29 March 2011

MISSING YOU...



bakit ganun? di kita maalis sa isip ko?
kagabi bago ako matulog ikaw ang inaalala ko..
panu ako gigising bukas ng wala ka sa tabi ko?
sa jeep, ikaw pa din naaalala ko,
pag may dull moments ako sa opis, ikaw pa din hinahanap ko..
ginawa ko lahat, para di ka mawala
ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana at ika'y kinuha...
miss na kita aking celepono!!!

hanggang ngayon "can't move on" ang drama ko.
Ang hirap pala pag-wala kang kinakalikot oras-oras.
Kung may kakayahan lang ang calculator ko na makapag-text, gora sending message na sana akes!
Sayang talaga. Napakamaingat kasi ako sa gamit. At medyo kuripots! Tingin ko nga yung pot sa jhengpot ko stands for kuri POT.
Yung celepono kasi na yun sira nung napunta sakin, imbes na bumili ako ng bago nipagawa ko siya.
At sa sobrang kakurikongkong-kuripots ko e sa katropa ko siya pinagawa para "Thank you" lang ang bayad.

Sayang yung tip ng tropa ng kapatid kong badingerski.
Sana daw nung kukuwanin nung magnanakaw ung celepon sinabi kong
"Swiper no swipping!Swiper no swipping!"
at nung nag- "Oh man!" na siya e kumaripas na ko ng takbo!

Isa sa mga kinahihinayang ko pa e ang putos kong umabot na sa halos isang daan.
Sa araw-araw ba naman na nilikha ng Diyos hindi pweeng matulog ako ng walang picture-picture while facing the mirror!
At yung mga video ko dun na iba-blog ko. Huhuhu
Badtrip talaga sa egoy na yun.

kaka-DOODLE

Napakamaarte kong tao. Oopps. read between the lines mga tol.. Napakama-ART-e kong tao. Kasi mahilig ako sa mga ka-ART-ehan. Isama mo ko sa painting exhibit super duper bumper diaper mag-eenjoy ako kahit ang totoo tititigan mo lang naman ang mga larawan sa pader. Madali kong na-aapreciate ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa visual arts. Drawings, kahit di maintindihang drawing o abstract, drawing pambata, except drawing na jamming- di ganun men! Tattoo, gusto ko magpatattoo! hehe

Isang araw, 3 years ago, habang nagbabasa ng magazine na pinakakaipong koleksyon ng aking kaibigan, isang pahina ang pumukaw sa aking atensyon. Napabaling ang buong kaluluwa ko sa nakita ko. Ang galing giniling!. Napa-wow! Napa-omg! Napa-oh-oh-oh-oh-oh-awesome akong talaga!

Anu bang nakita ko? Kakaiba kasi, at kabilib-bilib! Para akong bata na natakam sa icecream na kinakain ng kalaro! Higit pa dun, tuwang-tuwa talaga ako dito!



Ang tawag dito ay DOODLE. Sabi sa google, doodle(may rhyme!) refers to absent-minded scribblings, not concious works of art that happen to be on a scrap of paper.

Na-inspire ako lalo sa sinabi ng isa sa mga doodle artist.
"There are no definite rules in arts, and if there are.. break as many as you can."
sabi ng isa sa mga taga weewilldoodle.com

ni-try ko din maggawa ng ganito... Ayun parang bata lang.






26 March 2011

MAMAMATAY KA DIN! OGAG KA!

BABALA: Ang pahinang ito ay naglalaman ng mga di kaaya-ayang mga salita. Kung badtrip ka ngayon wag mo na ituloy ang pagbabasa, kasi baka lalo ka lang mabadtrip ako pa sisihin mo!


"Tara na kasi teh umuwi na tayo!"

Di nga ko uuwi, may pupuntahan pa ko, magtricycle ka na, umuwi kana eto pamasahe. Kina Aub muna ako.

