29 December 2011

SMART Objectives for 2012

Ilang araw na lang at muli na namang magpapalit ang taon. At ngayon ang dami ko ng naisip na gusto ko gawin for 2012, mga bagay na gusto ko matutunan. At dahil seryoso ako ay dapat SMART ang mga ito. SMART for Specific, Measurable, Attainable, Realistic and Time-bound. Oo tama, seryoso ako at may nalalaman pa kong ganitong ka ek-ekan. Sabi nga nila ang mundo ay isang malaking Quiapo, eh ano ngayon? Habang bata pa gusto kong matutunan yung mga bagay-bagay na hindi kailangan ng tamang panahon. Ang ibig kong sabihin sa mga bagay na kailangan ng tamang panahon ay yung mga pagkakataong magpapalakas at magpapatatag sa pagkatao mo, parang mag-mature ka, para maging wais ka sa buhay. Ito yung mga problemang dadating sayo sa di inaasahang panahon at sitwasyon.


Mabalik tayo sa SMART Objectives ko for the coming year. Actually, andami kong gustong gawin pero kailangan ko din isipin yung kabuluhan nito sa buhay at ang realidad ng mundong  ginagalawan ko. Sa ngayon ito pa lang yung mga naiisip ko, at sana sa susunod na new year o year 2013 ay maiblog ko na na-achieve na achieve ko to ng bonggang-bongga, pak!


1. Aralin ang different guitar scales at matutunan ang canon rock sa lead guitar. Tulad nitong ginawa ng bago kong idolo na si Yasi Hofer.




Ang ganda niya diba, chicks (natutunan ko lang sa mga tropa kong lalaki). At syempre dapat matutunan ko to sa loob ng isang taon na kung tutuosin ay masyado ng mahaba. Buti na lang ipinamana muna ng pansamantagal ni Kuya ang kanyang e-guitar. At para tulungan ako ay to the rescue ang mga kapatid ko sa fy at kabanda rin sa Wasted na sina Ambo at Kris.



2. Matuto mag-violin at matugtog din ang canon rock (ayaw ko sa canon rock). Syempre mag-iipon muna ako at sa birthday ko sana makabili na ko ng violin para maturuan na ko ng libre ni JC, ang kapatid din sa fy at kabanda sa Untitled Band.



3. Matuto mag drive ng broom-broom, i mean, kotse. Dahil makakatulong ito sa trabaho ko at para naman magkaintindihan kami lalo ng mga customers namin at pati na rin ng mga katrabaho ko. Sa ngayon naman ay medyo may lam na ko ng kaunti, pero iba pa rin talaga yung alam mo na talaga, basta yun na yun. Sa ngayon ay naghahanap pa kami ni Kim, kasama sa work, ng magtuturo samin mag-drive. Pero sana bago matapos ang first quarter ay ma-achieve namin ito.

4. Makumpleto ang SLAMBOOK ni POTPOT bago ako mag-birthday sa tulong ng mga kapwa bloggers. Sana ay suportahan niyo po ako, punta kayo dito for more info.


So for now, este for 2012, eto muna. Tsaka na yung iba. hehe





14 comments:

  1. gusto ko din matutows ng violins pero parang its so campliketed

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. Pambihira halos makatatlong beses ako nagdelete ng comments. Dami kong typo. ahahaha.

    Marunong ako sa keyboard dati, pero hindi ko alam kung marunong parin ako ngayon dahil ang tagal ko na rin di nakakapag keyboard. Ilan beses na kong nag attempt na tumipa ng gitara, pero hindi kami nag kasundo, malakas ang tulak ng katamaran. Bilib ako sa mga tumutugtog ng vilolin. Lalo naman ang drums. Gusto ko ring matutong mgadrive ng kotse, pero sa ngayon bike lang muna kaya ko at kayao kong bilhin. Bakit ko ba sinasabi to? haha wala naman, astig lang ho ng mga trip nyo sa buhay. Yung canon ho pala bangis din ng version ni FUN TWO. \m/

    ReplyDelete
  5. Nakaka-inggit talaga mga marunong tumugtog ng iba-ibang instruments. :)
    Ako naman gusto ko matuto mag-piano and sax. :)
    Sana magkaroon ako ng piano one of these days. :)
    Goodluck sa mga pag-aaralan mo 'te, sana matuto ka. :D

    ReplyDelete
  6. una sa lahat happy new year....good luck sa pag banda mo....

    ReplyDelete
  7. ako aim ko na magpiano lessons and iresume voice lessons ko :))

    ReplyDelete
  8. Happy New Year - mangyayari lahat yan=]

    ReplyDelete
  9. parang gusto ko rin magSMART objectives, gaya gaya lang no, happy new year!

    ReplyDelete
  10. Goodluck! May all your wishes come true

    ReplyDelete
  11. astig! guitara at vioin!, ako gusto ko ituloy yung drum lesson at matutuong magpiano or organ! ok na ko sa gitara at bass eh. haha sana matutunan mo sila ^^

    ReplyDelete
  12. Wow.. Gitara at violin! At kotse! Good luck, jhengpot! Isali mo na din sa listahan mo ang matutong tumogtog ng drums.. or baka alam mo na. :P

    Happy new year!!

    ReplyDelete
  13. haha parehas tayo gusto ko din ma improove ang guitar skills ko pati matuto mg drive..

    naalala ko yang SMART acronym na yan sa isang subj. nung college..hehhehe

    Go0d luck and happy new year :)

    ReplyDelete

Say Wuht?