27 February 2011

Unang pagkakataon

Sa unang pagkakataon nasabi ko sa harap ng madla kung gaano kabait at kabuting tao si Myra.
Hindi matila ang pag-agos ng aking luha at galak sa aking puso.
Bumalik lahat sa aking ala-ala ang masasaya at maganda naming pinagsamahan.
Mga simpleng bagay at kababawang pinag-ukulan ng ytampuhan at kaunting away.
Mga halakhakan at kulitan na di ko makakalimutan.
Hanggang ngayon napakaganda pa rin niya suot ang paborito niyang damit.
Hindi ko man makita ang kislap ng kanyang mata at ngiti na siyang lalong nagpapa-aliwalas ng kanyang muka.
Batid ko naman na masaya siya.
Sa araw na ito din ang unang pagkakataon nabibigyan ko siya ng bulaklak.
Ngunit hindi niya na ito matatanggap gamit ang dalawa niyang kamay at pasasalamat.
Mahirap tanggapin na sa unang pagkakataong bibigyan ko siya ng rosas ay ihahagis ko ito para iabot sa kanya. Kasabay ng kanyang libing. Kasabay ng kanyang paglisan.

.............

Huwag nating hintayin pa na mahuli ang lahat bago natin gawin ang mga bagay na dapat sa unang pagkakataon ay di na natin pinalagpas. Mahaba pa ang oras. May 24 hours ka pa, 7 days, 4 weeks para iparamdam sa taong minamahal mo ang lahat. At ayun ay kung hindi pa talga huli ang lahat.

24 February 2011

BEERDAY

Ang bilis ng panahon, nung firday parang naglalaro lang ako ng paper doll, nung sabado parang nababadtrip pa ko pag inaasar ako sa crush ko, nung linggo parang dun lang ako unang nainlove, nung lunes parang hinarap ko lahat ng pagsubok ng pagiging teenager, at nung martes... aba! goodbye teenage life na. Welcome to more mature role, hindi po sexy role sa tv o movie. Kundi bente anyos na pala ako. Pero ganun pa din naman ang ugali ko, parang bata di alintana ang larong pangmatanda. But at the age of 20, marami na din akong napagdaanan. Nitong linggo, para akong rebisco dahil ang kapal ng feeling ko. Aba xempre, moment ko toh! Sobrang tumaba ang puso ko sa mga bumuhos na pagbati, napakasaya na minsan sa isang taon e sabay-sabay kang maaalala ng mga taong mahalaga at nakakakilala sayo. 


Bago pa man dumating ang araw na iyon, iniisip ko kung anung gagawin ko. Kung wala lang ba, hahayaan ko lang lumipas ang araw na yon tulad ng pangkaraniwang nagdaraan. Pero naisip ko, anu ba yan! hanggang birthday ba naman eh senti mode pa din? Kaya sabi ko bahala na, di ako mag-eexpect, basta gigising ako. The first thing I did, like what i used too, e nagdasal, nagpasalamat dahil nakaabot ako ng ganitong taon. Nagpapasalamat ako sa eksaktong kakayahan, sa mga taong nanjan, sa mga opportunities, sa gabay, at iba pa. Sumikat ang araw na katulad ng ibang ordinaryong panahon ngunit ang pakiramdam ko ay nag-uumapaw, parang ngumiti si haring araw. NAtutuwa ako sa roses na natanggap ko mula sa kaklase kong si Joya. "Oh ayan, diba gusto mong rose, pinitas kita sa garden namin" sa tuwa ko e niyakap ko siya. PAg-upo sa table, "HAppy birthday to you, happy bithday to you..." napasayang pakinggan ang awiting ito ni Mam Ibette sa akin. Sabay tanong ng "anong plano mo?", at biglang sambit ng walang pasubali "baka pumunta po akong sementeryo". Anong pumasok sa utak ko ay sinasabi ko toh? At nagtaka naman si Mam Ibette na inakalang nagbibiro ako "Anu daw?". "Dadalawin ko po si mama, baka siya pa dumalaw sa kin para batiin ako e" sabay dinaan sa biro at tawa. Isa pang awit ang aking narinig mula kay Ate Belle "Happy Birthday sister, eto gift namin sayo, talagang hinabol ko yan ha". Sobrang tuwa ko nayakap ko siya.

