25 June 2011

Hayaan niyo sila

Isang araw sa tapat ng tindahan ni Aling Betchay dumaan ang mag-amang Berto at Nardo kasama ang alaga nilang kalabaw na si Taylor. Sakay-sakay ni Taylor ang ama na si Mang Berto habang ang anak na si Nardo naman ay naglalakad kasabay nila. Si Aling Betchabay galiwow na mahilig sa chismisan kasama ang tatlo niyang kahuthutang dila ay nag-umpukan.

Tingnan niyo si Berto, hindi na naawa sa kanyang anak. Ang manipis na katawan pa ng anak ang pinaglalakad. Ani nila.

Pagkarinig ni Mang Berto dito ay agad siyang bumaba at pinasakay sa kalabaw ang anak na si Nardo.

Sa sumunod na kanto, sa tindahan ni Mang Erning ay umpok naman na parang langgam ang mga manginginom. Kampay dito, kampay doon. Pagkadaan ng mag-ama kasama si Taylor ay siya namang kantyaw ng mga lasinggero sa kanila.

Nardong putik! Hindi ka na naawa sa ama mo, pinaglalakad mo pa ang matanda uugod-ugod na nga!

Pagkarinig dito ay agad pinasakay ni Nardo ang ama ng sa gayon ay dalawa na silang pasan ni Taylor.

Sa pangatlong kanto naman ay nagtipon-tipon ang mga adik sa bingo, nagsisigawan at hiyawan sa sandaling makabunot na ng numero. Napatigil ang lahat ng dumaan ang mag-ama at ang kalabaw. Sabay sambit ni Aling Carol na bumubida sa bingohan.

Ano ba kayong mag-ama! Di na kayo naawa sa kalabaw at sabay niyo pang sinakyan. Pagod na nga yan sa maghapong pag-aararo!

Pagkarinig dito ay agad na bumaba ang mag-ama at naglakad na lang silang dalawa.

Sa sumunod na kalye ay dumog naman ang mga batang naglalaro sa daanan. Si Buknoy na siyang pinakapilosopo ang siya namang bida sa mga kalaro niyang bata. Pagkakita nito sa mag-ama at kalabaw ay agad itong tumawa sabay sabing.

Tingnan niyo sila parang tanga lang, may kalabaw naman bakit hindi sakyan at naglalakad pa.


Kahit ano pang gawin ng mag-ama, kahit ang kalabaw pa ang sumakay sakanila may masasabi at masasabi pa rin ang iba. Kaya bakit kailangan makinig sa sinasabi ng iba kung alam mo namang walang mali sa ginagawa mo. Ito ay kwentong ikinwento na aking kaibigan.

11 comments:

  1. naks ang ganda naman ^_^

    nag enjoy ako basahain :))

    ReplyDelete
  2. ang galing.may masasabi at masasabi ang iba kahit ano ang gawin mo.

    ReplyDelete
  3. tama.. kahit anong gawin mo may masasabi at masasabi ang mga tao.. kaya hayaan mo silang magsalita.. nice post.

    ReplyDelete
  4. haha.! tama nga naman...natawa lang ako sa name ng kalabaw ha....pa taylor2 pa.! lol ^_^

    ReplyDelete
  5. galing naman ni jhengpot! nice one!

    ReplyDelete
  6. may tagalog version pala 'to? o tinagalog mo lang? hehe...

    ReplyDelete
  7. yaan mo na nga sila talaga! hahah!

    pero nangyayari talaga ito sa totoong buhay!

    ReplyDelete
  8. hahha di na ako manunuod ng nardong putik alam ko na ang story.. ahhaha

    ReplyDelete
  9. may aral na napulot sa post mong ito..

    ReplyDelete

Say Wuht?