02 April 2011

UNANG SILIP SA BAHAY NI KOYA

Nung una gusto ko lang naman ipakita sa buong mundo ang kakayahan ko na ibahagi ang aking sarili.
Hindi ko naman akalain na matatangap ako ng ganito.
Ang daming audience kung tutuusin, hindi mo pwedeng piliin kung sino ang gusto mong manuod sa bawat galaw mo. Pero nasa sayo kung anu lang ang gusto mong ipakita. Pero masarap naman ang feeling, kasing sarap ng maling!

Ganito pala ang pakiramdam sa loob ng Pinoy Big Blogger house ni Koya.
Iba't ibang katauhan, kani-kaniyang kwento sa buhay.



Simula ng pumasok ako dito sa PBB house andami kong nalaman at naging kaibigan.

Anjan ang bestfriend ko noon pa man, kahit sa labas palang ng bahay, na si Kamila. Matagal na kaming magkaibigan pero dito sa PBB house ni Koya, mas nakikilala ko siya ng mabuti. Napakabibo niyan, maraming talent, siya ang nangunguna sa mga tasks ni Koya kung san may engage na sayawan, kantahan at kung anik-anik pa. Siya din ang isa sa mga madalas kong kakwentuhan tuwing busy ang iba sa kani-kanilang tasks. At lagi mo siyang makikita sa kusina, ngumunguya. Magkatabi kami sa kama na pandalawahan. 

Habang sa tabi naman ng aming kama ay si Cheenee. Isa siya sa mga una kong nakilala. Nung pinasok kami dito habang may piring ang mata, siya ang unang taong nakagaanan ko ng loob. Sa unang linggo pa lang namin sa PBB house, andami niya ng kinwento sakin. Kabilang na dun ang pagiging martyr niya kay palaka, minsan nga kahit matutulog na nagdadaldalan pa din kami.Kaya tuloy madalas din mapagalitan ni Big Blogger. Tapos kinaumagahan kwentuhan ulit. Halos tumambling kami sa kakatawa at bumending sa sobrang pagkakarelate sa pinagdadaanan ng isa't isa.

Habang sa kabilang kwarto naman, isang lalaki ang umagaw sa atensyon ko. May pagkamadaldal at pagka-presko. Pero sobrang approachable. Galante, sabi niya. Laging nag-aaya sa tabi ng pool para makipag-etchusan. Tapos lagi din nag-aaya kumuwa ng Fit and right sa ref. Siya si Leonrap. Minsan na siyang napagalitan ni Big Blogger dahil sa pagmumura niya. Muntik na siya patawan ng forced eviction, pero isang task na lang ang pinagawa sa kanya- ang ubusin ang dalawang kilo ng strawberries sa loob ng dalawang oras. Tuwang-tuwa naman ang mokong at first time niya daw makakita nun ng live!

Di naman kalayuan, laging nakatambay sa silid ng pool at may pagkamakata at mahiwaga, si Kuya Banjo. Ang lalim niyang tao. Ang daming baon na kwento na kapupulutan ng aral. Akala mo pa egoy-egoy lang yan sa tabi, pero wag ka! Epic yang tunay! Pilipinong pilipino, sa isip, salita at tuwa.

Isa namang napakamisteryoso ngunit may pagka-loko ang kapansin pansin sa loob ng bahay. Andami niyang alam, andami niyang kwento tungkol sa mga estudyante niyang kyut-kyutan at pasaway. Si Ser Motsmots, di kami maxado nag-uusap, pero pagnagkkwento siya tungkol sa mga pasaway at bibong grade one students niya, hindi pwedeng hindi ako makikinig at makikichismis. Mukha siyang pro na pro, pero once na nagkwento aba'y mokong din pala! Ang galing niyan magdrowing. Isa siya sa mga dahilan kung bakit na-inspire ako sumali sa Big Blogger House. 

Itutuloy...

12 comments:

  1. hehehe. ang kulit naman ng concept. Big blogger house. :D

    nice.

    ReplyDelete
  2. O sige.. bigyan niyong meaning ang etchusan ni Jheng at ni Rap..hahahahhaah..

    at pengeng maling

    ReplyDelete
  3. kakaiba din tong post mo potpot ah, aabangan ko ito.. hehe!

    ReplyDelete
  4. ang galing mo jengpotpot...okay na okay to ah..:)) mga tauhan din ang mga bloggers...coooolll...haha

    ReplyDelete
  5. ahahahaha.... oy kamila, anong echusan namin ni jengpot?... wala akong alam jan! ahahahaha...



    ang galing naman... di na ako maxadong mahilig sa Fit n Right kasi payat na ako, ayoko ng pumayat pa lalo. ahahah... saka madaldal ako pero di ako presko noh!! (ang sama na naman ng image ko dito.. lol) Mukang presko lang ba. ahahaha... at talagang pinilit mong isama ung mga strawberries na live ah! natawa ako dito jengpot... dahil jan, ibo-vote out kita!! ^^

    ReplyDelete
  6. asteggg... ekaw na nga ang Beg Blogger wenner... as en.. hende ko napansen na beg blogger pala ang logo mo.. basa ko kanena.. big brother... napatawa mo ako ng hosto eha...

    ReplyDelete
  7. ako din ay sumali na sa pinoy big brother..para mo malaman ay bisita ka dito na link http://arvin95.blogspot.com/2009/11/bahay-ni-kuya.html

    ReplyDelete
  8. Ang cute naman ng idea. :D

    Sana ako din makasali sa Pinoy Big Blogger House. Hahaha. :D

    ReplyDelete
  9. nagkomment ako dito kahapon.. di man lumabas?

    ReplyDelete
  10. kakatuwa naman ang post mo.. hindi ko napansin na big blogger pala yan... ehehehehhe

    ReplyDelete
  11. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete

Say Wuht?