23 November 2011

GL Rocks



Hindi ko na matandaan ang araw na 'yun, basta ang naaalala ko lang ay buong eksena, ang mga kanta, tugtog at mga mukha nila. Wala naman talaga sa plano, parang isang eroplano kung san ang isip biglang nagbago. Ayun sana ang araw na magkikita kami ng matalik kong kaibigan, ngunit sa di sinasadyang pagkataon sa ere siya'y naiwan. Pasalamat naman at ako ay nipatawad niya. 


Eh sino ba naman kasing uurong sa nag-gagandahang mga babaeng ito ng General Luna. Hindi ako tomboy ha o bakla, sadyang malaki lang aking paghanga.


*salamat google para sa litratong ito


May higit isang beses ko na rin silang naisulat sa pahinang ito. Kung ako ang tatanungin sa kung sino ang peyborit band ko, walang duda, yan ay General Luna. Di lang magaganda, talented pa. Hindi basta tugtugan lang, may ehemplo at dating sa tao. 


At nung mga araw ngang iyon dali-dali akong nagtungo sa SM Dasma para makita sila. Bumili ng CD at umupo ng walang keme sa front seat. The whole time, nakanganga lang ako habang nagpeperform sila. Sort of kinakabahan at naiihi pero pinipigil dahil ayuko mamiss ang sandaling iyon. After rakenrolan next na ang picturan at autograph signing. Buong katawan at laman ko nanginginig, kulang na lang matae ako joke. At dahil mag-isa at walang camera, buong kapal ng muka ginamit ko na para makiusap sa katabi ko na kuhaan niya kami then pabluetooth na lang after.


Speechlees, pero pinilit pa din magsalita para di magmukang tanga naman. Dumaan kay Bea-drummer, Caren-lead guitarist, Nicole-vocalist at Audry-rhythm, at sa dulo talagang sakto dahil naghihintay ang aking idolo. Si Alex Montemayor, bassist ng banda.






*photos from alex's tumblr

Hindi ko mapigilan parang gusto ko maiyak sa sobrang tuwa. Ang nasabi ko na lang "Hi alex you're great! I'm a big fan!" toinks! sabay picture at autograph. Sa haba ng panahon ito pa lag ang CD n binili ko, as is first ever :)


sa sobrang bait niya may pangalan ko pa ang autograph niya :) love it!

salamat sa nag-picture kahit di kita kilala


Ang saya parang nasa cloud9. Ang lupet magbass! idol talaga! Lalo tuloy ako na-inspire gumawa ng bandang puro gelay.



21 November 2011

EK for Enchanted Kunyari

Buwan-buwan laging may plano, linggo-linggo lagi gusto magkita, araw-araw halos magka-usap sa email, fb at text. At dahil may importanteng kailangan kuhain, nadamay ang buong tropa. Isang tao lang naman ang nag-aya, actually hindi nga nag-aya, umepal lang ako nakukuhain ko na rin ang TOR sa school kahit hindi na ipna-follo up sakin ng HR. All set on saturday, gogorabels sa school at kukuhain ang TOR ng biglang nag-aya sa kawalan na mag-Enchanted Kingdom after. Isa ang sumang ayon, naging dalawa, tatlo, apat, lima at nagsarado sa anim. Okay play! Ang umatras may eat sa wetpaks! LELS.

Sa araw ng sabado, sadyang mahimbing ang aking tulog. Sinusulit bawat minuto, ninanamnam bawat laway na tumutolo (yak). Hanggang sa tumawag ang aking katribo "san ka na? dito na kami school!". At dahil patuloy na naakit sa kama at unan napasagot tuloy ako ng "sige sunod na lang ako sa EK, kitakits!."

At dahil naglalakbay panalangin ang jeepney na nasakyan at mega trololol traffic pa, swerteng nalate pa. Pag dating sa tagpuan, sa waltermart near EK ay kumain muna then fly fly butterfly sa tahanan ni Eldar. 

Di pa man nakakalapit nakakainip na ang eksena at mukang tagilid ang tropa. Ang daming nagfifieldtrip! Badtrip! At bukod pa dun wala ng promo. Kaya sa gedli ng amusement park kami'y nag-isip-isip. 

Suggestion 1 : "Eh kung mag-Nuvali na lang kaya tayo!"

Objection on Suggestion no. 1 : "eh anong gagawin antin dun? Magpapakain lang ng isda at sasakay sa bangka? korny!"

Suggestion no.2 : "Sa tagaytay na lang! tara mag-zipline!"

Objection on Suggestion no. 2: "Magkano ang zipline? Eh dito marami pa tayong masasakyan!"

Suggestion no.3 : " Star city na lang, bumyahe na tayo habang maaga pa!".