"Bahala ka nga, text mo na lang ako pag andun ka na, ingat ka"

Yan ang huling tagpo namin kagabi ng kapatid ko. Habang naglalakad sa kadiliman ng gabi hindi ko alintana ang mga pwedeng mangyari sakin. Nakasanayan ko na din naman kasi ang ganitong pagkakataon, maglakad mag isa, hating gabi, kung san-san pupunta. 
Lagi ko kasing motto e "Do not be afraid for God is with you."
Ang layo na ng nilakad ko, sarado na pala ang bahay ng taong pupuntahan ko, lakad ako pabalik sa simbahan, umupo ako sa waiting shed na katabing katabi lang ng police station at brgy hall, medyo madilim. Sa likod ng waitng shed e covered court, sa harap simbahan. Habang nakaupo, nagtext ako...

Nasan ka na? Anung oras na, ang tagal mo. Ako na lang ata mag-isa dito. then click send kay bf.

"Malapit na ko, dun ka pumwesto sa maliwanag sa maraming tao." reply niya.

Mga sampung minuto ang lumipas, biglang may humawak ng mahigpit sa cp ko mula sa likudan ko. Napakapit tuloy ako ng maigi sa celepono ko.
Sa isip ko "Anu ba toh si Bf nakuwa pa kong lokohin at biruin, badtrip na nga kakahintay."
Paglingon ko...

SHET! Sino ka! Biglang nahablot niya ng tuluyan ang celepono..
"MAGNANAKAW!!!!!!" Ang lakas ng sigaw ko na nag echo pa sa coverd court habang nagtatakbo ang lalaking may takip ng twalya ang muka. Hiphop dudong ang suot.

Umuiyak na agad ako "Tulong may magnanakaw, cp ko!"
Sa katabing katabi ng waiting shed, as in isang hakbang lang, nakatiwangwang ang police station. Pumasok ako, Nagsisigaw habang naiyak. "Manong! Ser! Tulong! Cp ko nanakaw!". Walang lumalabas. "SER!!!!! MANONG!!! P*ta**na!!! Yung cp ko ho!. Biglang litaw ng lalaking nakajersey na parang kakagising lang sabay sabing..

"Bakit ka ba nagsisigaw jan"
"Nananakawan ho ako jan! Sa Waiting shed!"

Sabay labas din ang isang manong na kasing laki ni santa claus na may hawak na mahabang baril.
"San na tumakbo? Bakit di ka sumigaw, hindi ka humingi ng tulong."
"Super nagsisigaw na nga ho ako, nag echo pa nga boses ko sa court di niyo man lang ho ba narinig!"

Sabay labas kami sa pinagyarihan ng krimen. 
Hindi ko nakita ang muka niya, hindi ko na rin alam kung san siya nagtatakbo. As usual, hindi na hinabol ng mga pulis pero todo iyak pa din ako sa sobrang takot. Bigla dumating si bf. At pinapunta kami sa bgry hall para iblotter ang p*ta**ang hiphop dudong na kumuwa ng celepono ko.

Sa brgy hall, tulog ang mga tanod. Bwiset tong mga toh, kaya pala talamak ang nakawan, sa tabi pa ng police station at brgy hall. 

Si Manong na matanda na ang nag-entertain sa reklamo ko. At leche tong si Manong na ang bungad sakin..

"Bakit kasi nandun ka, hindi naman namin alam kung kelan sasalakay yang mga magnanakaw na yan." 

Eh ayos naman pala e! Ako pa sinisi niyo na nakawan ako! Bwisit kayo! Sabay kinuwa ang panagalan ko. Sabi pa niya "Cellphone?", sabi ko "Dba nga ho cp nanakaw sakin, wala na ho akong cp kasama yung sim at cp no. ko tapos hihingiin niyo pa ngayon cp no. ko? Nang aasar ho ba kayo?. Sagot naman ni Manong na muka pang inaantok "Ang ibig ko sabihin anung model ng cp, hindi ako nang-aasar". Aba lilinawin niu ho.

Suggestion ni bf maglibot ang mga tanod para hanapin ang magnanakaw, sagot ba naman nila e "Useless na ho yun, hindi na natin sila makikita. At tsaka walang magtuturo kung san yun tumakbo." Bwiset talaga! Dapat dito sa brgy hall na toh ginigiba! Wala namang kwenta! 

