12 April 2011

GIFTED CHILD

Pagkatapos ko mabasa ang blog post audition ni Kraehe, bila akong may naalala...

May isa akong talagang pinakang oo grabe sobrang pinapanagarap sa buhay!
Sa bawat birthdays na dumaan, sa bawat paskong lumipas, ayun at ayun ang isa sa mga bagay na tangi kong hinihiling.
Kung minsan pa nga ay nagmamakaawa na ko sa iba
"Guys! Regaluhan niyo naman ako ng VIOLIN, ambag-ambag kayos, sige na oh... parang awa na! Wala pang 3K yun!"


Ahahaha... Siyang tunay po. Tuwing mapapadaan ako sa musical instrument stores, ayun at ayun ang lagi ko tinatanung. Baka kasi nag-sale sila at naging Bente pesos na, the best yun! Bibili ako ng lima.

Bakit ba gusto ko mag-violin at ng violin?

DAhil ba gusto ko magmukang gifted child? Enk!!! Mali!
Dahil classic kasi ang dating ng tunog ng violin. Ewan ko ba. Basta gustong-gusto ko.
 Dati ko pa gusto, nung bago mag-college, tapos nakita ko si idol EE o  Eunice Evangel George, vocalist ng gracenote na sumusikat ngayon. Idol na idol ko sila. Dahil kasi dito sa astig na intro ni EE nung nagperfrom sila sa Music Uplate na di ko napanuod at sobrang dinibdib ko eh lalo na-trigger ang nanahimik kong katawang lupa na gusto mag-violin...



PAnu ko ba nadiscover si EE? Naghahanap kasi ako ng paboritong paborito kong kanta ni Barbie Almabis, at yung cover video niya ng "Someday" ang pumukaw sa atensyon ko. 


Sinundan ko siya sa fb. At ayun medyo friend na kami. hehe. Feeling close naman ako. Pero natuwa ako kasi approachable siya nung minessage ko siya sa fb. At ayun. Speaking of gifted child, napaka gifted niya, marunong din siya mag keys, maggitara and everything.

At bago pa maligaw ang lahat, nanawagan ako sa inyo "Regaluhan niyo naman ako ng Violin, walang pang 3K yun, ambag-ambag kayo!" hehehe


17 comments:

  1. naflatter naman ako ahihi. pag-ipunan mo na lang, ganun ginawa ko sa violin ko. 3.5k ang bili ko, student violin lang. nung nabili ko na, naku para akong nasa cloud 9.

    and wait, binigyan ko din sya ng pangalan. halos karamihan ng friends ko na violinist ay merong pangalan ang kanilang violin. di naman sa gaya-gaya, pero pag attached ka kasi sa instrument matuturing mo tong friend mo. syempre ang friend merong name. kaya yun hihi.

    ReplyDelete
  2. hehe..actually parang napepredict mo ang mga ipopost ko, next post ko dito yung gitara namin na binigyan ko din ng pangalan... Pag nagkatrabaho na ko gusto ko talaga bumili, magkanu tutorial? hehe...

    ReplyDelete
  3. huawww...! sana nga mpagbigyan ka namen
    sa gusto mo jhengspot...ihanda mu nadin
    ang ipapangalan mu sa violin mu..jejeje..

    ReplyDelete
  4. POTPOT ang magiging pangalan niya! haha

    ReplyDelete
  5. i'd love to own a violin too. or flute.. kaso lang, hirap mag-aral. :(

    ReplyDelete
  6. @jhengpot
    di ko na tanda ahaha. tagal na kasi di ako naglelesson. parang 375php ata yun per session, 1hr yun per session. need talaga ng sipag, tyaga at oras ang pag-aaral ng violin. dahil sa bese-besehan na ako ngaun, di na ko nakakapaglesson :(

    ReplyDelete
  7. hehehe...pag-iponan mo kaya..hehe...pero alam mo mas mabuti nang manatiling pangarap mo yan para lagi kang inspired..hehe..para tuloy ang dreaming diba? minsan may mga pangarap na hindi natutupad para magkaroon ng saysay ang isang pangarap at ewan ko sa akin sa mga pinagsasbi ko...LOL

    ReplyDelete
  8. mag ipon!! yun lang din masasabi ko...maganda nga ang violin kasi nakakaantig puso pagtumugtog na....

    ReplyDelete
  9. natry ko ng tumugtog ng violin ang sarap pakinggan pero wala akong sariling violin..tsk

    ReplyDelete
  10. di makita yung vids. blocked sa opis

    ReplyDelete
  11. hi jhengpot..napadaan lang dito kasi friend kita sa blog ibig ni akoni. kaya naman na curious ako at binisita ka.

    wow violin, sana may pang ambag ako. hehe.. di bale balang araw magkakaroon ka din nyan. yan naman ang mga pangarap na madali lang abutin. good luck! :)

    ReplyDelete
  12. pag ipunan mo na lang jheng.. kita mo, mabibili mo din yan.. :)

    gitara gusto mo? ahehehe...

    magandang araw.

    ReplyDelete
  13. kayang kayang pag ipunan :)

    mahilig ka pala jan :)

    ReplyDelete
  14. my eldest keeps on bugging me to buy him a violin too hehhe..

    ReplyDelete
  15. Nakakainis..nahirapan ako manuod ng video kase medjo ang bagal nung net ko bes.

    ReplyDelete
  16. ipon lang katapat niyan potpot..

    masarap talaga sa tainga ang violin..kaya mo yan pot, go.. may oras magkakaron ka din niyan..:)

    ReplyDelete
  17. you can still follow your dreams... may tima ka pa naman mag aral ng violinssss

    ReplyDelete

Say Wuht?