13 April 2011

SI WB

Naranasan mo na ba na habang ang ganda ng panaginip mo at hibing na himbing ka sa tulog mo e may malakas na kumakatok sa bahay niyo. Pagbukas mo ng pinto galit ka pa sabi mo "Ano ba yan natutulog yung tao eh, makakatok naman parang walang bukas ha!"


"Bilisan mo tanga-tanga ka nasusunog na sa kapitbahay!"


"Ilikas niyo na mahahalagang gamit niyo, bilisan mo, isang bahay na lang pagitan oh."



Nagulantang ang kaluluwa ko, SHET! May SUNOG! Dali-dali at nagpalit muna ako ng damit-aba syempre baka paglabas ko pagkaguluhan ako samanipis kong damit at pantulog. Akalain mo yun naisip ko pa yung bagay na yun. Dali-dali, dali-dali sa alin? Hindi ko alam kung anung bagay ang uunahin ko isalba noon. Ako lang kasi ang naiwan sa bahay, nasa trabaho sina mudang at pudang habang nasa school ang mga kapatid ko. Mga 30 seconds iniisip ko kung anung mahalagang bagay ang meron kami. Kasi wala naman kaming mga alahas, nasa sanlaan lahat. Wala naman ditong pera, kung meron mang naitatago sina mudang hindi ko alam. Baka sunog na ko di ko pa rin yun mahanap.


Wala akong maisip, napepressure na ko. Bag ko na lang kinuwa ko, tapos lumibot kao sa buong bahay para tingnan kung ano pang madadala ko para sa first batch na isasalba ko. Ang ref! Kakapagawa lang, pero kamusta naman baka pareho lang kami masunog. Ang TV! Ang bigat din, di ko kaya. Sabay napatingin ako sa gilid. Si WB!!! Ang pamanang gitara ni Kuya! Go dali-dali labas hwak si bag at WB. Paglabas ko sabi ng ate ko "Anu ka ba! Antanga nito eh! Yan pa inuna mo!".


Ewan ko kung bakit, pero di ko siya kaya iwan. Napamahal na siya saki. Sa loob ng 6 years, alagang-alaga namin siya sa bahay. Bawal magasgasan. At dahil pagnasira yun malamang lalayas na lang ako bago pa ihampos sa ulo ko yun ni pudang. Eh kasi nga pagnasira daw namin yun ihahampas niya sa nakasira, kasi sira na naman din eh. Kaya kada mauumpog yun, nanginginig na kami. Parang siyang bata na di pwede pabayaan at baka madapa. May kamahalan kasi siya. hehe. Kaya ganun.




Lagi ko siya kabonding pag malungkot ako at mag-isa. Siya nga lang ang laging nakakarinig sakin kumanta.
Hahaha.

16 comments:

  1. hahaha..kailan to nangyari? haha..naaliw ako kay WD. EPIC to!

    ReplyDelete
  2. dati pa ito no? wow, hilig mo ang gitara? kung ganon eh pareho tayp.. sige nga jamming tayo :)

    jheng, natuloy ba nasunog ang bahay? sana hindi naman no?

    ingats palagi.. magandang araw

    ReplyDelete
  3. lupit naman ni jheng... may pagmamalasakit sa gitara at silent type musician.. tingnan mo yung guitar family ko jheng!

    ReplyDelete
  4. kailan kau nasunogan? wawa naman potpot ko.. matagal na ba yan?

    sympre kong ano ang love mo yon ang isasalba mo..:))

    ReplyDelete
  5. Eh nasan na Moby kong kinalawang na? hahahah joke lang bes... turuan mo na ko mag gitara ulit

    ReplyDelete
  6. siguro dahil sa naalimpungatan ka kaya ka nakapagmuni-muni ng dadalhin mo. hehe..

    namimiss ko na ang gitara sa bahay namin. :(

    ReplyDelete
  7. wow pareho pala tayo jheng, gitara lang din ang nakakarinig sa akin kumanta..hehe.. pwera pa yung shower..hahahaha

    anu na nagyari sa sunog, san ahindi umabot sa bahay nyo.. ingat! :))

    ReplyDelete
  8. naranasan ko na yan.. sa Manila... kapitbahay namin.. nasunog ang bahay.. ayun... wawa anaman.. nagsilikas kami.. araw na araw. ako.. sarap na sarap sa pagtulog...

    ako naman.. baraha ko lang ang kakampi ko...

    ReplyDelete
  9. super love mo pala ang gitara na iyan..tiyak hindi na mabilang ang naawit mo dahil sa gitarang iyan..

    ReplyDelete
  10. umabot ba sa inyo ang sunog?sana di naman. sabagay kung ako din naman siguro isa rin sa mga unang isasalba ko ang gitara ko kung sakali mang meron ako nun hehehe

    ReplyDelete
  11. gitara kasi ang kaligayahan mo kaya...kung ako yan din ang isasalba ko...

    ReplyDelete
  12. nakakatuwa naman. as in ikaw pa ang may ganang magalit nasusunog na.

    at ang mga alahas nasa sanlaan lahat ang lufeet.
    magaling yon lang kasi trahedya na ang nagaganap matatawa ka pa rin. buti di ka nag make up muna bago lumabas kasi yon kakilala ko dito yon ang ginawa niya nagkakagulo na nag make up muna bago lumabas ng bahay.
    saan ka pa.

    ReplyDelete
  13. ahahahaha.... ano nangyari sa sunog?...

    ReplyDelete
  14. Kuya Habib Last year pa toh, march ata...epic talaga yun!haha

    Kuya Banjo Sige-sige jamming tayo minsan!Nakalimutan ko sabihin na hindi po umabot samin yung sunog, naagapan agad.

    Jed san ko makikita guitar ung guitar family mo?

    Meme Opo mems matagal na po yun! Tama kayo, kung anu talaga yung love mo yun ang isesave mo :)

    Kamila HAhaha bes. Patawarin mo ko dahil hindi lang siya kinalawang, gutay-gutay na ata siya.

    Rainbow Sarap na nga sana ng panaginip ko eh..

    Ate Kring Talaga po Ate Kring marunong ka din maggitara? wow!

    Kuya Al Baraha? UHm.. nagmamagic ka?

    ReplyDelete
  15. Kuya Arvin Haha..pati nga mga kantang sa imahinasyon ko lang nabuo, ung mga imbento lang..hehehe

    Superjaid Buti nga hindi umabot at ang bibilis ng mga bumbero!

    Jay Maligaya din ako sa bahay namin, kaso lang di ko kaya buhatin :)

    Diamond Di na ko nag muk-up nakalimutan ko! haha...

    Batman Mas epic ka jan!

    Rap ayun sunog pa din :)

    ReplyDelete

Say Wuht?