Nag-init na ulo ko. At nasabi ko "Wala naman ho sakin kung nakuwa na cp ko, wala na ko magagawa. Sana lang ho di na maulit toh. Yung waiting shed halos isang hakbang lang ang layo mula sa pulis station at brgy hall nakakahiya naman na dun pa ko nanakawan. Nagsisigaw na ko, nag-echo na nga ng todo-todo boses ko ni walang rumisponde. Kaya malalakas ang loob niyang mga magnanakaw na yan kasi alam nilang walang hahabol sakanila o pipigil. biruin niyo tabi na ng police station at brgy hall!."

 
Si Manong ang sagot pa "Baka natyempuhan ka lang. Nagbabalikatan naman kami, wala naman kaming na-ispotan jan."
HAY! P**an*gi**! WALA KAYONG KWENTA!

At wala na nga kong nagawa. Buong gabi nanginginig ako sa takot, sobrang traumatic. Graduating pa naman. Naiyak ako ng naiyak di dahil sa cp na nanakaw kundi dahil akala ko sasaksakin ako ng egoy na yun! Humanda sakin yun, bugbog talaga sakin yun pagnahuli! OGAG siya!


25 March 2011

EPIC

May bago na naman akong natutunang salita. Aywan ko kung tama ang pagkakaintindi namin  ni Kamila.
Basta nakikiuso lang ako. Anu ba ang modern ibig sabihin ngayon ng EPIC? At bakit expression na siya ng ibang madla? Sa tagalog daw "Paldo" o "Panis!". So "Epic"! ewan! adik!


Ngayon medyo masaya lang ako dahil nabuo na ang epic group sa fb. Chos! hindi epic group ang pangalan kundi "Low ang Behold". Syempre trip trip lang. Pero malay mo mag-click sa madla!Samahan ng mga bloggers na epic, hahaha, di makamuv on sa epic. Kung gusto niyo sumali pakiiwanan lang ang email add na gamit niyo sa fb dito sa bandang side, sa chatbox.

Higit din sa kasiyahan ko ay ang mga taong patuloy na nag-iiwan ng bakas sa mga blogpost kong wa wentas naman, kahit pa buyse-buysehan ang lola  nio. 

Dahil sa sobrang naapreciate ko yun na sobrang tagos to the bones. Eto ay para sa inyo, sa lahat ng nagfofollow at matyagang nagcocomment. Walang consequence o kapalit. Ito ay taos piso kong pasasalamat sa inyo mga kaibiganng blogger. Bahala na kayo kung anung tawag niu dito. Award, parangal, kaartehan, medal, o trophy. Kung naapreciate niu pwede niu nakawin ang imahe at ipagmalaki sa iba...

BASTA SALAMAT SAYO...


Hindi lang dahil sa pagpafollow at napipilitang comment niyo, juks! Kundi dahil sa pagbabahagi ng kwento ng buhay niyo :)

At para hindi kayo manghula kung sino kayo...

Kamila
Cheenee
Leonrap
Jobo
Uno
Khatie-Lhuloy
Leah of Ako si Leah
Riza ng ABA Nagsusulat na pla ako
Meme Razz
Kuyakoy Banjo Istambay
Kuya Lhanlhan
Clai
Jae Gibbs
Kuya AlMusingan
Kiko Batman
Kikilabots
Kuya Habib Akoni
Rainbow
Kuya Arvin dela Pena
Tatay Adong
Biboy of AdoboPhotoshop
Ate Kringles
Ser Mots
Umi
Maam M.S
Ester Yaje
Emmanuel Mateo

Sa mga wala...pwede pa humabol..hehehe
Lifetime ko na tong iaaward sa mga epic na dadating pa sa buhay ko :)

23 March 2011

JAIL INN


Kagabi habang nakahimlay sa kama at nakikinig sa radio station ng mga tambay, aliw na aliw ako sa naging balitaktakan ni Dj Chacha Muamua Chupchup sa isang di niya malilimutang caller na siyang natatanging bumati sa kanya ng “good evening”. Actually nireplay nila ang mga di malilimutang caller na may di matawarang kwento.

