22 April 2011

PHOTOSCAPE

Gusto ko sanang iluto ang mga larawan sa paraang adobo. Ngunit kakailanganin ko ng sapat na lakas, masarap na sangkap at matinding ensayo para maging ganap na adobo master.

Hanggang ngayon e nag-aaral pa rin akong mag-adobe photoshop.
Masusi at mabusisi. Niluluto ng maigi para maghalo ang tamis at asim.
Medyo tamad din kasi ako. Tsaka wala pa kong sapat na oras para magpaka-dalubhasa dito.
Kaya for the mean time sa PHOTOSCAPE muna ako. Konting click at adjust dito... TADEN!
Ok na ang pagdodoktor sa litrato. 




Balak kong gumawa ng account na puro litrato at kwento sa likod nito.
Ayan ay niluluto ko pa.

For the mean time(ulit) eto ang KUYA ko. Na masarap din magluto ng adobo. :)

21 April 2011

CBA RETREAT : Session 1

Masyadong mabait ang nilalaman ng pahinang ito.
May nakakapaluwa ng mata o nakakaiyak ng tuluyan. May nakakaantig ng puso at puson kung san ika'y makikiliti. May nakaka-untog ng ulo kung san ika'y mapapaisip - OWVERS!


Light lang po ang laman ng post kung ito. Medyo nakapahinga din ang katawang lupa ko.
Nanggaling lang naman ako sa nakakantig na Retreat. Ang Retreat ng College of Business and Accountacy ng LPU-Laguna. Kung hindi ako nagkakamali, nasa 49 kami. Pitong accountancy, the rest ay mngmnt accounting.


Sa first session with Fr. Ricky - Cannosian priest, lumubog ang barko sa bilang ng anim- kaya't kami'y naggrupo-grupo. Ang unang ipinag-utos ng kamahalan ay mag-share tungkol sa mga expectations at contributions ng bawat isa sa amin during at after ng retreat. Pipili ng isang representative ang bawat grupo na siyang kakanta sa harapan- joke! Pipili ng representative na siyang magsasalita sa harapan patungkol sa expectations at contributions ng bawat isa. At dahil piliin daw ang pinakamaganda - voila! AKO ang representative ng grupo! nyahaha..


Pagkatapos ng mahaba-habang kwentuhan at chikahan, isa-isa na kaming magaganda ang tumayo sa harapan. At isho-shortcut ko na lang. Ang mga expectations at contributions ng bawat isa ay:


EXPECTATIONS:
1. Sharing of thoughts, feelings and beliefs.
2. Learn new things from individual's experience/s.
3. Mabusog ang puso,isipan, espiritu at tiyan.
4. Mas mapalapit kay God.
5. More prayers.
6. Games (children's party?)
7. Umuwing may ngiti sa muka.
8. Jhen's expectation (classmate/tropa) "Ang mahawakan ang kamay ni Ronnie(crush niya)"
9. Des' expectation (classmate) "Magka-boylet"


CONTRIBUTIONS:
1. Bukas na puso't isipan sa mga bagong pananaw sa buhay.
2. Experience
3. Cooperation
4. Silence
5. Toiletries
6. Walang magiging KJ


Sa session one din namin natutunan ang STOP


S-  Silence - God speaks in silence. Silencio vicencio kuntodos!
T-   Trust - Alam na natin ito, hindi ko na masyado i-eelaborate.
O-  Openness - Para ma-open din ang happiness! chos.
P-   Prayers - Establishing a relationship with God.


Tutal naman napag-uusapan na din ang experience. Natumbok ni father na ang bawat isa sa amin ay may unique na karanasan, parang signature. Kakaiba sa iba, walang katulad at kahawig. Experience shapes us. Mapa-bad or good. We learn from our own experiences and also from the experiences of others. 


Ayan na lang muna. inaantok na ko, kahit ang totoo ay ischeduled post ito :)

20 April 2011

RETREAT TIMES THREE

Bakit nga ba busit-busihan ang inyong likod.
Una.Dahil tinapos ko ang 720 hours na ojt na ang totoo ay hindi naman talaga siya natapos ng 720 hours dahil kailangan na kamiing i-pull out ng school dahil kawawa naman kami. Gagraduate na lang e nasa internship company pa kami. Pangalawa ay busy po ako sa darating na four days retreat o Easter Youth Celebration 2011 ng Franciscan Youth Movement kung san isa ako sa local heralds. Nagtinda kami ng palaspas, ibinuhos ko ang buong pwersa at kapal ng muka para makabenta ng singkwenta pesos na palaspas para sa mga nakakaunawa at  bente pesos sa mga barat. chos. 