Syempre di ko makakalimutan ang unang bumati, si MAHAL... Na hinantay pa talaga ang madaling araw kahit tampururut ako sa kanya. Si Papa na muntik na makalimutan ang araw ko. Kay Bes Aub na nag-effort pumunta sa bahay kahit hindi ako naghanda.

Maraming salamat sa inyo :)


PAsensya na nga pla at mejo lilow ako ngayon. Busy mode ang lola niyo :)

16 February 2011

Define RNR

Dadating daw si Edgar? Yan ang kumakalat na balita at chismis ngayon sa school. At totoo nga, confirmed! dadating ang parokya ni Edgar sa Feb 25, ang mahal nga lang ng ticket. At sinama pa nila si Moonstar88. Nanginginig na ang mga paa ko, kating-kati na makipagrakrakan at slumman.
RNR na toh. Ano ba ang RNR? Rest n rest? Rica n rowell? Rice n ramen? Anu daw!
RNR- ROCK 'N ROLL


Go ako jan lagi, nakikipagbalyahan pa! One time nakipagsabayan ako sa mga nagsslumman na ang lalaki ng katawan, walang pasubali! tumalsik ang lola mo at sabay tayo go pa din, si boyfren natawa ng natwa sa gilid, niyayaya ko nahihiya daw siya. Ang dami ko ng nakakatawa at nakakatuwang experience tungkol sa rnr. Si kamila? Nako! Ang galing niyang magheadbang, aroud the world back and forth! Nakainom pa yun ha, iyak tawa sa hilo.


Sobrang nahilig ako sa banda, siguro nasa dugo. 15 years old ako nung matuto mag-gitara, out of curiosity, bigla na lang inagkainterasan ang gitara ni kuya. Nagsimula ako sa gitnang page ng songhits, pinag aralan ang fingers 1234 at frets. Hanggang sa nagpaturo kay klasmeyt at mas lalong nagets nung tinuruan ni pudra at kuya. Una kong natugtog ng buo e yung "kung wala ka" ng Hale. Hanggang sa nagkaroon na kami ng banda sa family, complete accesories! Si pudang sa lead guitar, bunso on drums, kuya on keys, other kapatid on vocals at jhengski on bass. At ag tugtugan- Anak mahirap (wala na ata nakakaalam nito), Salamat, Basket Case, etc. First exposure nung nagdebut ako at dun nadiscover, napasali sa isang banda na kasamahan din sa youth. Okay ako daw si Lalai ng Urbabdub kaya Urbandub ang tugtugan at iba pang opm. Napakademanding ng buhay banda,nabubuhay kayo sa practice at sifra. Kaya ngayon umexit ako, mas demanding ang 720 hours na ojt.




Gusto ko na din gumawa ng sariling banda, yung all grils para mas astig. Gusto ko din matuto mag keyboard at syempre ang pinakapangarap ko, ang magviolin. Tinry ko magdrums, ang sakit sa binti! Sa bass naman, durog ang daliri ko sa laki,taba at tigas ng string. Pero enjoy tumugtog lalo na pagnanarerecogniza kaya ng tao. Minsan naglalakad ako sa daan, ng biglang "Lalai idol!" oh diba ang taba sa pakiramdam. Tapos kumikita kayo, which is bonus na lang yon.


Ang ultimate crush ko, musician din. Si Mong Alcaraz ng Sandwich at Chicosci. Pati si Aira Cruz ng nabuwag na Bamboo. Super idol ko ang mga babaeng musikera, una na nga jan si Mylene Academia ng Sandwich. Si Lalai ng Urbandub, Aya ng Imago, si Ashanti, ang General Luna, si Lougee, Barbie Almabis. Sa foreign favorite ko ang Red Hot Chile, Maroon 5, Eagles, Ashanti, Hailey Williams of Paramore and many more. Sobrang dami talaga.