Itago natin si Ateng caller sa pangalang Amaya.
Si ate Amaya ay hiwalay sa asawa, may isang anak at ngayon ay may jowang nakahimpil sa Calamba City Jail. Ang joray ni Ateng!
Childwood sweetheart sila ni Kuyang nakakulong na itago natin sa namesung na Machete.
Murder ang kaso ni Machete, nakabaril dahil sa init ng ulo at di napigilang galit na emosyon.
Nakakulong na si Machete ng maging sila ni Amaya. Through text at calls ang naging paraan para maging konektado sa isa't isa.
Sabi nila bawal daw ang phone sa kulungan, akalain mo yun at nagagawa nilang ilihim na meron silang cellphone sa loob!
At medyo naintriga si Dj Chacha Muamua Chupchup. Mega ever tanung siya kung totoo ba na meron daw kaganapang "Sexy Moments" sa loob ng kulungan? Si ateng na walang pasubaling sumagot na mega excited much pang "OO, meron talaga"
At dun na nga umikot ang usapan.

Bakit nga ba naintriga si Dj Chacha Muamua Chupchup (paulit-ulit?)
Meron daw siyang pinsan na nakakulong dati, at nagulat na lang sila na habang nasa kulungan si lalaking kamag anak niya e nabuntis ang jowawers nito. Anu yun hocus focus?
Kinonfirm na nga ni Amaya na meron daw talagang ganung moment at factor ek-ek sa kulungan.
Mga 150php ang mahiwagang kwarto, wa pakels ang madla kung anung gagawin niyo.
Wow! Taray ha! Jail Inn ba ito?
Akalain mo yun! Ang malupit pa eh bawal daw yun!
Sabi nga ni Dj Chacha Muamua Chupchup "Ang kati-kati talaga, makapag-toot lang e gagawa ng paraan kahit nakakulong pa."
Talaga naman! Walng bakal na rehas sa sabik na magkasintahan at tawag ng pangangailangan.

Pero bakit nga ba napatawag si Ateng? Kasi masyado daw seloso si Machete.
Aba syempre, punong-puno ng insecurities si Kuya dahil nasa loob siya, malay niya ba kung anung kaganapan at eksena ni Ate sa labas.
Ganun pa man humanga ako kay Ate. Hindi daw niya kinakahiya si Kuya, at kahit murder ang kaso alam niya daw na mabait yun.
Kahit di daw matanggap ng pamilya niya, ipaglalaban niya kasi bakit mu nga naman ikakahiya e mahal mo... Yun un e!
True love! aguy!

21 March 2011

BYAHERA

Napasarap na naman ang bonding ko sa kama, napaextend pa ko sa tulog at ayun tinanghali na ng bangon. Paniguradong late ang almusal, kahihiyan ang kabusugan.
Pagsakay sa jeep, medyo alangan ako. Mukang aabot pa ko sa shuttle, medyo mabilis mapuno ang jeep.
Dalawang minuto na ang lumipas, tatlo, apat, lima. Puno na ang jeep, bakit parang nasiraan ata ng makina ang sinasakyan ko at tila di makaalpas. Isang pasahero ang nag-init sa kanyang pagkakaupo.
“Manong dispatcher ano ba yan, malelate na  kami.”
Aba saglit lang ho at binibilang pa ang pera. Alam niyo na maaga ang pasok niyo bakit di kayo pumasok ng mas maaga para di kami ang sinisisi niyo. Bakit di sarili niyo disiplinahin niyo”
Kung sa bagay. May pogi points si manong dispatcher dun.
Dumating ang piloto ng aming sinasakyan. Si manong driver.
“Anung kaguluhan yan?”
“Pano itong pasahero mo malelate na daw”
“Alam niyo ho kasi, alam niyo naman na may patakaran din ho kami dito. Punuan ho ito, at bago umalis sinisigurado lahat nasuklian na, tama ang mga bayad, sakto ang mga pasahero.”
Isang pasahero din ang nagsilab sa kanyang trono.
“Manong konsiderasyon lang naman ho ang hinihingi ng tao, sana maintindihan niyo. Alam naman ho nating rush hour pag ganitong mga alas sais ng umaga, madali naman mapuno ang jeep. Sana bilisan ho ang kilos,  hindi naman ho kayo ang napeperwisyo”
May ganda points din si Manang dun ha. At teka lang may umepal pa sa tabi ko.
“Ang aga-aga ang ingay-ingay niyo. Ayuko ng maingay, bumaba ang mga maingay”
Yes! Ang taray mo teh! Ang ganda ha, may pagpapansin pang nalalaman. Dahil jan minus ten ka sa card.

