29 September 2011

RASYON PARA KAY MOIMOI

A is for apple a-a-apple, b is for boy bo-bo-boy, c is for cat ca-ca-cat, d is for dog do-do-dog, e is for elephant e-e-elephant, f is for fish fi-fi-fish, g is for gorilla go-go-gorilla, h is for hindi ko na alam hindi ko na alam… With feelings and matching effort sa pagkanta, ganyan ko kamahal ang cutie pie kong pamangkin na si Moimoi o Jack Robertson Lim Corillo sa tunay buhay. In 5 months time para na siyang isang tunay na bata, makapal na buhok na lang ang kulang at malilit na ngipin na masarap kumain.



Kahit pagod at inaantok na I make sure na masisilayan ko siya pag-kauwi ko kahit mahimbing na ang tulog niya. Maraming nakukyutan at natutuwa sa batang ito dahil hindi siya iyakin at palangiti lagi. At ang bochog pa. As tita isa lang ang mai-susuporta ko sa mahal kong pamangkin, ang buwanang rasyon ng diaper. Kahit pa wa-poise at pinagkakamalang may anak na ko pagbitbit ko ang diaper niya pauwi, keri lang teh ma-survive lang pupu at wiwi ni moiski. Sana lumaki siyang mabait, gwapo at matalino. Tuturuan ko siya maggitara pag 2 years old na siya para mabeat niya ang history ng tatay niya bihasa na mag-piano at the age of three. Dapat magaling na mag-adlib si moimoi at at the age of two (hehe).