13 February 2011

Araw ng mga nguso

Kanina tanghali na ko nagising nag-iisip kung tatamarin o hindi.
Baka sermunan lang ako sa bahay kaya papasok na lang ako.
Napadaan sa isang flowershop, aba ang daming bulaklak, malakas ata ang bentahan ngayon.
Putek! Valentines Day nga pala! Nawala sa ulirat ko!
Hahahahahang over! Hang over sa puyat!

Para sa mga single and satisfied o sisa
Sa mga taken and satisfied o tasa
Sa mga supported and solo at pure and kind na bahala na kayo mag-abbreviate...
Sa mga nagpapanggap na masaya, sa  mga tunay na masaya, sa mga bitter, ensekyora
at iba pa...
Kalma lang kayo! Araw ito ng ating mga puso!
Kahit ngayon lang magpakasaya tayong lahat!

Pahabol pala para sa mga lasenggero at malapang...
Araw ng mga puso ngayon, break muna tayo sa alak at cholesterol..

10 February 2011

Sharing

"Kapag masaya ka i-share mo sa iba ang happiness na nararamdaman mo, tell them your story, cause when you do, namumultiply ang happiness as you share it with others. When you're sad, ishare mo din, para ma-divide naman ang sadness o pain na nararamdaman mo..."
Madaling araw na nuon, puyatan para sa easter vigil. Pero hindi ko makakalimutan ang sinabing ito ni Brother Tito, ang isa sa spiritual advicer ng Franciscan Youth Movement.

Sharing is a way of life. Sa sharing mo natututo ang bawat isa. Sa sharing mo, natututo kang magtiwala sa ibang tao maliban sa sarili mo at kay Big Bro. Hindi to nawawala sa araw-araw kong buhay, open kasi akong tao, hindi ako mahilig magtago ng sikreto at nararamdaman. Ayuko ipunin at malunod sa inipon kong yun. Nakakagaan ng loob kapag nilalabas mo yung nararamdaman mo. Bukod sa advices na binibigay nila sayo at pag-intindi sa nararamdaman mo, sharing itself gives you a relief feeling.

Sa FYM o Franciscan Youth Movement, isa sa mga foundation ng grupo ang pagbabahagian. You can share anything, kung may tumimo sayo sa mga pagbasa sa bibliya, o kamusta kana, o kaya kung may kwento kang nakaka-inspire, broken ka man, nais mo ibahagi ang mga tagumpay mo sabuhay, mga natutunan mo, nangyari sayo sa school, sa trabaho o sa bahay. Anything will be accepted and everyone will listen, without side comments, ikaw ang bida sa moment na yon. At the end of your sharing, papalakpakan ka nila, hindi lang dahil sa kinuwento mo na napakaganda o nakakaiyak, kundi dahil sa pagtitiwala mo. Well, hindi lang naman talaga sila ang kausap mo, kundi si God na nasa harapan niyo.

But before that, may bible reading, prayers, and taizei prayers(mga dasal na paulit-ulit na kinakanta sa saliw ng acoustic). At kapag napuspos ka ng ispirito santo, ang palatandaan na ready ka magbahagi e kakabahan ka sa di mo malamang dahilan. Someone will break the silence "Kapatid, 9:32 ng gabi, hindi mo na maibabalik ang araw na ito, mamaaring bukas andito ulit tayo, pero hindi mo na maibabalik ang pag-aalab na nararamdaman ng puso mo ngayon, the floor is yours, handa kami pakinggan ka at isuko mo ang lahat sa kanya."

Lagi akong nagshe-share sa kanila, kasi after nun kakaiba yung pakiramdam,parang na re-charge ka. Tapos nakakatuwa pa minsan na after ng pagbabahaginan niyo e may mga lalapit sayo. "Pareho tayo" "Kaya mo yan" "Na-inspire ako sa sinabi mo" "Peace be with you kapatid." Nakakagaan ng loob. When someone shares a little piece of his/her life to me, dun ko nasusukat ang pagtitiwala niya at pagsisimula ng aming pagkakaibigan.

