21 November 2011

EK for Enchanted Kunyari

Buwan-buwan laging may plano, linggo-linggo lagi gusto magkita, araw-araw halos magka-usap sa email, fb at text. At dahil may importanteng kailangan kuhain, nadamay ang buong tropa. Isang tao lang naman ang nag-aya, actually hindi nga nag-aya, umepal lang ako nakukuhain ko na rin ang TOR sa school kahit hindi na ipna-follo up sakin ng HR. All set on saturday, gogorabels sa school at kukuhain ang TOR ng biglang nag-aya sa kawalan na mag-Enchanted Kingdom after. Isa ang sumang ayon, naging dalawa, tatlo, apat, lima at nagsarado sa anim. Okay play! Ang umatras may eat sa wetpaks! LELS.

Sa araw ng sabado, sadyang mahimbing ang aking tulog. Sinusulit bawat minuto, ninanamnam bawat laway na tumutolo (yak). Hanggang sa tumawag ang aking katribo "san ka na? dito na kami school!". At dahil patuloy na naakit sa kama at unan napasagot tuloy ako ng "sige sunod na lang ako sa EK, kitakits!."

At dahil naglalakbay panalangin ang jeepney na nasakyan at mega trololol traffic pa, swerteng nalate pa. Pag dating sa tagpuan, sa waltermart near EK ay kumain muna then fly fly butterfly sa tahanan ni Eldar. 

Di pa man nakakalapit nakakainip na ang eksena at mukang tagilid ang tropa. Ang daming nagfifieldtrip! Badtrip! At bukod pa dun wala ng promo. Kaya sa gedli ng amusement park kami'y nag-isip-isip. 

Suggestion 1 : "Eh kung mag-Nuvali na lang kaya tayo!"

Objection on Suggestion no. 1 : "eh anong gagawin antin dun? Magpapakain lang ng isda at sasakay sa bangka? korny!"

Suggestion no.2 : "Sa tagaytay na lang! tara mag-zipline!"

Objection on Suggestion no. 2: "Magkano ang zipline? Eh dito marami pa tayong masasakyan!"

Suggestion no.3 : " Star city na lang, bumyahe na tayo habang maaga pa!".

Objection on Suggestion no. 3: "Ang layo! baka bago tayo makarating dun eh uwian na!"

Suggestion no. 4 : "Ganito na lang, ipikit natin ang ating mga mata, maghawak-hawak ng kamay at iimagine mo nasa space shuttle, anchors away at super ferry ka!"

Comment on Suggestion no.4: "Shet! manong bababa na ko! Kinakabahan na ko! mamamatay ako dito!"

Objection Objection on Suggestion no. 4: "Anong super ferry? Baka perris wheel! boplax eh!"

Final Decision: "Tara sa balibago at doon na tayo mag meeting."

Minutes of meeting sa Balibago : Manood na lang ng Breaking Dawn sa Festi.

Pagdating sa Festi. Ayun sumakay ng roller coaster, bump car at xtrax sa xsite! In short tablado ang plano. 






In our wildest and craziest dream nakapunta kami ng ek, nuvali, tagaytay at star city. 
At mabuti na lang nakakain din kami ng sama-sama sa shakeys :) Atleast kahit papano umepek na kaunti ang pagkikita-kita namin. Sa susunod na kaboplaksan ulit ! haha


5 comments:

  1. Tsk. Wrong timing, daming nagfe-feildtrip. Punuan. Hahaha!! Natawa ako sa super ferry. hehe.. Lels lang. :P

    :D Ayun oh, kita sa pictures, mukhang enjoy naman yung gala eh. hehe..

    ReplyDelete
  2. ang dameng plano.. hahah wlang nabuo. ^^

    ReplyDelete
  3. nakakamiss ang mga ganitong eksena ng mga magkakaibigan...namiss ko tropapeeps ko!

    ReplyDelete
  4. welcome back!!! potpot

    bkit wala si meimei jan? hugs mo ak sa knya.. hehe and to you opkors

    ReplyDelete
  5. iba talkaga kapag tunay na kaibigan ang kasama kahit na anong sitwasyon nagiging masaya pa rin =D

    ReplyDelete

Say Wuht?