19 June 2011

JACK of all trades

Tito Jack, Manong Jack, Kuya Jack - yan ang tawag ng karamihan sa mamang nagngangalang "ROMEO". Isang simple, mapagkumbaba at mapagmahal kong Papa.


Simula nung mawala si Mama, si Papa na ang tumayong ina at ama sa aming magkakapatid. Hindi lang yon dahil kahit kaibigan, katropa o kabarkada e sinubukan niya ring gampanan para sa amin. "Ituring niyo lang akong kaibigan niyo na masasabihan niyo ng problema." - yan ang laging bukambibig ng aking pudra. Mapa-usapang lovelife, career o anu pa man di siya mawawalan ng bala. 


Tuwing gabi sa aming munting hapag lagi niyang ka-jamming ang alak, ang bisyong ayaw niyang iwanan upang makatulog siya sa gabi. Kung dati si mudang ang umuupo para samahan siya, paminsan-minsan nama'y sinusubukan kong maki-ride sa trip niya. Alam niya kung kelan ako malungkot at masaya. Ramdam niya kung kelan ako nasasaktan at nahihirapan. Hindi mahigpit si papa sa amin pero sinisigurado niyang di niya kami pinapabayaan. 


Alam niya halos lahat ng bagay kahit di siya nakatapos ng pag-aaral. Madiskarte at matiyaga. Jack ang tawag sa kanya dahil nga halos alam niya ang lahat. 


Siya ang nagturo sa akin nuon magpiano nung bata pa ko, maggitara nung high school ako, magbass nung college. Siya nagturo sakin pano magdrawing, maglettering, at manahi. Siya ang nagsabi saking "Maging madiskarte ka sa buhay" at "Ang kutsilyo kahit gaano katalim hindi niyan mahihiwa ang loob mo kung matibay ka".


Kaya nga Mahal na Mahal ko yan. 


Minsan nga lang makulit.


Ako: Grabe nuh ang daming napu-food poison ngayon!
Papa: Ganyan talaga lalo na yung mga double dead na pagkain, yung mga bodka!(seryoso)
Ako: Botcha!
Papa: Yun ngang mga dodcha!(mas seryoso)
Akp: Botcha! Kulet! :)


Salamat sa aking da best na Pudang!

9 comments:

  1. NAKAKATUWA NAMAN SI jACK.
    happy fathers day kay jack

    ReplyDelete
  2. happy father's day kay papa jack!! hehe! ganda mo sa picture potpot.. paramdaman ka naman s txt.. haha! wala lang miss lng kita.

    ReplyDelete
  3. Isa pang wonderpapa..Happy father's day sa magiting mong TATAY!!!

    ReplyDelete
  4. wow.. happy fathers day kay papajack

    ReplyDelete
  5. weee... happy fathers day din kay papa jack.. hehehe

    ReplyDelete
  6. kulit ng papa ni jheng hehehehe...

    ReplyDelete
  7. Ang saya-saya ng Papa mo! Naku ayan, namiss ko tuloy ang Papa ko. Oh well!

    Great posts! :)

    http://jesroque.blogspot.com/

    ReplyDelete

Say Wuht?