25 June 2011

Hayaan niyo sila

Isang araw sa tapat ng tindahan ni Aling Betchay dumaan ang mag-amang Berto at Nardo kasama ang alaga nilang kalabaw na si Taylor. Sakay-sakay ni Taylor ang ama na si Mang Berto habang ang anak na si Nardo naman ay naglalakad kasabay nila. Si Aling Betchabay galiwow na mahilig sa chismisan kasama ang tatlo niyang kahuthutang dila ay nag-umpukan.

Tingnan niyo si Berto, hindi na naawa sa kanyang anak. Ang manipis na katawan pa ng anak ang pinaglalakad. Ani nila.

Pagkarinig ni Mang Berto dito ay agad siyang bumaba at pinasakay sa kalabaw ang anak na si Nardo.

Sa sumunod na kanto, sa tindahan ni Mang Erning ay umpok naman na parang langgam ang mga manginginom. Kampay dito, kampay doon. Pagkadaan ng mag-ama kasama si Taylor ay siya namang kantyaw ng mga lasinggero sa kanila.

Nardong putik! Hindi ka na naawa sa ama mo, pinaglalakad mo pa ang matanda uugod-ugod na nga!

Pagkarinig dito ay agad pinasakay ni Nardo ang ama ng sa gayon ay dalawa na silang pasan ni Taylor.

Sa pangatlong kanto naman ay nagtipon-tipon ang mga adik sa bingo, nagsisigawan at hiyawan sa sandaling makabunot na ng numero. Napatigil ang lahat ng dumaan ang mag-ama at ang kalabaw. Sabay sambit ni Aling Carol na bumubida sa bingohan.

Ano ba kayong mag-ama! Di na kayo naawa sa kalabaw at sabay niyo pang sinakyan. Pagod na nga yan sa maghapong pag-aararo!

Pagkarinig dito ay agad na bumaba ang mag-ama at naglakad na lang silang dalawa.

Sa sumunod na kalye ay dumog naman ang mga batang naglalaro sa daanan. Si Buknoy na siyang pinakapilosopo ang siya namang bida sa mga kalaro niyang bata. Pagkakita nito sa mag-ama at kalabaw ay agad itong tumawa sabay sabing.

Tingnan niyo sila parang tanga lang, may kalabaw naman bakit hindi sakyan at naglalakad pa.


Kahit ano pang gawin ng mag-ama, kahit ang kalabaw pa ang sumakay sakanila may masasabi at masasabi pa rin ang iba. Kaya bakit kailangan makinig sa sinasabi ng iba kung alam mo namang walang mali sa ginagawa mo. Ito ay kwentong ikinwento na aking kaibigan.

19 June 2011

JACK of all trades

Tito Jack, Manong Jack, Kuya Jack - yan ang tawag ng karamihan sa mamang nagngangalang "ROMEO". Isang simple, mapagkumbaba at mapagmahal kong Papa.


Simula nung mawala si Mama, si Papa na ang tumayong ina at ama sa aming magkakapatid. Hindi lang yon dahil kahit kaibigan, katropa o kabarkada e sinubukan niya ring gampanan para sa amin. "Ituring niyo lang akong kaibigan niyo na masasabihan niyo ng problema." - yan ang laging bukambibig ng aking pudra. Mapa-usapang lovelife, career o anu pa man di siya mawawalan ng bala. 


Tuwing gabi sa aming munting hapag lagi niyang ka-jamming ang alak, ang bisyong ayaw niyang iwanan upang makatulog siya sa gabi. Kung dati si mudang ang umuupo para samahan siya, paminsan-minsan nama'y sinusubukan kong maki-ride sa trip niya. Alam niya kung kelan ako malungkot at masaya. Ramdam niya kung kelan ako nasasaktan at nahihirapan. Hindi mahigpit si papa sa amin pero sinisigurado niyang di niya kami pinapabayaan. 


Alam niya halos lahat ng bagay kahit di siya nakatapos ng pag-aaral. Madiskarte at matiyaga. Jack ang tawag sa kanya dahil nga halos alam niya ang lahat. 


Siya ang nagturo sa akin nuon magpiano nung bata pa ko, maggitara nung high school ako, magbass nung college. Siya nagturo sakin pano magdrawing, maglettering, at manahi. Siya ang nagsabi saking "Maging madiskarte ka sa buhay" at "Ang kutsilyo kahit gaano katalim hindi niyan mahihiwa ang loob mo kung matibay ka".


Kaya nga Mahal na Mahal ko yan. 


Minsan nga lang makulit.


Ako: Grabe nuh ang daming napu-food poison ngayon!
Papa: Ganyan talaga lalo na yung mga double dead na pagkain, yung mga bodka!(seryoso)
Ako: Botcha!
Papa: Yun ngang mga dodcha!(mas seryoso)
Akp: Botcha! Kulet! :)


Salamat sa aking da best na Pudang!

13 June 2011

First Day KAWAY



Dati pagtinatanong ako kung san ko gustong magtrabaho isa lang ang maiisip ko.. Ang magtrabaho sa isang car company. Isang pangarap na binuo ng interes at pagkahilig sa mga sasakyan na dati ko na ding ikinwento sa pahinang ito. Hindi naman ako nabigo at natupad ko ang pangarap ko na toh. Finally may trabaho na ko! First day kaway sa kumpanyang halos pitong buwan ko ding pinag-alayan ng aking natatanging serbisyo bilang on-the-job trainee. Nagbunga naman ang lahat ng pagsisikap ko. Masaya lang talaga ako at opisyal na kong magtatrabaho sa pagagawaan ng mga sasakyan.


Nakakahiya. Ang awkward ng feeling na ipinapakilala ka sa mga taong kakilala mu na. Isang libong tuwa at isang libong kantyaw. "Ui bago, anung pangalan mo miss?" Kung pwede ko lang mabigyan ng tag-iisang batok ang mga yon. Umatras tuloy ang kapal ng muka ko at tuluyang nahiya sa mga taong di ko naman ugaling mahiya.


Sobrang saya ko lang, walang mapaglagyan :) Sarap sa feeling :) Syempre sunod na ang pag-aaral mgdrive. Yuhoo!