31 January 2011

Anung mas masakit?


Ano bang mas masakit?

Ang iwan ka ng taong mahal mo o iwan mo ang taong mahal mo..?

Shet! Ang korni ko!

Mas masakit pala na binlocked mo ko kesa ideactivate mo ang fb mo...
Di mo lang ako iniwan sa ere.
Hinayaan mo pa kong mahulog!
Bakit ba kita sinisisi?
Hindi ko din alam...

Hindi ko alam kung bakit pinapahirapan mo ko ng ganito...
NIYO
Oo niyo, pinagtulungan niyo ko...
Kaya kita ipaglaban...
Pero kung isa ka din pala sa mga makakalaban ko...
aba suko na ko!

Masaya ako sa buhay at mundo ko...
Ang buhay ko- ang pamilya ko, mga kaibigan, mga nagmamahal sa kin at si Bro...
Ang mundo ko- ikaw, ikaw lang.

Hindi ko alam kung anung mararamdaman ko..
Halo-halo, natigang na ko... Ayaw na pumatak ng mga luha...

Ang mawalan ng ina, ang isumpa ng pamilya mo,
ang iwan mo ko sa ere, ang pagtaboy mo sakin,
ano pa bang sasakit don?

Buti na lang may sense ang commercial sa TV

PARA KANINO KA BUMABANGON?

Bumabangon ako para ituloy, ipagpatuloy ang mga pangarap ng yumao kong ina para sakin...
Bumabangon ako sa papa kong alam kong nasasaktan sa bawat pagpatak ng luha ko, pero go support pa din sa kung anong desisyon ko...
Bumabangon ako para sa mga kapatid ko, para tumayong pangalawang ina sakanila, kahit alam ko sa sarili ko hindi ko kayang ibigay ang pangangailangan nila...
Bumabangon ako para sa SAKANYA, kasi alam ko ginising niya ko para sa isang makabuluhang buhay....
Bumabangon ako para sa mga kaibigan ko, na kailangan ang walang sawang pakikinig ko...
Bumabangon ako kasi para sayo, kasi hindi ko din alam kung bakit hinihintay kita...

Hindi ko alam!
Hindi ko na alam!

Babangon ako para sa sarili ko...

Babangon ako at dudurugin kita.. JOKE

Hai! Napapraning na ko! 

29 January 2011

Sinong Tinakot mo?


Nakakainis. Makikipag-usap ka ba o maghahamon ng panibagong pag-aawayan?
Nagsorry ka pa kung sasabihin mo lang din naman na hindi mu babawiin yung mga sinabi mo?
Okay fine di na rin naman mababawi e, sana lang kung hihingi ka ng tawad yung hindi labag sa loob mo.

Punyeta paulit-ulit!
Ako na nga tong pinag-tutulungan ako pa tong masama sa paningin niyo.
Kahit wag mo ng itanong kung nasaktan ba ko, kahit wag ka ng maging concern sa nararamdaman ko.
Sana kahit man lang sa sarili ko mismo, AKO, SAKIN.
Oo kasi ikaw at kayo lang ang nahihirapan.
Hanep!
Iniwan mo ko sa ere! 
At sasabihin pang never na kong makakakuwa ng impormasyon tungkol sayo?

Aba sinong tinakot mo?

Hindi na ko makikipag-uap sayo, para san pa? Mapapahiya lang ako.
Much better kung tatahimik na lang ako, kesa naman mamatay-matay na ko sa paglalabas ng saloobin ko pero hindi mo naman nagets ang punto ko.



Si Kap at ang Buwaya, Si Feng at ang Bawang

Isa na namang di makakalimutang adventure ang naranasan ko ngayong araw na to.

Bago tuluyang bumangon sa kama, iniisip ko kung papasok ba ko?
Eh ano pa bang choice ko, lala na midterm exam ngayon. Hindi na nga ko pumasok last saturday, hindi nanaman ako papasok ngayon? Aba kainaman!
Nakakapagod kasi at nakakaantok ang 720 hours na intrenship na kailangan namin bunuin sa loob ng isang sem na may humigit kumulang limang buwan! Sulit ang 8 hours a day, 5 days a week at 4 weeks a month! Idagdag pa ang pasok sa sabado para sa isang major subject at isang minor subject. Juskodida!