Objection on Suggestion no. 3: "Ang layo! baka bago tayo makarating dun eh uwian na!"

Suggestion no. 4 : "Ganito na lang, ipikit natin ang ating mga mata, maghawak-hawak ng kamay at iimagine mo nasa space shuttle, anchors away at super ferry ka!"

Comment on Suggestion no.4: "Shet! manong bababa na ko! Kinakabahan na ko! mamamatay ako dito!"

Objection Objection on Suggestion no. 4: "Anong super ferry? Baka perris wheel! boplax eh!"

Final Decision: "Tara sa balibago at doon na tayo mag meeting."

Minutes of meeting sa Balibago : Manood na lang ng Breaking Dawn sa Festi.

Pagdating sa Festi. Ayun sumakay ng roller coaster, bump car at xtrax sa xsite! In short tablado ang plano. 






In our wildest and craziest dream nakapunta kami ng ek, nuvali, tagaytay at star city. 
At mabuti na lang nakakain din kami ng sama-sama sa shakeys :) Atleast kahit papano umepek na kaunti ang pagkikita-kita namin. Sa susunod na kaboplaksan ulit ! haha


19 November 2011

Have a break? Make a DOODLE Art!

Creating random drawings from scratch, leaving no space, colorful or just plain black and white, it doesn't matter anyway, just let your hands sketch random things from your mind. A flower, dog, car, rainbow, sky, bear, monsters, shapes, anything, everything, even though it means nothing. That's how I make doodle. You don't need to have a single and specific subject, it just come with a lot of objects. No rules, no instructions.

Before graduation, our class went to a memorable experience - The CBA Retreat 2011. BSBA-MA together with BSA. It made me happy, kasi dati kaming BSA then we shifted to MA, kasama ko for 2 days and 1 night yung mga taong naging bahagi ng buhay kolehiyo ko. We spend a lot of bonding time braced with spiritual guidance, banal pa din naman kahit ang kukulit naman. We're grouped for the activities and for the room assignment. Kahit may room assignment dumadayo pa din kami sa kwarto ng iba, para sulitin na din ang momentum. It's really not my first time to be in the Capuchin Retreat Center at Lipa Batangas. Kasi dun din naman nagreretreat ang youth namin for almost five years. But it's different this time. I'm in total silencing sa CRC pag-kasama ko ang Franciscan Youth, dahil na rin mahal na araw kami nandoon so bawal talaga mag-ingay. With my classmates, super duper and ingay! Nagsisigawan pa kami. At ang isang kakulitan namin biniktima namin yung mga classmates namin lalaki, dinala namin sila one by one sa kwarto namin. Pag naipasok na namins siya iga-gang kiliti namin siya! Haha eh ilan kaming girls laban sa isa. Yung isa pa nga talagang binuhat namin papasok sa kwarto, imaginin mo yun ang laking lalaki nun, todo kapit pa xa sa poste para di namin xa madala sa kwarto. Grabe, ang ingay namin.

Jonas after the gang kiliti session .. haha


And yung sa isa naman naming activity wherein ishe-share mo sa buong klase yung naging sharing niyo sa grupo may isang kapana-panabik at kakilig-kilig na eksena. Si Kat na idol, habang nasa harapan para magshare ay biglang tumingin ng kay ganda kay Nikko at sabay sabi with microphone "Nikko........tumingin ka naman sakin................crush kita!!!" WOOT!tumbling at nag-islum ang lahat! Pati si Father kinilig sa tagpong iyon..haha

During breaks naman sa conference hall, dahil bawal mag-ingay dun at dahil nandun din si father, ito na lang ang pinagkaabalahan ko ...



Ang mag-doodle. 

Basta iniisip ko lang kung anong nararamdaman ko that time at kung anong pumasok sa isip ko. I completed it bago kami umuwi. At kahit hindi ako masyadong nakagawa ng journal for that moment, by just looking with this doodle maaalala ko kung gano kasaya at kagaan sa feeling ang retreat na yun! 

And here are some of the pictures :)







The Original BSA :)



















14 November 2011

Hope, have Faith, Believe then Make a Wish

Friday, the most exciting day of my life and what made it more special this time, it's 11/11/11! Once in a life time lang yun men! Bukod sa uso ang mag-wish sa di malamang teorya mayroon ding kaganapan sa bandang Ortigas. The maala-Tangled experience, to make wishes more creative in a way, the floating lanterns in the air. Before 11/11/11 came, alam ko na na may ganitong ka-ek-ekan sa Banchetto. Though gusto ko talagang pumunta wala naman akong kasama. So hybernate mode na lang ako, maghahanap na lang ng patay na buhok para may ka-artehan naman ang wish.