Sinong tama at sinong mali? Wala naman ako sa posisyon nila para sabihin kung sino talaga.  Tama si Manong, disiplina sa sarili. Tama din naman si Manang, konsiderasyon sa bawat isa. Basta ang alam kong mali sakanila si Ateng nagmamaganda, may pagsabat pa. Imbyerna akes!  At higit sa lahat haba-habaan natin ang ating mga pasensya, hindi naman nauubos ang pisi, kung minsan e napuputol lang. Kaya panatilihing matibay ang lubid ng sa gayon iwas gulo at badtrip :) Ingat sa byahe!

18 March 2011

*habang kachat si Kamila, bigla akong nangulila...naisip ang samamahang laging nagpapatawa, nagpapasaya at minsan nagpapaiyak...kaya naisip kong ipos ulit toh... Miss ko na toh :')


Bago pa mauso ang mga kalokohan, i would like you to meet my 3 best friends forever:

“oh very the prodigal” a.k.a Aubrey Aguilar 
“poklay the weirdo” a.k.a Kamil Tibayan
“mimay the melo-dramatic” a.k.a Carmina Callope

Okay nag umpisa kami sa pagkain ng tinapay sa Julie’s. Nauhaw, bumili ng 5php na slurpee sa 7eleven at biglang napagtripan ang bagong nauuso na junkfood - ang SUNSHOTS… As what we’ve seen in the commercials, astig ka daw pagkumain ka nun… tipong pagkakaguluhan ka ng mga babae, gusto kasi namin pagkaguluhan din kami ng babae… jowk! At ang slogan nuon ng sunshots ay “bumangga giba”. then poof! we became “SUNSHOTS, bumangga giba”… Weird noh… kanya-kanyang trip lang yan…

At kalaunan nagtawagan na kami ng “BES”, simple lang pero rock. Tpos bigla namin napansin na ang mga nickname namin e nagtatapos lahat sa “Y”:
aubreY, poklaY, emjhaY, mimaY …oh diba! basta maiconnect lang!

lumipas ang mga araw, naging masayang masaya kami sa feeling ng isa’t isa. Kulang na lang maghalikan kami sa lips e… well actually c poklay at aubrey nagawa n nila… haha… yuck! Dumating ang iyakan, tawanan, kabaliwan, sobrang lalim na problema at yung iba naman mga pawang kababawan… Pero MASAYA…
Syempre si poklay, mimay and aubrey may bf na nung panahong tumitibay ang pagsasamahan… At napag-iwanan ako… Kaya trip na trip namin ang mga kanta ng Mojofly, lalo na yung tumatakbo at mata… At xempre hindi mawawala ang kamikazee! haha

Dumating ang ika-18 kong kaarawan, naging magbestfriend na din ang mga bf nila… At take note pare-pareho daw cla ng ugali, kaya dapat pumili ako ng kapareha nila… At eto na nga, nabuo na ang bff’s bf’s (nakita ko na ang aking kapakner e) na tatapat sa di magibang sunshots… ang MOONSHOTS! napaka-orig nila nuh! pinaghirapan ang pangalan! at may STARSHOTS din, ang mga tropang bumubuo ng kasiyahan! 


