13 January 2012

EB with McRICH: Pabibohan



Hindi ko alam kung kaano-ano niya si mcdonald,  mckinley, mcbride, mcgraw, mcarthur, mcbeauty (may special participation si meme razz haha), mcchael jackson, mcra clara, etc! korny ko! Ang alam ko eh bongga ang lolo niyo!

So eto na nga, dumako tayo sa gusto niyang maganap at syempre kakarerin ko na toh dahil dito nakasalalay ang bonggang papremyo. Minsan lang toh noh, feeling ko nga do or die! Pag di ako nakasama malamang maghunger-strike ako sa labas ng leslie's with placards. Echos! Ayuko ma-miss ang kaganapang ito. For sure magiging memorable ito para kay mcrich at sa limang mapipiling bloggers, at sana ako yung isa (wish ko lang).

Aligaga ako nung mabasa ang blogpost niya. Paano ko ba uumpisahan at gagawin, gusto ko kasi talaga makasama. 


Eversince mag-blog ako hindi ko pa nae-experience makipag-EB with bloggers, maliban sa bff kong si Kamila. Kahit merong mga plano hindi naman natutuloy, puros jamming lang. At kung matuloy man hindi ako nakakasama dahil sa dalawang natatanging rason: hindi ako available ng araw na 'yon o wala akong pera, or both. At since may ganitong offer si Mcrich with matching ka-ek-ekan on the side, feeling ko this is really is it ng bonggang bongga. Lahat ng pina-follow ko gusto ko makita in person, lalo na si McRich kasi feeling ko hindi ako gugutomin nito (insert pictures of bigating judges, lol, peace mga ateng!). Gusto ko makilala siya in person, lalo na OFW siya alam ko marami siyang baon na kwento at pangaral sa akin. At tsaka malay ko ito na yung sign, na siya yung taong magdadala sa 'kin sa mga kapalaran at pangarap ko sa buhay. Malay ko siya ang magiging tulay sa amin ng aking future irog kaya kailangan ko siya makita... CHAR! anubeh! Natataranta ako men! Kasi naman minsan lang to. So eto na talaga yung totoo at seryosong sagot ko sa tanong niyang "Bakit?" na idadaan ko na lang sa tulang parang tula ng isang bibong bata.


Sa kanyang panawagan, excitement ko'y di matawaran.
Ang tanong niyang "bakit" gusto kong masagot ng pilit.
Blogger's EB ang paanyaya, kaya ako'y di magpaparaya.
Kagustohan ko sumama, kahit pa sa kanya ako'y magdrama.
Sa offer niyang eat-all-you can, promise hindi ko mabibiten.
With matching goody bag, sandamakmak na sabon for my libag.
Hindi isa, hindi rin dalawa, kundi lima ang nais mong makasama.
Kaya lalong na-rattle ako to win this epic battle! (anu daw)
Sadya namang eto ang aking hangad ngayong bagong taon ay bumungad.
To meet fellow bloggers para saya at ligalig ay owvers.
Bukod sa kainan I'm looking forward for kwentuhan at kulitan.
Bongga mo McRich, imba ka at can't be reach!
Level mo'y amazing parang si Kuya Will at Bosing.
Naks! Artista! Yan tuloy sa personal gusto ka makita.
Isa kang dakilang OFW, and you're one of those few.
Who share own experiences, stories and blissful views.
Sana'y mapili ng mga hebigats mong hurado, kundi man ako'y deads at tablado.
Pag di umepek ang kabibuhan kong to, okay na din ang premyong goto.
So I hope one of votes ay mine, para memorable itong aking first time!
Vowwawaw.

Salamat McRich sa oportunidad na ika'y makasama, pag di ako napili unfollow na kita at block sa fb. JOKE lang! haha. Nag-enjoy ako sa pa-contest mo :) Manalo-matalo cute pa din ako ha... LOL



20 comments:

  1. bakit hnd mo sinali apelido ang kong McBeauty? hehe! Sana manalo ka, regards mo ako kay McRich

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha oo nga noh! wait lang me edit ko.. haha good idea. tas link kita. wahaha

      Delete
  2. Kung ako ang judge, panalo ka na! =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. sana ikaw na lang para kasama na ko! hehehe

      Delete
  3. thanks jheng sa pagsali, good luck!

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks too mcrich sa iyong pa-contest! enjoy!

      Delete
  4. aba aba aba, at saan ang link na pwede akong bumoto? galing ng tula mo jheng, i hope you'll win darling. about the polka dress, i'll find one for you, ok lang ba kahit sa thriftshop? hehehe plamis i'll send it to you. happy weekend and goodluck
    'lil sister!

    ReplyDelete
    Replies
    1. huwow!(tumbling) kahit ano po masaya na ko! na-shy naman ako bigla, hehehe. Thanks lovely mommy mathea :) hugs!

      Delete
  5. Pag nanalo ka... isama mo ako! Lol... gusto ko din makita si McRich! Hehehe

    ReplyDelete
  6. sumali ka na din! malay mo mapili ka tapos ako iwan, ako naman isama mo! hehehe

    ReplyDelete
  7. mukhang mauunahan ako sa'yo. LOL

    ReplyDelete
  8. Sarap naman... makipag EB...
    Pag-uwi ni DiaryniGracia

    Ingat kayo lagi...
    God bless.

    ReplyDelete
  9. Replies
    1. naku sana nga kuya, idol pa naman kita. haha

      Delete
  10. tara EB tayo, sama sa February 4 :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. hhahahaha.. sumali ka sa pa-contest malay mo manalo ka! tapos isama mo ko! wahehe

      Delete
  11. heheh hectic ang sched hehhe. cge EB tayo minsan ^^

    ReplyDelete

Say Wuht?