Ma-SHARE lang :)

Speechless!!!

Anu bang masasabi ko sa ngayon? Uhm.... Madami akong gusto sabihin.. pero nauutal ako, anu daw? Kasi naman ganito pala ang feeling ng nakakatanggap ng isang award na pinaggugulan mo talaga ng pansin, maliban sa masarap din makatanggap ng award mula sa iba dahil naapreciate ka nila, isang malaking bagay din yun! Unang una salamat kay Kamila na siyang pasimuno ng patimpalak na Mapagmahal Blog Award. Hindi ko naman akalain na sasali ako, kasi bitter ako nun (medyo lang naman). Di inaasahang magugustuhan ng ibang madla ang kwento ko, true to life po iyon. Gusto ko lang ilabas ang nararamdaman ko,  and poof! it became cococrunch! char!

Salamat sa pag-appreciate sa blog entry kong Sa Aking Pag-lingon at sa natanggap kong award dahil dito... Nakakataba ng puso! Dahil jan magpapa-inom ako! Hehehe

Ang mga entry na ito ay mga entry na simple ngunit may dating para sa mga hurado.





Muli salamat sa mga nagbasa, naiyak, nakiisa sa dalamhati ko, nag-advice, natuwa at nag-award! MUAX!
Congrats din sa mga nanalo


ganito ako kasaya ngayon.... :) hahaha

05 February 2011

Handa ka na ba?

woooooossshhh...wooooossshhh...wooooooossssssshhhhh.
Hindi po yan si swiper no swiping ng dora the explorer.Ito ang hampas ng hangin mula sa napakataas na bundok.Sa kadiliman ng gabi, tanging buwan ang nagsisilbing ilaw. Halos malayo na rin ang narating ng lalaki mula sa ibaba ng bundok, ilang metro na lang ang bubunuin upang marating ang tuktok na matagal niyang inasam abutin. Tama kayo, isa siyang mountain climber. Ang bundok na ito ang isa sa mga pangarap niyang abutin. Tanging tali ang nagsisilbing seguridad niya sakaling humampas ang malakas na malakas na hangin at  makibataw siya sa mga malalaking tipak ng bato. Ayan na... Sobrang lapit na, ng biglang umihip ang higanteng hangin at tuluyang nakabitaw sa mahigpit niyang kapit. Mula sa  tuktok siya ay bumulusok pababa ng bundok, parang eroplano na magka-krash. Ngunit bago pa tuluyang sumalpak sa lupa, hindi siya binigo ng taling nakapalibot sa kanyang bewang. Walang makita kundi dilim. Hindi niya alam kung gano kalalim ang nasa ibaba niya.

Isang pangalan ang kanyang tinawag at humiling.

"Diyos ko iligtas mo po ako."

Isang tinig ang nagmula sa di malamang lugar.

"Putulin mo ang tali."

Sa takot ng lalaki na mahulog at tuluyang madedo. Hinayaan niya ang kanyang sarili na nakasabit, umaasang may darating na tulong.

Kinaumagahan isang balita ang agad na kumalat sa bayan.

"Isang mountain climber ang natagpuang patay sa bundok, nakabitin, dalawang dangkal ang layo mula sa lupa."


Handa ka bang putulin ang taling nagdudugtong sayo sa bagay na pinakakaasam mo ngunit nagdudulot ng hirap at sakit? Nakahanda ka bang magtiwala sa KANYA? 



(nabasa ko lang sa bulletin board ng school 1 year ago)

02 February 2011

Hanggang Lingon na lang ba?

Nakauwi ako ng bahay namin,dala-dala ang bigat ng dib-dib...
Nag iisip, babalik ba ako? o hindi?
Biglang may boses na bumulong...
"If you quit, there's no turning back"
At merong nagpasa ng text quote...
"Nasa huli ang pagsisisi"
At sa programng pinapanuod...
"Mahirap pagsisihan ang mga bagay na nagawa mo, ngunit mas mahirap pagsisihan ang bagay na di mo nagawa..."

