko tuloy mag aral ulit... ehehhehe....

    ReplyDelete
  7. congrats...................tiyak mamiss mo ang school kapag tapos ka na ng pag aarall..

    ReplyDelete
  8. ay kahit lipat school ako eh IT parin kinuha ko from previous school until sa paglipat... yun lang hahaha

    ReplyDelete
  9. wow naman...

    ang gaganda nyong lahat :)

    ReplyDelete
  10. there's so much fun in here, 'lil sis! goodluck! galing galing!

    ReplyDelete
  11. congratz sayo!!!!! pray ko makahanap ka ng work agad!

    ReplyDelete

Say Wuht?