18 October 2011

Usapang Barbera

Weird in artistic way- that's how I define my unusual stuffs. But if there's one thing na talagang tumatak sa mga taong kakilala ko tungkol sa akin e yung pagiging barbera ko. Wit ko nga maintindihan kung bakit ako napunta sa ganung kaabnoyan. It's started out since high school. Sabi nga nila ang hair (sa taas ha, to make it crystal clear) ang crowning glory ng mga babae. Rebond, cellophane, hot oil, hair spa, highlights, at kung anong ka ek-ekan ang nagsulputan sa ibabaw ng mundo para pangalagaan ang malalago at mahahaba nating buhok (I repeat, sa taas po). Going back, eversince high school ako na ang nag-gugupit ng sarili kong buhok. Marami kasi akong unfavorable, drastic, unwanted experiences kapag nagpapagupit ako sa iba. Back when I'm in grade 3, nauso ang shaggy, syempre sasabay ako sa uso sabi ko kay mudang. May I spluk naman ni mudrabels na siya na lang daw ang magtatapyas ng aking juhok. Ehdi gorabels naman ang bata, shaggy e! After ilang minutes, pagharap sa salamin halos nauna ng bumagsak ang world trade center sa aking kaitchurahan. Sabi ko shaggy e, hindi mushroom cut! Dami kong badtrip that time, kung pwede lang i-mighty bond yung mga gupit-gupit na buhok ko. So syempre dahil tampulan ng tukso sa room, nagsusuot ako ng sumbrero yung cap namin sa girls scout. Nung grade six naman nagpagupit ako kay bakla sa nearest parlor, di ko nagustuhan, parang may kulang. 

Biglang isang araw na lang sinubukan kong maglagay ng bangs, trip lang. Una mga hanggang 1 inch lang ang nakakaya ko tabasin, patrim-trim lang muna hanggang sa nakakaya ko na maggupit ng 5 inches. At ayun na nga, one day i find myself used to unusual and weirdo thing. For the past 8 years, ako lang ang nagsilbing barbera ng sarili ko. Nung una trip lang, but later on I appreciate more my ability, by that way mas nasasatisfy ko ang sarili ko at syempre wala naman akong ibang sisisihin kundi ang gunting . And I like it more when other people got to appreciate my hairstyle "wow ganda ng gupit, ystilo salon yan noh" "hindi no shinampoo ko lang yan". Haha. LELS. Pero lahat ng bagay ay may katapusan. Dahil may raket na ang lola niyo, meron na kong kaperahan pampagupit. Nung summer inip na init ako, bigla namang na-spotan ko ang kapitbahay namin slash tropa ng kapatid ko na may ginugupitan. Out of nowhere ako naman tong si "ui gupitan mo nga yung likod ko" ayun gumorabels agad ang lowlah. For only bente pesos nag tugs-tugs na ang buhok ko! Tinde men! After ilang months bigla ko naisip magpagupit sa salon sa isang mahal, medyo may kamahalan at pagkatapos e nag-umpisa na naman akong maimbyerna sa itchura ng buhok ko, hindi nagets ni ateng parlorista! Daming badtrip! Kaya lumipad ako sa bakuran ni Basil, ang kumakabog to the highest leveling na parlorista sa baranggay. At nagustuhan ko naman ang gupit niya. Syempre rampa na naman with my new hair. Sabi ng mga tao sakin "ikaw na naman naggupit niyan noh" "ano na naman yang natripan mo sa buhok mo". Taas noo at baba akong nagsabi na "Sorry nagpagupit ako sa parlor, may pera na eh!" . After 3 months humahaba na naman ang hair ko, napatapat sa salamin at nakakita ng gunting. Back to abnormal, walang pakundangan, go gupit na naman ang buhok ko. Pero I love it naman dahil nagagandahan ang mga tao sa paligid ko, promise! I can feel it, sumasunod sa galaw, aba syempre maikli na lang e!So sa mga gusto magpagupit humarap na lang sa salamin at humawak ng gunting, go gupit! 

cheers!

5 comments:

  1. naks.... you can style your own hair.

    gunting lang ang kelangans.... tipids.

    ReplyDelete
  2. Hahaha! Harap sa salamin at gupitin ang hair.. hehe. Nagawa ko na yan dati.. actually, yun din gawain ko hanggang ngayon. Tipid din kasi.. :D

    ReplyDelete
  3. Nice...hahaha... so since isa ako sa mga follower mo could i call you manang barbera? nyay ang pangit...miss barbera na lang(sorry feeling close ba?)sorry you made me smile kc...ang ASTIG ng post mo...anyway i think reason why you've done it 4 8 years? kc you loved wat u wer doing...and isang proof is bumalik ka sa dati mong gawain even though sabi mo nga may pera ka na...typical na ugali ng isang artist...just keep dat up ang importante naman sabi mo nga "masaya ka naman"...again nice post... :)

    ReplyDelete
  4. You're the girl....barbera! LOL

    ReplyDelete

Say Wuht?