23 October 2011

BTW

BTW as in Back To Wasted
But don't take it literally guys. I'm actually proud of it, yeah you read it right! Im wasted! I'm back to Wasted BAND! Haha

It's been a long time kopong-kopong sago na din. Almost one year of slamming in the audience side. Pero ngayon member na ulit ako ng Wasted Band. Rocking on the center stage, facing audience face, sharing music like a grace. Namiss ko to ng sobra. Hindi ko alam kung bakit wasted band ang pangalan ng banda namin, ang knows ko lang mga pang limang batch na kami. Marami na din naging member ang banda, ang isa sa dating myembro sa langit na naggi-gig, yung iba naman out of country tripping, yung iba out my league. Basta mahigit dekada na ding tumutugtog ang banda. Before, I played the bass guitar para maala-urbandub. That time din I was called by other people as "lalai ng wasted". But then I have to leave the group, sobra busy sa school that time. Demanding din kasi ang oras ng banda, you have to practice so much to perfect the piece kasi kung hindi magkakalat lang kayo. And here comes Kris, one of our brothers sa Franciscan youth who will substitute my place. Actually lahat naman kami Franciscan youth,and I think that's what makes us different from other bands. Halos kapatid na talaga turingan namin. We bond like we're all boys in the group, kaya minsan nag-iinarte ako para malaman nilang babae akes. Being member of a band, It's not enough na tumugtugtog ka lang, you have to make some rockin' moves, a power stand will do. But you have to make sure you're creating an astig impact. You just have to feel and love what you're doing and the way you do it.
Battle of the band ang isa sa puhunans ng mga banda. Not only for the prize but also to showcase their talents. Having that said, recently we joined the hottest battle of the band down town. The Festival Mall- Xsite Battle of the Band 2011. Busy ako nung mga nakaraang araw sa sarili kong planeta, at isang araw, Wednesday,  biglang nagtext si Kuya Avel (vocalist) if I will be free on Saturday. They are four in the group kasi, at ang requirement dapat atleast 5 members. So I was hugot for the band to qualify in the elimination. Yow men! I have 3 days para praktisin ang mga pondo! Knowing na may pasok pa ko sa trabaho. But without hesitation, I said yes with excitement to Kuya. Namiss ko din kasi talaga tumugtog. Payaso by Razorback and Ilagay mo kid by Hagibis, shet! Parang mabibinat ata ako. Pero dahil gusto, may paraan. Kahit puro lalaki sila, pinilit ko makisabay kahit pa malapit ng madurog ang mga daliri ko, gorabels pa rin!
Kasama sa practice ang pag-galaw.
“Jheng tatalon ka ha”..
HUWAT! Di pwede nagcoconcentrate ako sa chords! Pwede bang I whip my hair na lang side to side?!
“Hindi pwede, tatalon ka dahil kung hindi ikaw lang hindi tatalon magmumuka kang tanga” .
Ganun, ehdi pinractice ang pagtalon. Kahit medyo awkward nga.         

Sa eliminations, kalma-kalma pa ang lowla niyo. Kunyari di kinakabahan. Pag akyat sa stage tsaka pinagpawisan ng malamig ang buong katawan. Bahala na si Pacman! Sa moment na tatalon na, biglang lingon ang leadista “Ate Jheng tatalon na” ako naman tong “Sige okay okay!”. Toinks! Pagtalon biglang talikod sa audience at nag-isip kung nagmuka ba kong tanga. Pero okay lang enjoy naman at nakapasok pa sa Top 10!!! Thank you Lord talaga!


At ngayon kinakabahan na naman ako kahit medyo malayo pa ang finals. The moment of trulaloo. Please do support our band by voting for us sa bawat pagsakay niyo sa mga rides ng Xsite sa Festival Mall Alabang until October 29. That’s #4 Wasted Band. Pwede na ring manood kayo sa finals to cheer us J October 29, 2011, at Festival Mall Grounds. See yah there! RNR!