Decision.
Last year, may nabasa ako at tumimo naito sa aking puso
"The best decisions in life are not necessarily the right decision, it depend on the things and people we value..."

Napaisip ako ng malalim, napabuntung-hininga...
Balang araw kay? Hanggang lingon na lang kaya ako?
Binalikan ko ang lahat...
I take my own risks.
Paninindigan ko na toh, kesa pagsisihan ko...
Sabi nga ni Bo Sanchez
"Any kind of growth requires any kind of risks, if you dont risk, you don't grow."

P.S

Bago pa umabot sa magulong sitwasyon, humingi ako ng sign SAKANYA.
Hindi yun dumating, gumawa ako ng sariling plano.
Siguro kung nagtiwala ako sakanya hindi kami aabot sa ganito.
Ganun pa man, masaya ako.

Salamat sa mga ka-blogs na nagcocomment at walang sawang nagpapayo!

01 February 2011

Sa Aking Pag-LINGON

Alas onse na ng gabi, walang tigil ang paghampas ng hangin.
Isang mensahe ang aking natanggap.


"punta ka dito please... sige na ate...please.... naiyak siya, iyak ng iyak... please po ate..."


Mahigit isang kilometro ang layo ng lokasyon na kinalalagyan niya.
Bukod pa dito, nagkalat ang mga tambay,lasing at bakla sa daan na pwedeng kang pagtripan.
Ngunit di ko alintana ang panganib ng kadiliman at gabi.
Patuloy na naglakad at tumungo kung san siya naroon.


Hindi ko maintindihan.
Bakit?Ito ang walang tigil na katanungan sa aking isip.
Habang walang paghinto ang mga katanungan siya ring takbo ng mabilis na oras.
bente minutos ang lumipas.


Bahala na.
Isinuot ang makapal na jacket, at dali-dali akong naglakad kung san siya naroon.
Wala ni anino ng tao ang nadatnan ko sa labas ng bahay, bahay ng kanyang kaibigan.
Sa katabing bahay,isang lalaki ang lumabas at ang tanong niya
"Ate sinong hinahanap mo"
"Ahh san po ang bahay ni Tita Karen?"
"Jan...tumawag ka, anjan sila" sabay turo sa katabing bahay na walang kailaw-ilaw
"May tao pa po ba jan?"
"Meron yan, sino ka ba? maniningil ka ba?"
"Hindi po, may hinahanap lang akong tao"
"Sino?"


"Si Henry ho..."
"Ahh..ikaw yung kapatid niya?"
"Hindi ho... girlfriend niya po"
"AHHH... (malakas niyang sambit) may problema daw kayo ha, andyan siya lasing nag-iiyak dito kanina..."


Lalong lumakas ang pag-aasam kong makita siya, makausap at muling mahawakan...


Isa pang lalaki ang lumabas mula naman sa bahay ni Tita Karen


"Ui Jhay!" tila nagulat
"Si Henry?"
"Tulog na..pasok ka dito"
"Ahh ganun ba, tulog na pala e, sige alis na ko."
"Jhay wait lang...please... iyak siya ng iyak kanina."
"Sige tawagin mo, dito kami mag-usap"


Lumabas siya mula sa madilim na bahay.
Gulo-gulo ang buhok, pagewang-gewang, wala sa wishu.


"Ui... galing ka sa work?"


Pinipilit kong di magsalita, pagkat nawawari ko na kasabay ng pagbuka ng aking bibig ang siyang pagpatak ng aking mga luha.
Lumipas ang limang minuto.
Tahimik. Animoy may bayad ang pag-uusap.
Limang minuto pa ulit.


"Bakit ka nga pala nandito?"