Di naglaon, bakit nga daw ba SUNSHOTS, MOONSHOTS and STARSHOTS?
Sagot: KASI MAHILIG TAYO sa SHOT! haha.. shot dito, shot dun… inabot na ng umaga, tanghali hanggang maggabi na ulit… shot pa din! Sa dulo ng shot anjan na ang mga forever wasted! May iiyak (may umiiyak ng dugo), may nanggagagong tawa, susuka daw pero nakangiti, may susuka kung saan (sa pagkain ng manok sa labas ng bahay, sa sarili, meron ding humahalik na sa inidoro), may magtatakbo-takbo na prang naketek na (uuwi na daw xa), meron namang busyng-busy sa plants vs zombie, yung iba naman tulog na… Tapos paggising niyo si bf mo nakatanday sa bf ng bes mo (hahaha, wasted!)

Ganun pa man… Ang lahat ay nagbabago, may mga nawala at meron din namang katotohanang nagpatibay ng samahan… BUMANGGA GIBA… SUNSHOTS itaas mo! hehehe…

ang taba ko dito at ang payat pa ni kamil dito :)

eto na kami ngayon, nabawasan man...solid pa din :)

at kahit long distance pa... walang makakapigil sa ugnayan :)

at nung nene pa kayo :)

pagseryoso na :) dahildalaga na :)
 

at ang ang paborito namin...
ang WASTING TIME :D

MIT NA MIT KO NA KAYO :)

09 March 2011

A Great Way to Start



Nanggaling tayo sa abo at babalik din tayo sa abo. Di na bago sa pandinig diba. Pero bakit ba ipinagdidiwang ang ash wednesday? Bakit kailangan magpalagay ng tanda ng krus sa noo sa pamamagitan ng abo? Gagaling ka ba sa sakit? Bubuti ang pakiramdam? Matatanggal ang stress? Magiging powerful? Gaganda o gagwapo ka ba? 


Napakaganda ng naging homily ni Father.


Ash wednesday marks the beginning of the Lent. It lasts for 40 days until the Easter Sunday.


At bakit kailangan may pakrus-krus pang nalalaman?


For two reasons:


1. It's a REMINDER/ Isang PAALALA sa bawat kristiyano


Isang paalala sa atin na tayong mga tao ay nanggaling sa abo at babalik sa abo. Isang paalala na tulad ng abo, tayong mga tao ay marupok. Hindi naman natin kayang iligtas ang mga sarili natin. That's why Jesus Christ died on the cross to pay the price. Mahina tayo, makasalanan, kung san isa itong palatandaan na kailangan natin SIYA. Isang paalala na hinango tayo sa abo upang maging tao at babalik din tayo sa abo di kalaunan. Kahit pa ganu kaactive ang life style mo o ganu ka katamad, o kung anu pa man. Lahat tayo nakatakdang mamatay at magiging abo. Isa yung paalala na meron tayong misyon sa buhay habang tayo ay buhay.


2. It serves as a CHALLENGE/ Isang HAMON


Isang paghamon sa tatlong bagay:


Una, ang MANG-LIMOS o MAG KAWANG GAWA. Giving without expecting something in return. Magbigay ng limos sa mahihirap, kasi sila hindi ka nila kayang bawian sa ginawa mo. Malay mo God will do the honor para ibalik ang pagpapala sayo.It's a challenge to make a difference by doing good things to others.


Pangalawa, MANALAGIN. Without prayer, we are powerless. Prayer is establishing a relationship with God. Pagsambit ng panalangin para magpuri, magpasalamat, humingi ng tawad, humingi ng gabay at pagpapala. 


Pangatlo, MAG-AYUNO. It means SELF-DENIAL. A challenge to deny sin, deny something too much. Kung dati ang yaman mo sa pagmumura, pwede ngayon iwasan mo. Kung dati tatlong beses ka nanuod ng sine kada linggo at gumagastos ka ng 390php. Bakit hindi ngayon isang beses na lang muna, para 130php lang magagastos mo. Yung remainig 260 pwede mo ibigay sa nangangailangan, KAWANG-GAWA. At yung time na igugugol mo sa panunuod ng sine, ilaan mo para MANALANGIN.