RETREAT. 


Nung ikatlong araw ng buwan na ito ay dumalo rin ako sa dalawang araw na retreat para sa mga graduating students ng layshum. At nung friday naman ay dumalo din ako sa retreat na inihanda ng aming parokya. At sa darating na mahal na apat na araw ay apat na araw din akong mawawala para sa retreat na taon-taon ng tradisyon sa aming organisasyon. Masyado na kong napuspos ng espirito santong banal. Sapat na ito para muli akong magpatuloy sa buhay na aking nilalakbay. Ngunit gusto ko pa rin manatiling uhaw at gutom. Uhaw upang lalo akong maghanap ng maiinom mula sa batis na inihanda ni Bro at gutom sa tinapay na nagbibigay buhay. Yun oh ang banal! Amen!


Kaya't magiging maala-heavenknows na nga ang drama ko dahil isasa-blog-oong ko ang aking mga natutunan at karanasan sa mga retreat na aking napuntahan. For the mean time ako muna'y mawawala ng panandalian. CIAO!

18 April 2011

MAESTRO

Pasensya na sa lahat kung medyo busy ang lola niyo...
Medyo busy sa graduation sa mga final projects at requirements. Kaya for the mean time e li-low muna ang katawang blogger ko.
Pero bago yun gusto kong ipakilala ang isa sa mga great influence ko para magpursige matuto mag-gitara at mahilig sa music.

Kilala siya sa amin bilang "Maestro".
Ang taas noo kong nirerespeto at iniidolo pangalawa kay pudrabels.
Ang aking one and only kuya. Ang uniko-iho ng aming family.

Si Kuya Jubert. At ngaun ay nasa blog sphere na rin siya.




Bata pa lang marunong na siya magpiano. At ngayon halos lahat ata ng musical instruments alam niya.
At ngayon din ay may bago siyang kinahihiligan. Ang Potograpiya.
Kaya't sana ay subaybayan niyo din siya :)

13 April 2011

SI WB

Naranasan mo na ba na habang ang ganda ng panaginip mo at hibing na himbing ka sa tulog mo e may malakas na kumakatok sa bahay niyo. Pagbukas mo ng pinto galit ka pa sabi mo "Ano ba yan natutulog yung tao eh, makakatok naman parang walang bukas ha!"


"Bilisan mo tanga-tanga ka nasusunog na sa kapitbahay!"


"Ilikas niyo na mahahalagang gamit niyo, bilisan mo, isang bahay na lang pagitan oh."



Nagulantang ang kaluluwa ko, SHET! May SUNOG! Dali-dali at nagpalit muna ako ng damit-aba syempre baka paglabas ko pagkaguluhan ako samanipis kong damit at pantulog. Akalain mo yun naisip ko pa yung bagay na yun. Dali-dali, dali-dali sa alin? Hindi ko alam kung anung bagay ang uunahin ko isalba noon. Ako lang kasi ang naiwan sa bahay, nasa trabaho sina mudang at pudang habang nasa school ang mga kapatid ko. Mga 30 seconds iniisip ko kung anung mahalagang bagay ang meron kami. Kasi wala naman kaming mga alahas, nasa sanlaan lahat. Wala naman ditong pera, kung meron mang naitatago sina mudang hindi ko alam. Baka sunog na ko di ko pa rin yun mahanap.


Wala akong maisip, napepressure na ko. Bag ko na lang kinuwa ko, tapos lumibot kao sa buong bahay para tingnan kung ano pang madadala ko para sa first batch na isasalba ko. Ang ref! Kakapagawa lang, pero kamusta naman baka pareho lang kami masunog. Ang TV! Ang bigat din, di ko kaya. Sabay napatingin ako sa gilid. Si WB!!! Ang pamanang gitara ni Kuya! Go dali-dali labas hwak si bag at WB. Paglabas ko sabi ng ate ko "Anu ka ba! Antanga nito eh! Yan pa inuna mo!".


Ewan ko kung bakit, pero di ko siya kaya iwan. Napamahal na siya saki. Sa loob ng 6 years, alagang-alaga namin siya sa bahay. Bawal magasgasan. At dahil pagnasira yun malamang lalayas na lang ako bago pa ihampos sa ulo ko yun ni pudang. Eh kasi nga pagnasira daw namin yun ihahampas niya sa nakasira, kasi sira na naman din eh. Kaya kada mauumpog yun, nanginginig na kami. Parang siyang bata na di pwede pabayaan at baka madapa. May kamahalan kasi siya. hehe. Kaya ganun.