Eto na nga, biglang may nag-GM na alien. Gorabels daw siya sa Banchetto event, at dahil biglang nabuhayan naman ako, ispluk ko na agad na gusto ko sumama. Okay lang naman kahit naubusan na ko ng lantern, ang mahalaga makita ko lang sila ng personal at live. After office, gumora na agad with mega excitement sa Ortigas. Habang nasa alabang biglang nagtext si alien na wala na daw lantern, irereply ko sanang okay lang nga kahit wala akong mabili at mahawakang lantern ng biglang namatay ang mahal kong celepono. Badtrip! Anyway, tatawagan ko na lang sila pagkatungtong ko ng megamall. 

Sa megamall, nameet ko na ang pinaka-mamahal kong alien. At hindi ako masyadong natuwa sa sinabi niya "Bes hindi na tuloy yung lantern, kinancel ng management!". Alam kong hindi yun nakakatuwa pero tumawa ako kasi feeling ko joke lang yun. So deadma lang. Pero syempre kunyari affected like this...

*the lady in black shirt,sya nga pala yung sinasabi kong alien.

Pero dahil nagkkwentuhan sila ng about sa cancellation ng event eh medyo naniniwala na ko pero hindi pa din ganun ka-convinced. At the back of my mind "nag-usap siguro sila na jajamingin nila ako". After mag-dinner fly na lang kami sa Metrowalk for inuman session. On our way to MW, bigla na lang sa kalangitan may mga mumunting liwanag na nagpagalak sa 'king puso like this...


Hindi ko na alam kung matatae ako o maglulumpasay sa aming nakita. Bigla na lang parang bata na nagmadaling pumunta sa playground. Sabay sabi ng "sabi na eh! niloloko niyo ko eh!"

At ayun na nga, sa dami ng mga taong naglabasan sa mga establishments on the side at kanya-kanyang daldalan na na-cancel naman pala talaga ang event. Salamat na lang at pasaway ang mga katauhan :)

After ng mahabang lakaran with excitement ulit, agad-agad tinanggal sa plastic ang mga dalang lantern at sinindihan.We almost forgot about the wishes sa sobrang pagka-amazed namin sa mga kaganapan. It took us a lot of patience para tuluyang lumipad at lumutang ang lantern sa langit. We don't care and mind kung nangangalay na ba kami at nagmumukang ignorante. All we know, we're happy and we enjoy this crazy little thing called floating lantern.





Thanks to my new friends c/o CEU. hehe.. Never I felt out of place with their company, it seemed like we're long time friends. Thank you guys! And syempre sa aking mahal na best friend na alien Kamila and her bf Michael :) 





Thank you very much Lord Jesus Christ for this memorable experience :) You're so awesome! 
Though at first it's an epic fail you still won't let us down through your gift of hope and faith. 
Believe! and make a wish!


11 November 2011

Momentous Battle



"To God be the glory!" -  words popped in my mind when the host gets to announce the first placer in the Xsite Battle of the bands 2011. Mixed emotions, tatalon ba ko? sisigaw? tatumbling? maghead spin? mag dougie? Oh men! 1 hour bago nag sink in! We made it! We won! And it's real!




This is very momentous for me and my band. Kasi fly to SG na si kuya avel the vocs. So ako na ang vocalist sa next time .. haha


Anyway we played the songs Ilagay mo kid by hagibis in rock version and Mr. Kenkoy by Mike Hanopol also in rock version. It's actually bunutan system for the second song we have to perform. And the band decided to play Mr. Kenkoy instead of Laki sa layaw , para na din hindi lang laging yun na lang ng yun. We are given the chance to prepare for two weeks prior to the finals. Practice dito, practice dun, head bang dito head band dun, etc. Everyone paid a lot of attention, effort, time and also money na din. But then it's all wort it in the end.


Prior to the finals, nagbalitaktakan pa kami tungkol sa costume para magetchingin namin ang best in costume. They suggested we wear a duster, syempre kumontra ang lola niyo! I prefer formal attire, pero 4 against 1 ang labanan dahil gusto talaga nila ng duster. So nagkabati na lang sa desisyon na formal-formalan on the first song then shift to duster in the second. Nag-work naman! natuwa naman ang madlang people sa aming pakulo though hindi namin nasungkit ang best in costume.




and here is the actual performance. hope you guys enjoy it :)


At dahil sobrang kabado ang lowlah niyo, ayun hindi nakatalon sa part na dapat tatalon.. dami tuloy badtrip! hehe.. Anyway baka pag-tumalon ako nun kami na ang magchampion.. chos!


Congatulations din sa aming tropang banda, ang champion - Tanikala Band !




At maraming salamat sa mga bago kong kaibigan, my dearest idols! Panalo kayo para sakin Paru-paro Band :)





At dahil pwedeng bumati.. salamats na din to our relatives and friends na todo support that night!






Vow! I'm lost for words, sensya na :)