18 October 2011

Usapang Barbera

Weird in artistic way- that's how I define my unusual stuffs. But if there's one thing na talagang tumatak sa mga taong kakilala ko tungkol sa akin e yung pagiging barbera ko. Wit ko nga maintindihan kung bakit ako napunta sa ganung kaabnoyan. It's started out since high school. Sabi nga nila ang hair (sa taas ha, to make it crystal clear) ang crowning glory ng mga babae. Rebond, cellophane, hot oil, hair spa, highlights, at kung anong ka ek-ekan ang nagsulputan sa ibabaw ng mundo para pangalagaan ang malalago at mahahaba nating buhok (I repeat, sa taas po). Going back, eversince high school ako na ang nag-gugupit ng sarili kong buhok. Marami kasi akong unfavorable, drastic, unwanted experiences kapag nagpapagupit ako sa iba. Back when I'm in grade 3, nauso ang shaggy, syempre sasabay ako sa uso sabi ko kay mudang. May I spluk naman ni mudrabels na siya na lang daw ang magtatapyas ng aking juhok. Ehdi gorabels naman ang bata, shaggy e! After ilang minutes, pagharap sa salamin halos nauna ng bumagsak ang world trade center sa aking kaitchurahan. Sabi ko shaggy e, hindi mushroom cut! Dami kong badtrip that time, kung pwede lang i-mighty bond yung mga gupit-gupit na buhok ko. So syempre dahil tampulan ng tukso sa room, nagsusuot ako ng sumbrero yung cap namin sa girls scout. Nung grade six naman nagpagupit ako kay bakla sa nearest parlor, di ko nagustuhan, parang may kulang. 

Biglang isang araw na lang sinubukan kong maglagay ng bangs, trip lang. Una mga hanggang 1 inch lang ang nakakaya ko tabasin, patrim-trim lang muna hanggang sa nakakaya ko na maggupit ng 5 inches. At ayun na nga, one day i find myself used to unusual and weirdo thing. For the past 8 years, ako lang ang nagsilbing barbera ng sarili ko. Nung una trip lang, but later on I appreciate more my ability, by that way mas nasasatisfy ko ang sarili ko at syempre wala naman akong ibang sisisihin kundi ang gunting . And I like it more when other people got to appreciate my hairstyle "wow ganda ng gupit, ystilo salon yan noh" "hindi no shinampoo ko lang yan". Haha. LELS. Pero lahat ng bagay ay may katapusan. Dahil may raket na ang lola niyo, meron na kong kaperahan pampagupit. Nung summer inip na init ako, bigla namang na-spotan ko ang kapitbahay namin slash tropa ng kapatid ko na may ginugupitan. Out of nowhere ako naman tong si "ui gupitan mo nga yung likod ko" ayun gumorabels agad ang lowlah. For only bente pesos nag tugs-tugs na ang buhok ko! Tinde men! After ilang months bigla ko naisip magpagupit sa salon sa isang mahal, medyo may kamahalan at pagkatapos e nag-umpisa na naman akong maimbyerna sa itchura ng buhok ko, hindi nagets ni ateng parlorista! Daming badtrip! Kaya lumipad ako sa bakuran ni Basil, ang kumakabog to the highest leveling na parlorista sa baranggay. At nagustuhan ko naman ang gupit niya. Syempre rampa na naman with my new hair. Sabi ng mga tao sakin "ikaw na naman naggupit niyan noh" "ano na naman yang natripan mo sa buhok mo". Taas noo at baba akong nagsabi na "Sorry nagpagupit ako sa parlor, may pera na eh!" . After 3 months humahaba na naman ang hair ko, napatapat sa salamin at nakakita ng gunting. Back to abnormal, walang pakundangan, go gupit na naman ang buhok ko. Pero I love it naman dahil nagagandahan ang mga tao sa paligid ko, promise! I can feel it, sumasunod sa galaw, aba syempre maikli na lang e!So sa mga gusto magpagupit humarap na lang sa salamin at humawak ng gunting, go gupit! 

cheers!