Lagi ko siya kabonding pag malungkot ako at mag-isa. Siya nga lang ang laging nakakarinig sakin kumanta.
Hahaha.

12 April 2011

GIFTED CHILD

Pagkatapos ko mabasa ang blog post audition ni Kraehe, bila akong may naalala...

May isa akong talagang pinakang oo grabe sobrang pinapanagarap sa buhay!
Sa bawat birthdays na dumaan, sa bawat paskong lumipas, ayun at ayun ang isa sa mga bagay na tangi kong hinihiling.
Kung minsan pa nga ay nagmamakaawa na ko sa iba
"Guys! Regaluhan niyo naman ako ng VIOLIN, ambag-ambag kayos, sige na oh... parang awa na! Wala pang 3K yun!"


Ahahaha... Siyang tunay po. Tuwing mapapadaan ako sa musical instrument stores, ayun at ayun ang lagi ko tinatanung. Baka kasi nag-sale sila at naging Bente pesos na, the best yun! Bibili ako ng lima.

Bakit ba gusto ko mag-violin at ng violin?

DAhil ba gusto ko magmukang gifted child? Enk!!! Mali!
Dahil classic kasi ang dating ng tunog ng violin. Ewan ko ba. Basta gustong-gusto ko.
 Dati ko pa gusto, nung bago mag-college, tapos nakita ko si idol EE o  Eunice Evangel George, vocalist ng gracenote na sumusikat ngayon. Idol na idol ko sila. Dahil kasi dito sa astig na intro ni EE nung nagperfrom sila sa Music Uplate na di ko napanuod at sobrang dinibdib ko eh lalo na-trigger ang nanahimik kong katawang lupa na gusto mag-violin...



PAnu ko ba nadiscover si EE? Naghahanap kasi ako ng paboritong paborito kong kanta ni Barbie Almabis, at yung cover video niya ng "Someday" ang pumukaw sa atensyon ko. 


Sinundan ko siya sa fb. At ayun medyo friend na kami. hehe. Feeling close naman ako. Pero natuwa ako kasi approachable siya nung minessage ko siya sa fb. At ayun. Speaking of gifted child, napaka gifted niya, marunong din siya mag keys, maggitara and everything.

At bago pa maligaw ang lahat, nanawagan ako sa inyo "Regaluhan niyo naman ako ng Violin, walang pang 3K yun, ambag-ambag kayo!" hehehe


11 April 2011

PBB Update

Marahil nagulantang kayo sa paunang bugso ng Pinoy Big Blogger.
Pasensya na sa mga nahilo at di nakalabas sa maala-maze na instruction. Peace men!

Salamat sa mga nagbuhos ng oras at panahon para suportahan ang patimpalak na ito ni Kuya.

Salamat sa mga unang batch ng mga nag-auditon na sina (nakalink po sa panagalan nila ang mga blogpost entry para sa audition ng PBB):
Mommy Razz 2 (ang pangalawang entry ni mommy)

Wala pa pong deadline, kaya pwede pa kayong sumali (parang awa na! hehe).

At sa uulitin, ito po ulit ang instructions:

1. Gumawa ng isang blogpost na naglalaman ng tungkol sa inyong sarili, pwedeng gawin o ipakita ang sumusunod:

                  - Kabibuhan, pwedeng magpasikat, magtalent, gumawa ng vblog.
                  - Ibahagi ang iyong sarili, mga gusto, ayaw, kinagigiliwan, kinaasaran
                     MO, tanging MO/IKAW
                  - Pwede rin namang magkwento ng isang pangyayari kung san ikaw ang BIDA.
                  - Ihayag ang dahilan kung bakit gusto mo makisawsaw sa kalokohang ito 
                    ni Kuya.

2. Pagkatapos gumawa ng blogpost entry na bahala na kayo magbigay ng title, ikomento lamang DITO ang link ng blogspot entry na magsisilbing audition piece niyo upang makapasok sa prestihiyoso at pamosong bahay ni KUYA.