Pero masasabi kong sulit ang lahat ng pagod ng kanina'y napadaan ako sa bulletin board ng school kung san nakapaskil na ang mga kandidato at kandidata sa darating na graduation. Excited much ang lola niyo. Hanap sa BSBA, hanap sa MA, hanap sa letrang "C", hanap sa pangalang, Corillo, Maryjane G. at poof!!!! Hooraayyy! Tila nagningning ang bulletin board sa aking paningin. Bahagya pang iniurong ang atensyon sa bahagi kung san nakalagay kung anu pang requirements ang kulang ko. Ayos Form137 lang. At umusog pa ng konti. Shet! May NFE pa pala ako last sem, di ko pa kasi napapasa ang hard copy ng Thesis namin. Pero okay lang, ang mahalaga nakatakda ang araw na pinakaaasam ko at ng magulang ko.

Sa room, hanep, muntik na mabuo ang klase. Paano ba naman, tinatamad na din ang iba, kung hindi lang exam e malamang back to normal ang loob ng silid, bakante ang mga upuan at walang nakikinig.

Excited much ang isa't isa, parang isang buwan kaming di nagkita-kita, lagi kaming ganoon. Imbis na makinig sa prof, nagdadaldalan, nagkekwentuhan tungkol sa mga adventures namin sa aming internship.

Bumukas ang pinto at pumasok ang kapitan, si Arvin, Kap ang tawag namin sa kanya. Kasi dati tumakbo xang kapitan sa kanila. Nagulat ang lahat sa suot niyang polo shirt at sabay-sabay namin siyang kniantsawan.

"Hanep! Ayaw mo mag Lacoste! Muntik ng lumaki yang buwaya jan ha"


Paano ba naman, ang laki ng buwaya! kasing laki ng Nokia5210 pag nakahiga!
E syempre mga inosente kami, ngayon lang kami nakakita nun.
Ayaw magpakilalang Lacoste! Akala ko nga ay emit, sadyang tunay pala, nakakatawa... 
Kaka-imba! Hindi kami nakapag-move on sa kakatawa hanggang sa magsimula ang exam

Natapos agad ng mabilis ang exam, sagana sa multiple guess at kunyari ay nagcocompute pa.
Nagkayayaan sa Mcdo para mag-almusal, sarado pa ang mga malls, so wala munang gala at excited na kaming matulog sa kanya-kaya naming tahanan.
Sa Mcdo naikwento ko yung nabasa kong blog ni Istambay, Ang tatlong muka ng kamatayan. Wala lang naishare ko lang naman. hehehe

Nagkayayaan na din mag-uwian.
Si Feng ang pinakamakulit din sa samahan ay bibili daw ng siomai.
Sinamahan ko na siya, gusto ko din kasi ng siomai na all time favorite ko.
Pinipilahan ang mga siomai house doon, meron din silang mga budget meal, ang rice with siomai and unlimited garlic.

Feng: Ate siomai nga po six pieces, take out.
Jhnegpot: Ako din po.
Ate: Miss wala pang bawang, okay lang ba?
Jheng:Sige po okay lang.
Feng: Ay ning alam mo yung sa text? 
Jheng: Anu yon?
Feng: Sabi ang pag-ibig daw parang spagetti, at ang sex yung cheese, pwede mo namang kainin ng wala yung cheese. Parang bonus na lang yon. Diba?
Jheng: Oo nga! Tama!

Sabay napatingin kami sa binabalot na siomai ni ate.

Jheng: Ang pagibig parang siomai, at ang sex yung bawang, pwede mong kainin ng walang bawang!
Feng: Hahahaha.. tama!

Sabay apir!


Bakit napapunta sa pag-ibig at sa sex?
Ewan ko ba kay Feng! hahaha



28 January 2011

Hurado o Burado

Magnanakaw, mamamatay-tao, rapist, carnapper, holdaper, terorista, suicidal, video scandal, pornograpiya...

mabigat ba? sige pagaanin natin.

Sinungaling, manloloko, bastos, mapag-mataas, mayabang, madamot, tamad, mainggitin, malisyoso/malisyosa, chismosa...