It's a great way to start the Lent season with these lessons to guide each day. And I'm looking forward to end it with 4 days retreat at Easter Youth Celebration. Traditon ko na to for 5 years. Pero hindi ibig sabihin nun napakabanal ko nuh. Marupok ako, makasalanan kaya close ako sa KANYA. Sino gusto sumama? hehe.. Be blessed, feel blessed. Godspeed! 

07 March 2011

ika limampu't anim, ika una

*ini-schedule post ko to sa eksaktong kaarawan ng mama ko, ginawa ko siya nung nagkatime ako makagawa ng blogpost. Kaso lang ewan ko kung bakit di xa napost. haist. so eto sana yung ipopost ko nung March 5,2011.


Hindi ko alam kung panu ko uumpisahan ang sasabihin ko. Pero sa totoo, ang dami kong gustong sabihin. Malalim ang emosyon na kay bilis hugutin sa tuwing maalala ko ang aking INA. Iniisip ko nasa acceptance na ko, pero tuwing naaalala ko kung paano niya kami iniwan, gusto ko paulit-ulit na i-deny sa sarili ko.

NAPAKAHIRAP MAWALAN NG MAMA.

Ngayon ang ika-56 niyang kaarawan at pinakaunang kaarawan niya na di ko siya mayayakap para batiin ng maligayang kaarawan. 

Napakahirap gumising sa umaga na alam mong hindi na siya ang manggigising sayo, maghahanda ng pagkain mo at mag-aabot ng baon mo. Ang hirap umuwi ng bahay ng alam mong wala kang madadatnan ni anino niya, na alam mong walang maghahanap at magtetext sayong "asan ka na? umuwi ka na, gabi na". Ang hirap manuod ng mga palabas sa TV na tungkol sa mga nanay, na tungkol sa mga namatayan ng mahal sa buhay. Ang hirap mapag-isa at walang makausap dahil siya ang unang papasok sa isip mo at ang araw ng pagkawala niya.Ang hirap magkasakit, kasi wala na yung kamay na hahagod sa masakit na parte ng katawan mo kasama ang dasal ng gumaling ka. Kulang lahat ng saya, ng wala siya. Ang pinaka mahalagang tao sayo, ang dahilan ng pagsisikap mo at nagbibigay inspirasyon sayo para magpatuloy ka sa buhay. 

Parang isang bangungot na maalala ang araw ng pagkawala niya. Paulit-ulit akong nabalik sa araw na iyon at eksaktong mararamdaman ang naramdaman ko nuon.
Ang laki ng pinagbago ng buhay ko, ng mga kapatid ko at tatay ko. Ngayon nakikitira kami sa bahay na hindi ko matatawag na "home". Sa bahay na parang di ka naman welcome. May sarili naman kaming bahay, gustong-gusto ko ng umuwi dun kahit na alam kong hindi pa namin kaya. Si Bunso sa tita ko nakatira, si Papa pinipili na lang matulog mag-isa sa sala. Habang ako at isa pang kapatid e laging nagtatakutan sa kwarto. 
Parang ayuko ng pahabain toh... Baka ikwento ko na naman ang araw na iniwan kami ni Mama at maiyak. 


I miss you so much MAMA...

01 March 2011

SARAP MAG-UNWIND

Hindi naman pala kailangan na marami kang pera para makapagbakasyon ka o makapag-unwind.
Sapat na ang kaibigan, maganda at maaliwalas na lugar, konting katahimikan, iwanan ang mga pangamba at magsaya.