Malinaw na ba ang lahat? Taas lang ang kamay ng may question mark.
This is Jhengpot Gonzaga ang kapitbahay ni Kuya :)

07 April 2011

AUDITION

Biglang nagkaroon ng emergency sa bahay ni Kuya. Nasunog ang Blogger House at muling magtatayo ng bagong bahay. Lima na lang ang natirang blogmates - ang unang batch na pinakilala sa naunang episode. Sina Cheenee, Kamila, Leonrap, Titser Mots, Banjo at Jhengpot. Dahil dito napag isipan ni Pinoy Big Blogger na magpa-audition muli. Ang natirang blogmates ay binigyan ng pagkakataong mag-audition muli, isa yung napakalaking karangalan. Dahil ngayon bibigyan sila ng priority lane kung san hindi na sila kelangan pumila at makipagsiksikan sa mga gustong magpakita ng kabibo-han. At dahil naman sa pinakitang angking karisma ni Kamila at Jhengpot, sila ang naisip ni Big Blogger na maging kapit bahay niya na siyang makakasama niyang susubaybay sa mga Blogmates. Si Jhengpot Gonzaga at Kamila Rodriguez ang siyang magiging tagapagbalita ng mga kaganapan sa loob ng bahay.

At ngayon si Big Blogger ay nananawagan sa lahat para sa isang nationwide AUDITION para sa...

PINOY BIG BLOGGER EPIC EDITION
*pakihintay na lang po ang banner at tarpaulin nasa pagawaan pa ho. Basa pa daw.

At ito ang mga sumusunod na pagkakasunod na instructions para makapag-audition:

1. Gumawa ng blogpost na naglalaman ng kung anik-anik na katangian tungkol sa sayo- tanging sayo lamang. Pwedeng magpakita ng gilas, pwedeng ihayag ang nararamdaman kung bakit gusto mong jumoin sa bahay ni Kuya. Ipakita ang pagiging bibo o pagka-engot.

2. Icomment lamang sa blogpost na ito -i click niyo toh- ang link ng inyong blog audition.

Ganun lang po kadali.
Next week (pinagmimeetingan pa po ang eksaktong date) malalaman ang mga mapapalad na makakapasok sa bahay ni Kuya.
Ang tatanghaling Big Winner ay magkakamit ng                                                  .
Kaya magmadali na kayo! Limited edition ito :D

SERYOSO PO ITO.

03 April 2011

FEELING NG GRADUATING (RHYMING)


Natutuwa, naiiyak, masaya, malungkot, natatae, nasusuka, nahihilo - hindi ako buntis! Wala rin akong mood swings.

Halo-halong emosyon - ayan ang nararamdaman ko ngayong malapit ko ng maabot ang pangarap ko  at tanging hiling ng aking mga magulang. Tatlong linggo na lang at aakyat na ko sa entablo upang tanggapin ang diplomang sumisimbolo ng apat na taon na pinaghirapan itaguyod ng aking ina't ama at pinagsumikapan ko din naman. 

MASAYA - sobra, hindi ko maipaliwanag kung ganu kasaya. Siksik liglig umaapaw! Dahil nagbunga ang lahat ng pagod at effort.

MALUNGKOT - dahil hindi ko makakasama sa entablo ang isa sa mga taong nagtaguyod na maabot ang pangarap kong toh.

Hindi man akong haharap sa madla with flying colors, still, it's a great honor. I survive, ang mga assignments, ang pressure, ang expectations, stress, projects,recitations,tuition fees at iba pang bayarin. Nagbunga ang araw-araw kong paggising, ang pag-absent ko sa mga gala ng tropa, ang pakikipaglaban ko sa antok at hindi sapat na tulog.

Kahapon habang nag-papractice sa magaganap na pagtatapos. Naiiyak ako. Ewan ko.
Kahapon din ang picture taking, medyo nahuli na kami dahil nga sa demanding na OJT.

Proud ako sa sarili ko at sa mga classmates ko. Lalo na sa mga BSA, dati kasi akong BSA. Nag-shift sa BSBA-MA nung mag 3rd year na dahil sa rason na tsaka ko na ikkwento. Halos walo na lang ang natira sa BSA at kinse kaming nagshift. Proud ako sa kanila dahil maganda ang performance nila sa review school. Sa naganap na pre-board nakapasok silang lahat sa top 50. Yung tatlo pasok sa top 10. Medyo inggit kasi hindi ko naipagpatuloy ang pangarap ng Mama ko. Pero nung nag-shift ako todo support pa din naman si pudang at mudang. 

Actually, gusto ko talaga maging inhinyero. Ayaw lang ni Mudang dahil sa gastos at taon na bubunuin ko. Pero hanggang ngayon gusto ko pa rin yon. Okay lang kasi na-enjoy ko rin naman ang Accounting at Management Accounting.