Ang hatol ng tao:

"Parusa ang kapatawaran sa iyong mga kasalanan. Kalaboso sa kulungan.  Bartolina. Labing-dalawang latigo. Lumuhod ka sa asin. Ilalagay sa sako at ibibitin patiwarik. Isang linggong di kakain. At kung hindi man ay buhay mo ang kapalit."

Ang hatol ni Bathala:

"Magsisi ka sa iyong kasalanan. 
Pinapatawad kita aking anak."


Human Justice vs. Divine Justice

Kahit ano pang gawin mo sa buhay mo. Kahit pa sa huli mu lang naiisip ang pagsisisi.
Naalala mo ang lahat ng sakit at dulot ng iyong mga kasalanan at pagkakamali.
Naalala mo ang mga taong iyong naapakan, mga bagay na nasira, mga pagkakataong nawala.
Ang dami mong naisip, ang daming sinisi, ang daming pinanghinayangan.
Once in for all, himingi ka ba ng tawad sa KANYA? 

Ang hilig natin manghusga, magturo, mangonsensya.
Ang panget niya, ang bobo niya, ang tanga niya, ang sama niya, wala syang kwenta, hayop!
Hala sige turo, tapos habang nakaturo, subukan natin humarap sa salamin.

Tanda ko pa ang isa sa mga homily ng paborito kong pari.

"Ang Diyos ay Diyos na nagliligtas, Hindi Diyos na mapanghusga."

Minsan naiisip ko ako yung isa sa mga nagpako sa kanya.
Yung isa sa mga nakikisigaw ng
 "Si Hesus na anak ng Hudyo!ipako sa krus!"
At siya tahimik, nakayuko, ipinako na't lahat-lahat, sa muli NAGPAPAKUMBABA.

Nobody's perfect.
 Pero sabi niya nga
 "You don't need to succeed son, just try, and i will make it worthwhile."

alay ko sakanya tong sining na toh.

Will it be a beautiful ending? Part 3

Nagpatuloy ang pagiging textmate ni Enaj at Jay.
Nag-aasaran na parang ang tagal na nilang magtropa.

Dumating sa point na kay Jay lang sinasabi ni Enaj ang problema niya, dahil alam niya mapagkakatiwalaan niya ito. At alam niya na handa itong laging makinig sa kanya.

Ng biglang ng etchos si Enaj.

"Ui magkwento ka naman sa mga naging lovelife mo jan."

ng mabigla siya sa sagot nitong

"May gf ako, mag five years na kami."

wapak! tumbling! toinks! baktayb! harlem!

"Ahh ok... tagal na pala."

sa isip niya: ai nuh ba yan! taken na pala ine! awts... basted na naman sa crush!

"Pero para lang akong single lad, supportive lang kasi siya sakin."

Pakk! Tumbling! Chet! sa isip nia: takte anung lad? hanap sa dictionary... ahhh... boy... islow!

"Ahh okay... Gudluck ha!"

bitter ocampo ang lola mo.

sa isip niya: So pano ba yan... out of coverage, out of stock, cannot be reach, check off! Aba'y wag ng asahan...

at ganun na nga. wag ng umasa pa.

Ngunit nagpatuloy pa din ang pagtetext nila.


Ng isang araw nagkaproblema ang lola.

"Ui enaj may problema ka ba? tamlay mo ata e?"

"ahh wala to... problema lang to noh."

"Anu yun baka makatulong ako?"

"Wag na.... wala toh."

"Ano nga yon?"

"Wala nga"

"Bakit ayaw mo na sabihin? Lagi ka naman nagsasabi ng problema sakin ha"

"Kasi....."

"Ano?"

"Kasi ayuko na mas mapalapit pa tayo... Pagnagsasabi ako sayo ng problema ko, mas napapalapit lang tayo, ewan ko... Babae din ako, may gf ka..."

sa isip niya: tama ba mga sinasabi ko? bakit binibigyan ko ng malisya ang pagkakaibigan at pagiging close namin? 

Ang problema po ni Enaj e sa ibang aspeto ng buhay niya.

"Oo may gf ako, mahal ko yun, pero di naman ibig sabihin nun sa kanya lang iikot ang mundo ko."