SAPAT NA KAIBIGAN.
It's not about the quantity, it's about the quality- ika nga nila, at sino sila? hindi ko din alam. Ang dami mo ngang kaibigan, kaibigan sa fb, kaibigan sa twitter, kaibigan sa text o sa totoong buhay man, kung hindi mo naman sila malapitan tuwing nalulungkot ka at makasama tuwing masaya ka naman, e wala din. Masarap magkaroon ng maraming kaibigan. Yung tipong kahit san ka magpunta, mangangawit ka sa kakangiti, kakakaway at kakachismis. Pero pinaka the best jan yung may mga natatangi kang kaibigan na nakakabonding mo talaga ng bongga. Yung nagja-jive kayo kahit iba-iba ang mga hilig niyo, yung di na kayo nagkakahiyaan pag uutot, yung kulang na lang yung subo mong lolipop e ibigay mo sakanya. KAIBIGAN ang madalas na pagsabihan natin ng problema sa mga pagkakataong di mo masabi ang dinadala mo sa iyong pamilya. Syempre iba rin naman ang pamilya, magkaiba sila, kaya hindi pwedeng ipagkumpara, kumbaga sa palabas e telenobela ang pamilya at cartoon ang kaibigan.

MAGANDA AT MAALIWALAS NA LUGAR
Wala ng tatalo sa magandang paligid, maaliwalas na lugar, masarap na simoy ng hangin sa probinsiya. Kung wala kang pang-gastos, kung meron kang kaibigan (na tinalakay natin sa itaas) na pwede mong puntahan. Kung kunyari e may kaibigan kang taga-probinsiya o nagbabakasyon sa probinsiya nila, bakit di mo itry na sumama at manirahan doon. Ang sarap atang magpahinga sa probinsiya. Wala lang, ang sarap lang. Bakit di niyo subukan mamundok, maligo sa dagat o ilog, kumain style probinsiya (yung kamayan ang labanan). Eh kung ito naman ay cannot afford mo ang mamasyal sa mall, amusement park at manuod ng sine.

KONTING KATAHIMIKAN.
Dessert experience, ayan ang tawag namin sa konting katahimikan. Yung wala ka masyadong iniisip, yung kausap mo si Bro. Ikwento mo yung nangyayari sayo, magchismisan kayo, ivisualize mo yung mga pangarap mo. Pwede rin namang mag emote at mag-crayola. Sapat na ang isang oras na katahimikan para kahit papano e maranasan mo naman ang peace of mind.

IWANAN ANG PANGAMBA AT MAGSAYA
Pagkatapos mo manahimik o bago ka manahimik, maglaan ka rin ng oras para magsaya. Pwedeng magkantahan, makipagkwentuhan tungkol sa nakaraan kasama ang kaibigan sa maaliwalas at magandang lugar. Pwede din tumawa ka mag-isa, try mo lang, siguraduhin mo lang walang makakarinig at makakakita at baka mapagkamalan kang baliw. 

At konting tips para iwas hassle at stress:
-Kung maari wag mangutang, para di mo iniisip na may kailangan kang bayaran.
-Magpaalam kay nanay/tatay/gf/bf o kasama sa bahay na aalis ka para di kahinahanap at di ka kabahan kung anung dadatnan mo pag uwi mo. Para di ka nagmamadali umuwi dahil papagalitan ka ni nanay/tatay/gf/bf
-Iwasan magdala ng laptop, psp, at anu mang gadgets na hindi mo naman magagamit at makakaabala lang sayo. At tandaan mo walang wifi sa bundok.
-Huwag na wag magsama ng KJ. Magsama ng galante.
-Pwede rin magdala ng notebook at ballpen, gumawa ng diary na pwede mong balik-balikan sa tuwing nalulungkot ka pagkatapos ng expedition mo.

AT syempre hindi ko naman masasabi tong mga kalokohan na toh kung di ko naexperience :)
Nung friday nakipagrakrakan at slumman ako kay moonstar at parokya, sobrang saya. Wiz ko na pinansin ang pawis at siksikan masilayan lang sila ng malapitan.



Pagkatapos nun ay tumuloy kami sa bahay ng kaibigan/klasmeyt ko. Nasa loob ng UPLB ang bahay nila. At nasa bundok na mismo sila ng makiling. Ang sarap don, abot kamay na ang alp ng makiling, ang lamig at sarap ng simoy ng hangin, at ang nakakatuwa pa kung anung nilamig ng hangin siya namang init ng tubig na dumadaloy sa gripo.



Live life to the fullest! :) At wag kakalimutang mag-ingat!