NUNG BSA PA KO/KAMI

Ito kami pag nag su-swimming

Pag-christmas party sa bahay ng pinakapaborito naming prof na si JUNJUN- ang aming Law Professor.


Ang JUNJUN ng samahan. Lagi namin binabastos. Bastusan-yan ang aming bonding.hehe


At kahit nagshift ng iba, friendship pa din.


Ang mga kapwa ko shifters at best ever tropa sa Lyceum :)
Ang CROXINIANZ :)



 

At kasama ang Original BSBA-MA




02 April 2011

UNANG SILIP SA BAHAY NI KOYA

Nung una gusto ko lang naman ipakita sa buong mundo ang kakayahan ko na ibahagi ang aking sarili.
Hindi ko naman akalain na matatangap ako ng ganito.
Ang daming audience kung tutuusin, hindi mo pwedeng piliin kung sino ang gusto mong manuod sa bawat galaw mo. Pero nasa sayo kung anu lang ang gusto mong ipakita. Pero masarap naman ang feeling, kasing sarap ng maling!

Ganito pala ang pakiramdam sa loob ng Pinoy Big Blogger house ni Koya.
Iba't ibang katauhan, kani-kaniyang kwento sa buhay.



Simula ng pumasok ako dito sa PBB house andami kong nalaman at naging kaibigan.

Anjan ang bestfriend ko noon pa man, kahit sa labas palang ng bahay, na si Kamila. Matagal na kaming magkaibigan pero dito sa PBB house ni Koya, mas nakikilala ko siya ng mabuti. Napakabibo niyan, maraming talent, siya ang nangunguna sa mga tasks ni Koya kung san may engage na sayawan, kantahan at kung anik-anik pa. Siya din ang isa sa mga madalas kong kakwentuhan tuwing busy ang iba sa kani-kanilang tasks. At lagi mo siyang makikita sa kusina, ngumunguya. Magkatabi kami sa kama na pandalawahan. 

Habang sa tabi naman ng aming kama ay si Cheenee. Isa siya sa mga una kong nakilala. Nung pinasok kami dito habang may piring ang mata, siya ang unang taong nakagaanan ko ng loob. Sa unang linggo pa lang namin sa PBB house, andami niya ng kinwento sakin. Kabilang na dun ang pagiging martyr niya kay palaka, minsan nga kahit matutulog na nagdadaldalan pa din kami.Kaya tuloy madalas din mapagalitan ni Big Blogger. Tapos kinaumagahan kwentuhan ulit. Halos tumambling kami sa kakatawa at bumending sa sobrang pagkakarelate sa pinagdadaanan ng isa't isa.

Habang sa kabilang kwarto naman, isang lalaki ang umagaw sa atensyon ko. May pagkamadaldal at pagka-presko. Pero sobrang approachable. Galante, sabi niya. Laging nag-aaya sa tabi ng pool para makipag-etchusan. Tapos lagi din nag-aaya kumuwa ng Fit and right sa ref. Siya si Leonrap. Minsan na siyang napagalitan ni Big Blogger dahil sa pagmumura niya. Muntik na siya patawan ng forced eviction, pero isang task na lang ang pinagawa sa kanya- ang ubusin ang dalawang kilo ng strawberries sa loob ng dalawang oras. Tuwang-tuwa naman ang mokong at first time niya daw makakita nun ng live!

Di naman kalayuan, laging nakatambay sa silid ng pool at may pagkamakata at mahiwaga, si Kuya Banjo. Ang lalim niyang tao. Ang daming baon na kwento na kapupulutan ng aral. Akala mo pa egoy-egoy lang yan sa tabi, pero wag ka! Epic yang tunay! Pilipinong pilipino, sa isip, salita at tuwa.

Isa namang napakamisteryoso ngunit may pagka-loko ang kapansin pansin sa loob ng bahay. Andami niyang alam, andami niyang kwento tungkol sa mga estudyante niyang kyut-kyutan at pasaway. Si Ser Motsmots, di kami maxado nag-uusap, pero pagnagkkwento siya tungkol sa mga pasaway at bibong grade one students niya, hindi pwedeng hindi ako makikinig at makikichismis. Mukha siyang pro na pro, pero once na nagkwento aba'y mokong din pala! Ang galing niyan magdrowing. Isa siya sa mga dahilan kung bakit na-inspire ako sumali sa Big Blogger House. 

Itutuloy...