"Ahh ok... iwasan mo na lang ako."

Hanggang nawala na ang signal na nagduduktong sakanilang dalawa.
Isang linggong nanahimik ang cellphone ni Enaj.
Pati ang buhay niya dahil dumalo diya sa isang retreat for 4 days.

Habang nasa retreat house, habang naglalakad at nagpapahangin:

"God... tama ba yung ginawa ko? yung sign? mali ba ko na inakalang siya yon? hai pasensya na kung nagmamadali ako, ayan tuloy basted na naman.... :) joke lang po God..."

Pagkatapos ng apat na araw ng pagninilay-nilay, naliwanagan na din ang isip niya.
Tinext niya si Jay.

"Ui Jay pasensya na sa mga sinabi ko, masyado akong madrama. Wala naman ako ibang ibig sabihin don. Pasensya na kung naging malisyosa ako. Sana kalimutan na natin yun... Friends na ulit sana tayo."

"Wala yun, parang napahiya lang ako sayo.. Pero wala yon."

To be continued....

di ka makarelate? basahin mo muna to:)


26 January 2011

Usapang Panadero

Hindi ko alam kung anung meron sa araw na to at umikot sa isang bagay ang mundo ko.

Pagkababa ng jeep, pagkalapag ko sa pick-up point ng shuttle sa nipag-oojt-han ko.

Kuya Vince (Empleyado1): Jay! Gusto mong tinapay?

*Wow tinapay daw... tamang-tama di pa ko nag-aalmusal"
Ng biglang inunat niya ang kamay niya na nakaturo sa isang direksyon.
May naaninag akong dilaw na bagay.

kawawang tinapay! actually hindi ayan yung nakita ko, pero ganyan na ganyan!

Hindi pa man ako tuluyang napapatulala sa aking nakita.
Napatawa ako ng bongga, with matching bungisngis pa.

"Naku naman nag-abala pa kayo! Busog pa ko e... maya na"

Kuya Loiue (Empleyado2): Hati talaga kami jan e, tag-isa... Pero makihati ka na din samin.

Isa pa uling tawa.

Kuya Vince: Maya na natin kainin, pinapainit ko pa e.

Hanggang sa dumating na ang bus.

Kua Loiue: Tara na kunin na natin.
Kuya Vince: Maya nga babalikan natin.

Lakas tripang dalawa hanggang makarating sa aming destinasyon.
Napraning na at di makapag move on sa nahulog na tinapay.

Lunchbreak

Joya (ka-ojt1): Teka lang may dala pala akong pagkain.
Jhengpot: Kunin mo na dali! anu ba yan?
Joya: Tinapay! Sandwich!

Pagkatapos kumain, may nakaplastik na tila kahinala-hinala sa aking paningin sa lamesa kung san kami nakain.

Jhengpot: Anu to?
Ara (ka-ojt2): Tinapay! Mamon, iyo na lang!
Jhengpot: Sige akin na lang...Salamat!

Pagkauwi ko

Nagluluto si Ama ng kung anu sa kusina.

Ham!

Pudra: San ka kumuwa ng plastik na ginamit mo kahapon sa baon mo?
Jhengpot: Jan... (Sabay itinuro sa kanya ang pula at dilaw na plastic na pang balot ng sandwich)

Pagdating ko sa sala. May Buns o Burger.

Jhengpot: Para san yan pa?
Pudra: Ipapalaman ko yung ham, oh diba hamburger. Babaunin ko bukas.

At kanina pla bago ako umuwi. Dumaan ako ng Mcdo.

"Burger mcdo nga po, take out!"


Anu bang meron sa tinapay?
Sign ba to na magiging tinapay na ko sa mga susunod na araw?
Shet! Wag naman muna! hahaha

Naalala ko tuloy

Tropa1: Anung tawag dito sa tinapay na to?


Tropa2: Ano... anu nga ba?
Tropa3: Ahh yan? Tol anu pa, may pulang palaman, ehdi PAN DE REGLA!


--------------

Kuya (ko): Hoy Sol maligo ka nga!
Sol: Bakit naman?
Kuya: Amoy tinapay ka na!
Sol: Anu yun?
Kuya: Anu bang tinapay ang kasing amoy ng kili-kili mo?


