08 May 2011

Nasaan ang MAMA mo?

-ito ang unang tanong na bumungad sakin sa pagbukas ng account ko. Tanong ni Rainbow sa kanyang sarili at tanong na biglang pumukaw sa akin.


Asan na si MAMA?


Alam ko, at nagtitiwala ako na kasama na siya ni BRO. 


Nakakamiss yung mga ganitong pagkakataon. Yung gigising ka, pupuntahan una ang kanyang kwarto. Sa umpisa ay mahihiya, pero anu bang pakay ko talaga? Wala naman masyado kundi sabihin lang na "Happy Mother's Day MA!" . Apat na salita, isang simpleng pangungusap. Ngunit para sa mga ina ay makabuluhan. Pupuntahan ko sana si Mama sa kanyang bagong tahanan, ngunit masyadong masungit ang panahon. Paggising ko, larawan niya agad ang una kong tiningnan. Bumalik lahat ng masayang ala-ala. Bumalik lahat pati ang sakit ng kanyang pagkawala. Hindi ko alam kung paano ko napagdaanan ang mga araw na wala akong tinatawag na ina. 


Naalala ko nung Retreat namin sa school nung April lang. Sampu ang piniling magshare, pinagdadasal ko na sana isa ako sa mapili. Ngunit hindi. Kinabukasan pagkatapos magshare ng napiling sampu, walang pag-aalangan kong tinaas ang aking kamay para magshare. Nanginginig ako. Hindi ko alam kung panu ko sisimulan. Basta ko na lang naitanong sakanila na "Sino dito sa inyo ang may tatay pa, pakitaas ang kamay". Sunod na tanong "Sino sa inyo naman ang may nanay pa?" . Hindi pa man nakakataas ng kamay ang karamihan ay tumulo na ang aking luha. Sumentro ang sharing ko sa naging experience ko nung mawala si Mama. Sa kalagitnaan ng aking pagsasalita, halos lahat ay nag-iiyakan na din. 


It's too late for me to show how much i love her. Nakakatawa nga na naiinis ako sa sarili ko, andami kong picture kasama ang friends ko, andami kong album sa fb ng mga masayang experience ko, pero ni kahit isa na kasama ko si mama, wala man lang. Panay ako gm nun, panay text sa mga friends "kain na kayo" "ingat kayo" "goodnight", pero pagdating kay mama hindi ko toh ganun kadalas ginagawa. Mga simpleng bagay na pinaglagpas ko. At yung mga simpleng bagay na ginagawa niya noon na sobrang namimiss ko. 


Lahat ng bagay na pwede kong gawin para malagpasan yung sakit at pangungulila, ginagawa ko. It takes a lot of courage and strength when the only thing I need to do is to accept it. Acceptance is always the key, and it is indeed the hardest part. Sabi nga ni Rainbow na siya ding sinasabi ko "iniisip ko nagbabakasyon lang sya, o nangibang bansa". At sa tanong na NASAAN ANG MAMA MO? Ang sagot ko ay NANDITO SA PUSO KO FOREVER SIYANG BUHAY.


HAPPY MOTHER'S DAY MA.. Alam mo kung gaano kita kamahal, ako kasi yung anak mong tahimik lang pagpinapagalitan mo. Mahal na mahal kita, pasensya na kung hindi ko lahat naipakita. Alam ko nandyan ka lang lagi kasama ko. At araw-araw ang wish ko lang sana lagi kita makasama sa panaginip ko...




HAPPY MOTHER'S DAY sa lahat ng ina :')

13 comments:

  1. Awwww angsweet naman, iba kasi talaga ang pagmamahal ng isang ina. Happy mother's day sa mama mo.

    ReplyDelete
  2. awww jheng.. *yakap ng mahigpit*

    happy mother's day sa mga nanay natin na may angel wings na ngayon. :)

    ReplyDelete
  3. nakakarelate ako...ang hirap talaga..bago nawala ang mama ko at habang naiinitidihan nya pa ako..sinabi ko lahat ng gusto kong sabihin..lahat-lahat..masakit talaga..

    kalungkot...

    Happy mother's day sa mama mo..baka magkasama sila ng mama ko ngayon.. :)

    ReplyDelete
  4. kung nasaan man siya ngayon.. tiyak na mayasa na siya ngayon... don't worry... she's fine...

    ReplyDelete
  5. ang nanay mo ngayon ay isa ng anghel.

    "Sino dito sa inyo ang may tatay pa, pakitaas ang kamay". Sunod na tanong "Sino sa inyo naman ang may nanay pa?" . Hindi pa man nakakataas ng kamay ang karamihan ay tumulo na ang aking luha. Sumentro ang sharing ko sa naging experience ko nung mawala si Mama. Sa kalagitnaan ng aking pagsasalita, halos lahat ay nag-iiyakan na din."

    copy paste ko siya kasi ang lakas ng tama nito.Ibang klase. ilang salita lang pero ramdam na ramdam mo ang gusto mong ibahagi sa lahat. Tinamaan ako ng malakas.

    Happy mothers day sa lahat ng may Ina pa.At sa mga Inang nasa langit na ngayon.

    ReplyDelete
  6. Happy Mothers Day to ur mom.

    ReplyDelete
  7. HUG...wish you all the best..I know mabait ang mama mo...Happy mother's day sa kanya.

    ReplyDelete
  8. I liked the post. naiyak naman ako :'(

    ReplyDelete
  9. haaayyyy....
    everyday is mother's day.... anjan lang sya...

    nga pala, start na ng training ko eh, so baka di me makasama...

    ReplyDelete
  10. nakaka lungkot naman ito.. power hug potpot..

    ReplyDelete
  11. Belated happy mothers day sa lahat ng nanay......wala na me nanay..

    ReplyDelete

Say Wuht?