"Hindi mo alam? Kakausapin mo ko diba? Hindi mo ba ko yayakapin?... Di mo ba ko namiss?... Naiyak ka daw kanina, bakit ka naiyak? Tumahan ka na ha, wag ka ng iiyak ha, nandito na ko... Bakit lasing ka? Diba sabi ko magtitira lagi ng pang-uwi? Tigas naman ng ulo mo mahal, tingnan mo nga itsura mo, wala sa hulog. Halika dito aayusin ko yang buhok mo. San ba lababo dito.  Hihilamusan kita... Pagtapos niyan uwi na tayo ha. Na miss na kita ng sobra, ang dami kong ikekwento sayo. Ikaw kamusta ka na? Nga pala... I Love You..." - ang tangi kong nasabi...sa ISIP ko...


"Anong ginagawa mo dito?"
muli niyang sambit...


"Hindi mo alam kung bakit ako nandito? Hai.. sige uwi na ko, maayos ka naman pala dito. Geh alis na ko."


Panandalian, sampung segundo, tinitigan ko siya sa kanyang mga mata...
At siyang lakad ng aking mga paa palayo sa kanya.


Pigilan mo ko...  Please....
muli sa isip ko'y tumaktakbo.


Wag kang lilingon, magugulat ka na lang may hahawak sa braso mo para pigilan ka.
ang pilit ko namang sinasabi sa sarili ko.


Sa kalagitnaan ng isang kilometro.
Lumingon ako.
Wala ni anino at bakas ng kanyang pagkatao.
Muli, sa ikalawang pagkakataon, lumingon ako.


Doon nakita ko ang dalawang tao.
Masayang nagtatawanan at nagkukulitan.
Halos hindi mo mapaghihiwalay ang kanilang mga kamay.
Hindi mo rin mahahadlangan ang kanilang pagtitinginan.
Makikita mo sa mukha ng bawat isa ang malaki at makabuluhang ngiti.
Di alintana ang mga matang mapaghusga at mga taong nagdadaan.
Makikita mo sa akbay ni lalaki kay babae na hindi niya ito hahayaang masaktan o madagit ng mga sasakyan sa daan. Tila mapapatay niya ang siyang mananakit dito.
Sa kabilang banda mahigpit na yakap naman ang sukli ni babae, yakap na nagsisilbing pangakong hindi niya ito iiwan. 
Isang sasakyan ang dumaan at muntik na silang masagasaan.
Sa sobrang bilis nito, nadala silang dalawa at natumba.
Ngunit pinilit tumayo ni lalaki at inakay si babae, at muli silang nagpatuloy sa paglalakad. Gumuhit na muli ang ngiti at masayang nagtatawanan. 
Parang hindi man lang nasaktan sa nagdaan.
Isang sasakyan ulit ang dumaan ng pagewang-gewang at nadagit ang mag-irog.
Hindi naiwasang natumba ang dalawa. 
Ngunit sa pagkakataong ito, pareho na silang sugatan at tila di na makatayo...
Pareho nilang inaasam na matulungan ang isa't isa. 
Pilit na ibinabangon ang mga sarili sa pagkakatumba, ngunit sa lalo nilang pag aasam na makatayo, siya namang malabo. 
Dahil sa mga natamo nilang sugat at pilay, tila imposible ang makatayo.




Sa aking paglingon nakita ko ang sarili ko at ang lalaking pinakamamahal ko.


Sa aking harapan naghihintay ang daan patungo sa aming bahay.
Sa aking puso may nagsasabing "bumalik ka"...
Sa isip ko "ipagpatuloy mo lang ang pasulong mong lakad"
Hindi ko alam kung kelan ako makakabangon, at kelan siya makakatayo.
Hindi ko din alam kung magkikita pa kaming muli at kung sa pagkikita ba namin ay mahahawakan ko ulit ang kanyang kamay at makakasama sa aking paglalakbay.


Maraming tanong.
Maraming sagot sa tanong.
Madaling magdesisyon.
Ang hirap panindigan.




(Ito ang aking blog entry para sa Mapagmahal Award ni Kamila)