31 May 2011

Insanity needs Companion

Hello World! Pasensya na at muli akong nabuhay :) Maraming inaasikaso, maraming pinagkakabusihan, maraming pinapakealamanan, maraming dinadahilan. Salamat na lang at muling tinubuan ng basura ang utak ko kaya't eto at akin ng itatapon dito sa basurahan ko (ano daw?). 


Hindi naman masyadong mahalaga. Bigla na lang may naisip ako na di ako pinapayagang makatulog ng maaga sa gabi.  At dahil nga nakabalik na ng earth ang kaibigan kong ufo, mas lalong naglilihab ang pagnanais kong mabuo ang palulutang na imahinasyon. Matagal na matagal na matagal ko ng gusto, na halos maihi ako sa inggit pag nakakakita ako nito. At salamat naman sa mga kaibigan kong muntik na lumutin ng panahon, dahil gusto na din nila matupad ang naisin ko sa payak kong buhay. Ang sumunod sa yapak ng mga tila binukot sa kagandahan at talento ng mga kababaihang ito...




Matagal ko na silang iniidolo, kagaganda ba naman e. Sino bang di mapapanganga? Ang Generl Luna. 


Salamat na lang at unti-unti ng narerealize ng mga kaibigan ko na may pangarap pla kami. Sana lang walang halong jamming at drawing. Hindi ko alam kung sino ang papapel na drummer,guitarist,bassist at vocalist. Basta kung papayagan nila ako magvocalist wala na kaming problema, problema na lang siguro yun ng mga fans. Fans? Kung magkaroon ng fans, asaness. Sana seryoso sila, kasi seryoso ako. Gudlook na lang :D


Sa isang samahan madalas nabubuo ang pagkakaibigan. Sana naman sa kabaliwan na toh mabuo ang isang samahan kasama ang aking mga kaibigan :)


*ang taba ko pa dito, ang payat pa ng ufo :)

8 comments:

  1. ang pagbabalik ni potpot sa blogworld.. i miss you potpot..

    pangalanan ba naman c meimei na ufo haha!

    ReplyDelete
  2. General Luna? now ko lang narinig at now lang nakadinig ng kanta nila...astig, ang gaganda pa...parang kayo lang.

    ReplyDelete
  3. goodluck sa banda mo. ang ganda ng feature mong band puro mga chikas 5 years from now ganyan na din kayo :D

    ReplyDelete
  4. wb jheng... sana sumikta din kayo para may mauutangan ako hehehe...

    ReplyDelete
  5. Usapang banda ata to. At dahil ganun nga ang usapan ay wala akong masasabing ikatutuwa mo. Baliko ang ulo ko at naghahanap lang ng iba pang bloggers dito blogospersyo.

    Pa.add sa blogroll mo. I added you na. Maawa ka sa taong walang ka-interact sa blog entries niya. At ako yun. :)

    ReplyDelete
  6. jengpot!!!!


    jengpot!!!!!



    jengpot!!!!


    wala lng.. hehehe

    ReplyDelete
  7. bes...... hagis na ang drum stick.. lol

    ReplyDelete
  8. hataw na. count me in isa sa mga fans ng banda niyo.

    ReplyDelete

Say Wuht?