13 June 2011

First Day KAWAY



Dati pagtinatanong ako kung san ko gustong magtrabaho isa lang ang maiisip ko.. Ang magtrabaho sa isang car company. Isang pangarap na binuo ng interes at pagkahilig sa mga sasakyan na dati ko na ding ikinwento sa pahinang ito. Hindi naman ako nabigo at natupad ko ang pangarap ko na toh. Finally may trabaho na ko! First day kaway sa kumpanyang halos pitong buwan ko ding pinag-alayan ng aking natatanging serbisyo bilang on-the-job trainee. Nagbunga naman ang lahat ng pagsisikap ko. Masaya lang talaga ako at opisyal na kong magtatrabaho sa pagagawaan ng mga sasakyan.


Nakakahiya. Ang awkward ng feeling na ipinapakilala ka sa mga taong kakilala mu na. Isang libong tuwa at isang libong kantyaw. "Ui bago, anung pangalan mo miss?" Kung pwede ko lang mabigyan ng tag-iisang batok ang mga yon. Umatras tuloy ang kapal ng muka ko at tuluyang nahiya sa mga taong di ko naman ugaling mahiya.


Sobrang saya ko lang, walang mapaglagyan :) Sarap sa feeling :) Syempre sunod na ang pag-aaral mgdrive. Yuhoo!

10 comments:

  1. yehey!! may trabaho na si potpot.. congrats! and good luck!!

    ReplyDelete
  2. yehey congrats jhengpot sa career. its a drea come true. ako din nag aaral na ko magdrive. hehe

    ReplyDelete
  3. congratulations. Ahahaha. nakakahiya mag-introduce sa di mo pa kakilala kung may kakilala ka na sa floor/work. :D

    ReplyDelete
  4. Good for you. Potpot pala pangalan mo? weird naman nun. Jowk. :P

    ReplyDelete
  5. turuan kita magdrive.. gusto mo? ehehhehe.. wow.. congrats.. saan ka nagwowork.. at baka dyan na alng ako bili ng kotse sa iyo... naks.. para sabihin marami na ako pera... eheheh

    ReplyDelete
  6. Congrats sa Job ^_^

    keep it Going hehe

    na daan lang ^_^

    ReplyDelete
  7. wow! congrats sa job! nacurious ako kung ano ang position mo ahihi. kasi pag ako ang kunyari magwork sa isang car company, gusto ko yung nag-aayos ng makina :D

    ReplyDelete
  8. ay parehas tayo.. hehe apir...

    ReplyDelete
  9. paki update na lang po pala ung blog ko sa blogroll.. www.musingan.com yun eh kung added po ako.. ehehehe... if not oks lang din po...

    ReplyDelete
  10. hehehe pa-comment pero ayaw ko munang pumuntang langit hehehe... nice nice kahit mejo late na ang bati ko na welcome to the world of employment. Masarap talagang magwork lalo na kapag na-eenjoy mo ang work mo, keep it up!

    ReplyDelete

Say Wuht?