Ehdi Putok!



25 January 2011

Will it be a beautiful ending? Part 2

Ilang araw na lang at tuluyan ng mamumukadkad ang bata.
Ang araw ng pagdadalaga ay abot kamay na.
Ilang araw lang din ang pagitan nito sa Valentines day.
Apat na araw bago ang pinakahihintay na gabi,
 isang kaibigan ang dumalaw.
Nag-iinquire ng kung ano bang magiging role niya sa birthday celebration ni Enaj.

Pagkalabas ng bahay, tumungo siya sa kanyang kaibigan na nasa bahagyang kadiliman.
May kasama pang isang lalaki.

"Oi Dee! Kaw pala! mustasa? sa bday ko ha, kasama ka sa 18 dance ko. Oh teka sino itech? si Neil ba toh?"
Bahagya niya pang nilapitan ang di mamukaang lalaki.

"Si Jay yan..."

"Ahh okay, kala ko kung sino."

Kilala niya ang lalaki kahit di pa sila nagkakaroon ng formal na pagkakakilanlan.
Dahil nakikita niya din ito sa kanilang lugar.
May organisasyon din ito sa simbahan.
At nagbabanda ito, kung san kilala naman lahat halos ni Enaj ang mga banda sakanila.
Simpleng may pagkarakista naman kasi siya.

"Ui Dee ano sasayawin natin? Kahit anung tugtog... Kakaiba dapat!"

"Totoy bibo!"

"Sige-sige maganda yan, panu steps natin?"

Nag-animo'y bulaklak sa pader si Jay.
Habang si Enaj at Dee naman ay patuloy sa kanilang pag-uusap.
Ng biglang nahulog ang isang bituin mula sa kulay abong kalangitan.
 In short, isa pong shooting star.

"UIIIIIII!!!!!!!!"

Tila nagsabayang bigkas ang dalawang lalaki. 
Nakatalikod si Enaj kaya nanghinayang siya kasi hindi niya ito nakita. 
Super duper fan siya ng mga bituin.
 Kulang na lang dun sya tumambay sa bubong nila para lang lagi-lagi masilayan ang mga ito, kahit mapa-shooting o falling star, o kahit steady lang naman.

"First time ko makakita nun ha!" ani Jay.

"Weh talaga? Try mo one night tambay ka sa bubong niyo, di bababa sa lima makikita mo." sagot ni Enaj

"Ows talaga, ang ganda at ang galing pala nun."

"OO naman noh."

"Nga pala san ka nag-aaral."

"Jan sa Laurel Legacy School sa tapat ng bundok ng Makiling."

"Talaga? May kakilala ako duon e."

"Weh? Sino?"

"Si ano, basta aun."

"ahh hindi ko sya kilala, ui punta ka sa bday ko ha."

"ahh cge, kelan ba?"

"sa 22 pero sa 21 celebration."

"magkalapit lang pala tayo e, sa 26 ako."

"ui kampi ka pala e! Apir."

Hanggang si Dee naman ang na-o.p.



Lumipas ang apat na araw. 
Ang araw ng pagsalubong sa kanyang kaarawan.
Tinext brigade niya ang lahat ng kaibigan, klasmeyt, katropa, kakilala, kamag-anak at ang bagong kaberks na si Jay.


Naging masaya ang kanyang gabi. 
Ayun ang pinakamasayang birthday ng buhay niya.
Kumpleto ang buong pamilya.
 Andyan ang mga kaibigan at tropang nagparty-party hanggang mag-umaga.


Kinabukasan. Ang tunay niyang kaarawan. May nagtext!

"Ui happy birthday. Jay to, pasensya na di ako pumasok, nahiya kasi ako. Pero pumunta ako."

"Ahh ganun ba, wala yon noh! Thank you!"

At dito na nga nagsimula ang kanilang pagiging textmates.
Biruan dito, biruan don. Share dito, share don.
Hanggang sa tinext ni Enaj si Dee ng

"oi magkwento ka naman...kahit ano."

Walang pasubaling nagreply si Jay ng

"alam mo ba crush kita."

