11 May 2011

Pagpupugay sa mga Mahal naming INA


Friday,  May 6, 2011 10PM

"Anu bang magandang gawin para sa Sunday? Lagi na lang kasi tayong nag co-common prayer tuwing Mother's Day..sana maiba naman..."
"Anu kaya kung mang-harana tayo sa mga nanay natin?!"
"Tama! Matagal ko nang naiisip yan! Nice idea…matutuwa talaga sila sa plan na to…”
“Korek!!!”

Saturday, May 7, 2011 

A.M.
“Nice idea! Dapat may bulaklak para mas special..”
“Eh magkano naman bulaklak? Baka mahal? May alam ka bang murang bulaklak?”
“Oks lang yun…special day naman eh…Rose na lang siguro..Teka, panu yung plan? Panu yung roses? san Tayo bibili? Panu yung pambili?”

P.M.
Malakas ang hangin…may bagyo daw…kaunti lang kami nagmeeting. Panalagin naming sana hindi umulan bukas…

“Dahil special day bukas, tayo ay magkakaroon ng special formation. Higher level of formation.. Naks! Kakaiba sa kadalasan nating ginagawang common prayer”
“Anu pong special formation?”
“Isang matagal na ideya na ito, pero definitely, matutuwa mga nanay natin…We planned na mangharana sa mga nanay natin…House to house kumbaga…Hindi natin ico-contain yung celebration ng Mother’s Day ng satin-satin lang…Lets surprise our special “nanays” with some songs and a flower…”
“Nice! Nice idea…kaka-excite!..mas maganda po kung may cake, tas may nakalagay na “Happy Mother’s Day!” 
“Tomoh!...yung songs na kakantahin natin eh kailangan na natin praktisin now…” 

Sunday, May 8, 2011

Nakabili na sila Janine at Lyka ng bulaklak. P20/pc daw. At dahil sa charm ng dalawa, naka libre sila ng isa…So lahat ng roses ay 25 pcs….Makulimlim ang paligid at madalas na ang pagulan…parang walang balak tumigil…

Lord sana po tumila na ang ulan!!

FB chat:
Lakas ng ulan anu?
Oo nga..
Anu 2loy pa ba?
Eh nakabili na sila eh..
Sayang naman kung di natin itutuloy..
Cge cge..umulan bumagyo tuloy natin toh

5PM Simabahan

Nagkakatinginan na natatawa na lang kami pag napapalingon kami sa labas…Ang lakas ng ulan!!…Lord sana po tumigil na…pls…pls..Haay…ang lakas pa din…

630PM

AWESOME GOD KA TALAGA LORD! ANG SAYA SAYA PINATIGIL MO YUNG ULAN! YEHEY! ANG SAYA SAYA!!PARANG MIRACLE! KALAKAS NG ULAN TAPOS BIGLANG NAWALA! D’BEST KA TALAGA!

Sa bahay-bahay 


NAY relaks lang kayo jan, kalma lang... Para sa inyo toh... Sana magustuhan niyo :)




Add us on facebook and watch the video ng ginawa naming panghaharana sa mahal naming mga ina :)



3 comments:

Say Wuht?