*wenkz!

Hindi alam ni Enaj ang isasagot niya. Anong
alam ng isang tulad niyang NBSB at SISA sa mga ganito?
Na windang ang lola mo! Haba ng hair! Ang ganda noh!

"Ganun ba? Alam mo madami akong crush e, pero isa ka ata don!"

Hanep talaga sa banat tong si Enaj. Aminin, kinikilig ang bata!


to be continued...

24 January 2011

Will it be a beautiful ending? Part 1

SISA.

Ayan ang katayuan ni Enaj sa buhay.
SISA as in Single and Satisfied.
Walang pakialam sa magulo at masayang mundo ng pagmamahalan in between gf and bf.
Laging broken sa mga crush niya, take note, crush pa lang yan dahil isa din po siyang NBSB.
No Boyfriend Since Birth.
Single, pero masaya siya. Broken man, hindi ganun ka wasak.
 Kalmado lang.
Romantic and sweet, pero hopeless. Anyway, wala naman syang pakialam kung single sya.
At the age of 17 napakabata niya pa para maging themesong ang kantang "Tumatakbo" ng Mojofly.
Hindi naman big deal sa kanya ang pagiging single. 
Pero may pero-pero sa kanyang ulirat.

"Anu kayang feeling ng may taong nagpapahalaga sayo higit pa sa isang kaibigan?
Would it be nice kung magkaka-boyfriend ka at your teenage life?"

"Lord... Please give me a sign kung magkakalovelife na ko ha. Para makapaghanda naman ako at makapagpaganda."

Actually, may mga pumipila na para ligawan siya.
Ang kaso, yung mga tipong "di tayo talo friend!"

Nalalapit na ang araw ng pinakahihintay niya.
Ang kanyang labing-walong kaarawan.
Ang pagdadalaga ni Enaj.
Pero bago yun mauunang dumating ang Valentine's Day.
Eto na naman ang araw na ito. Bakit ba lagi syang bitter pagsumasapit ang okasyon na toh?

"Wala bang magbibigay ng rose? wala bang mag a-i love you? wala bang mang-aaya makipag date malimban sa mga friendships?"

Isang Valentines party ang nakahanda sa kanilang organisasyon.
Hindi na rin masama. At least may mapupuntahan at makakasama siya.

Masayang nakilaro, nakisayaw at nakisaya si Enaj. 
Walang kamalay-malay sa mga susunod na mangyayari.

Facilitator ng party: 
Guys! Eto na ang pinakahihintay natin, ngayon malalaman natin ang king and queen of the night sa pamamagitan ng bunutan at pagbuo ng puso. Ang bawat isa ay kukuha ng kalahating pusong papel. Magkahiwalay ang babae at lalaki. Kung sino man sa isa sa mga babae ang makakabuo ng puso kapartner ang isa pang lalaki na kahati ng papel na puso ang siyang mananalo! Let's get it on!

Sa isip ni Enaj, biglang nagpop-up ang isang ideya.

"Lord kung ako to, o ako yung babaeng makakabuo ng puso... it means...............magkaka-LOVELIFE na ko!"

Pagkakuha ng kalahating puso. Sa isip niya hindi siya ganoong umaasa. Dahil sa loob ng tatlong taon niya na umaaten ng party na iyon tuwing valentines e hindi siya ang nakakabuo. Hindi  naman kasi siya matatawag na maswerte sa mga ganyan. In short wala namang mawawala kung hindi siya ang makakabuo. At hindi rin naman siya magkakaroon.... ng Lovelife. aguy!

Bunot. Hanap-hanap. Unang try sa isang guy na kakilala.
Failed!
Panagalawa.
Failed!
Pangatlo.
Weh? di  nga? totoo? WOOOOH!

Masayang masaya si Enaj dahil siya ang tinanghal na Queen of the night at may papremyo pang dark chocolate na favorite niya.
Ang haba ng hair!

Galak na galak siyang umuwi,parang nananalo sa lotto.
Bago matulog, nagdasal siya. Bago pa man siya mag-umpisa, bigla niyang naalala ang SIGN na hiningi niya.

"OO nga pala... Lord this is it na ba talaga? Thank you po!"


To be continued....